PUMASOK si Domeng sa loob ng maliit nilang silid upang silipin ang natutulog na anak. Inayos n'ya muna ang kumot nito at ang bentilador upang hindi madapuan at makagat ng lamok. Pagkatapos ay kinuha n'ya ang jacket na isinabit kanina sa likod ng pinto. Hatinggabi na ay wala pa ang asawa. Hahanapin n'ya ito at oras na makitang kasama nga ang kumpare nila ay patitikimin na n'ya upang magtino. Hindi pa s'ya nakakalabas ng bahay ay dumating na si Eva. Muntik pa silang magkabungguan dahil hindi na s'ya umaasang makauuwi ito sa gan'ong oras. Madalas ay pagising na ang mga panabong na manok ng mga kapitbahay nila bago ito makauwi. Agad n'yang naamoy ang alak sa singaw ng hininga nito. S'ya man ay nakaubos din ng isang lapad na alak ngunit 'yon ay dahil sa sama ng loob. Madalang lang n'yang gawi

