Matchmaking #8

2622 Words
Naghahanap ako ng mga damit habang kami ay nadadaanan ang mga boutique. Ang gaganda ng mga damit ngunit mukhang hindi ko kakayaning bilhin ang mga ito dahil parang mahihimatay naman ako sa presyo. Huminto kami sa magarang botique at nanlaki naman ang mata ko ng mapagtanto ang brand na nakapaskil. "A-alex, papasok ka ba? Hihintayin nalang kita rito sa labas," sabi ko, tila ba kinakabahan. Sa social media ko lang ito nakikita, at kahit mga bag lang, sobrang mahal. "Why? You don't like Gucci brand? Do you prefer Chanel or Versace? We can go there after natin matapos rito." Hindi ba niya naririnig sarili niya? He just mentioned it like a normal botique! Ang halaga ng mga gamit rito ay sobra pa kaysa halaga ng tuition fees ko! "No, I mean.. It's too expensive. Hindi ako sanay sa mga mahal na brand." Ukay-ukay nga lang afford ko eh, at tanging tanaw lang ang nagagawa ko kapag nadadaan ko ang mga botique ng mga mahal na brands. I feel like I'm not fit to enter the store. Nanliliit ako. "Better get used to it. I'm here to spoil you as per our contract. It's my job to fulfill all your desires." He said with a wink. Hindi rin naman ako ang pumili para maging match kami. Either siya or ang company pero hindi parin maalis sa isip ko na hindi ako sanay sa magarang buhay. Nakapangarap rin naman ako ng yaman, pero sa totoo lang, gusto ko pa rin maging simple kahit maginhawa na. "Hindi mo ba ako sisingilin sa mga binibili natin pagkatapos ng kontrata?" tanong ko, nababahala. Baka, ini-spoil lang niya ako ngayon tapos pinautang lang pala ako. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Why would I do that? All of the things that I will buy for you, are yours. Hindi ako sumisingil." "Talaga?" Ngumiti siya ng tipid. "Yes, so choose whatever you want. I will buy it." Nagdadalawang isip man ay sinunod ko na lang siya. He offers his arm kaya kumapit ako rito habang naglakad kami papasok. One of the staff approached us with her smiling face. Nahawa rin ako kaya nakangiti rin ako sa kaniya. "Hello sir. Why would you like to buy?" The woman eyed Alex at napansin ko ang pag nganga nito sa mukha ni Alex. Is she daydreaming? Hindi ko rin naman siya masisisi, Alex is so handsome na para rin siyang may lahi pero hindi ko iyun tinanong dahil baka sabihin niyang interested ako sa kaniya kahit hindi naman. Slight lang naman. "Bring me your latest design. I will buy it. Make sure that it will all suit my girlfriend." Ha? Girlfriend? Bakit nang a-ako to? Nawala ang saya sa mukha ng babae nang makarating ang mukha niya direksyion ko. She even looked at my clothes at napaismid. What's wrong with my clothes? Ang comfortable kaya magsuot ng malaking tee shirt at short shorts with rubber shoes pa. I even wear my sun glass kahit na walang araw sa loob ng mall. Her eyes rolled out na kinanuot ng aking noo. Problema ng babaeng 'to? Akala mo naman kagandahan. Ang pula nga masyado ng blush on niya na para siyang galing sa pagkakasampal. Dadagdagan ko kaya 'yan? "This way Ma'am." Tumingin ako kay Alex bago ko sumunod sa babae. She guided me sa mga naka displayng damit. She let me choose na kinasaya ko naman kasi akala ko, mag susuplada siya dahil kanina. Wala naman akong kasalanan in the first place. I even picked some heels and a bag na nirecommend niya sa akin. Gusto ko sanang magtanong kung magkano iyon kaso nahihiya ako baka kasi sabihin niyang pumipili kami tapos hindi pala afford. Ilang damit na yung sinusubukan ko pero yung pinili ko lang is mas yung mga simple na pasok sa taste ko. When I went outside from the dressing room, nagtaka ako dahil nawawala ang mga damit kong sinusubukan ko kanina. Siguro binalik na ng babae dahil pinipili ko lang kasi yung gusto ko. I walked towards Alex na nasa counter na. Tapos na rin ba siya sa pagpili? I have to ask that woman dahil baka binalik yung pinili kong damit. Napasulyap ako sa mga napakadaming paper bags sa taas ng counter. Andami naman yata nito, sino kaya may ari niyan? "Ito lang po ba sir?" Tanong ng cashier at napansin ko namang lumapit si Alex roon at binigay ang kaniyang Card. Wow, black card? "Bella, may idadag ka pa ba?" Lingon nito sa akin. "Ha?" pagtataka ko. Iyun lang naman pinili ko 'ah. "Ito na ba lahat?" Turo niya sa mga napakaraming papers bag. Nanlalaki ang mata ko nang mapagtanto kung kanino yun. Putek? "A-ako ba nagpili niyan?" His forehead creased like I said something stupid. "Of course, you personally choose this. You don't remember?" Wala naman akong maalalang ganito karami ang pinili ko ah? I searched for that damn woman na kasama ko kanina pero wala siya. Nagtago ba ang babaitang iyon? "Bella?" Tumingin ako kay Alex at sa Cashier na hinihintay lang din ang sagot ko. Tumango na lamang ako para sabihing iyun lang kaya tinanguan niya lang din yung babae sa counter. ***** Nababahala ako habang tinitingnan ang mga lalaking nakablack na pabalik balik sa botique store at sa labas habang kinukuha ang pinamili kong hindi naman dapat yun ang pinili ko. Alam kong plinano to ng babae kanina. Kakalbuhin ko talaga yun kapag nagkita kami. "Let's go? We're still heading to another boutique," Alex suggested, and my eyes widened in surprise. Another boutique? Wasn't he concerned about the total cost of my purchases? I had seen that one bag earlier that probably cost a million! Could I even return some of these items? "Baka mabankrupt ka niyan. Ang dami ko nang pinamili. Tama na yun," I tried to reason with him, my tone filled with concern. He simply tilted his head, looking at me with smile. "What are you saying? I really don't care about the prices. Don't worry, hindi pa 'yon nakakalahati," He reassured me. "Hindi pa?" I repeated in disbelief. Pwede pa kaya iyung ibalik mamaya? He chuckled at my stunned reaction, and I stood there like a statue for a few seconds. Who wouldn't be surprised? He was treating millions as if they were just coins. "Seryoso ka ba diyan? Diba sale lang dapat bibilhin natin? Puro brand new yun e!" I felt a twinge of guilt about my extravagant shopping spree. I was already thinking of returning some of the items when I had the time. "You can choose sale products after we finish choosing in another boutique," Alex suggested, and I sighed, deciding to go along with him. Maybe he had something he wanted to buy there, and I didn't want to seem ungrateful for his generosity, even though it left me in a state of disbelief. We reached on the another expensive brand at sinabihan niya akong bumili ng gusto ko pero tumanggi na ako but he still insisted dahil kulang pa daw yun. Kulang e, na parang pwede na nga ako makabili ng house and lot sa halaga ng lahat ng 'yon. Dahil nag insist siya, wala na akong magagawa. Para kasi kaming abnormal sa labas ng botique, nagsasagutan. Hindi rin naman siya nagpapatalo kaya ako nalang nag adjust. I looked for swimwears na susuotin ko sa Hawaii. Sinabi rin kasi niyang kailangan kong pumili ng ganun dahil hindi naman kami agad uuwi. One week rin naman yung binigay na leave ni Carlo sa akin kaya wala rin akong choice. Nagdadawalang isip ako kung mas bagay ba sa akin ang yellow one piece o white two piece kaya gusto nalang muna itong subukang suotin. Hindi naman bago sa akin ang magsuot ng ganito lalo na at parati akong iniimbita ni Shena mag outing kasama mga pinsan niya. "You don't have to choose. I will pay so let it pack," Biglang saad ni Alex sa gilid ko. I saw him holding a coat na bago niya lang siguro sinubukan dahil mukhang kakagaling niya lang sa dressroom. "Baka kasi hindi bagay sa katawan ko," I replied, setting aside the items I had initially picked out. I really wanted to get both of them, but the fear of them not suiting me held me back. "Let me see you wear it," Alex suggested, and I blinked in surprise, my hearing momentarily failing me. "H-ha?" I stammered, unable to catch his words clearly. "I said, try to wear it. I will be the judge." He repeated with a mischievous look in his eye. My face turned red; the thought of trying on clothes in front of him was embarrassing. "H-hindi na... kukunin ko na lang," I mumbled, flustered. In response, he smirked, clearly amused by my reaction. When I finally realized what he was hinting at, I playfully swatted him on the arm. "What?" He chuckled, his expression unapologetically teasing. "Huwag mo akong I what-what diyan. Mabuti nalang ay hindi ako pumayag." Sabay rolled eyes ko sa kaniya. Tumawa lang siya bilang sagot. Ang saya niya no? Ano kayang nakain ni Alex ngayon? Pagkatapos naming mamili ay nagdecide kaming kumain muna dahil nagugutom rin kasi ako. He let me choose where we eat kaya sinabi ko nalang na sa fastfood chain kami. Akala ko ay aangal siya pero pumayag siya agad. Kumakain rin kaya siya rito? Pumasok kami sa Jollibee at pumili ako ng table sa tabi at nilagay ang mga pinamili sa ibaba ng mesa. Pagsulyap ko kay Alex ay parang casual lamang siyang nakaupo sa harap ko. Siguro kumakain din siya rito, judgemetal lang talaga ako. Tatayo na sana ako para mag order nang naunahan na ako ni Alex sa pagtayo. " Ako na ang oorder. What would you like?" Namamahangha ko siyang tiningnan. "Wow, kumakain ka rin pala sa ganito?" tanong ko. "Yes, Do I look like a person who doesn't eat fastfoods?" Nag isip ako bago siya sinagot. "Akala ko kasi ayaw mo at napipilitan ka lang. Well, that's good to hear. May similarity pala tayo." I saw his lips curved upwards. "We did?" What's wrong saying that? Mas mabuti nga may similarity kami in other things para magkasundo kami hindi ba? Not in relationship kundi sa contract. We will together hanggang sa matapos ang contract. "Oo, kasi kapag wala baka mag away pa tayo." Tulad ng kanina, nagtatalo pa kami. Pera naman niya pero ayoko rin naman yung I-take advantage. "You're right. I will buy all of it on the menu so you can choose," Simpleng saad niya. Mabilis ko siyang hinila sa braso kaya nagtataka itong nakatingin sa akin. Para na itong nakayuko habang tiningnan ako dahil mataas siyang lalaki kaya kapag magsasalubong ang mata namin dalawa, parang mangangalalay naman leeg ko kakatingala. "What?" Nagtataka niyang tanong. "Huwag lahat, Alex. Hindi natin mauubos no. Akala ko ba kumakain ka sa ganito? Nag oorder ka ng ganiyan karami?" "Yes. I gave it to the other customers. I really don't like packing it to bring home." Buti nalang mabait 'to kaya binibigay niya pero much better kung mamimili nalang siya ng kaya naming kainin. Hindi ko parin siya binibitawan. "two orders lang orderin mo, You can't do that anytime while you're here." Nawala naman ang pagkunot ng noo niya na parang naintindahan niya ako. "Alright, if you say so." Binitawan ko na siya at tiningnan ito hanggang sa makarating sa counter. Hindi ko naririnig yung sinasabi niya sa cashier kaya isinawalang bahala ko nalang at kinuha ang phone ko sa bag. I recieved messages from Shena at nangungumusta siya sa gala namin ni Alex. Mine-message ko kasi siya kaninang umaga na may pupuntahan muna kami bago bumyahe papuntang Hawaii. When I done replying to her, I opened my camera and took a selfie. Ilang shots rin kinuha ko bago binaba ang aking phone when I caught familiar faces na dumaan kung saan kami. Glass wall kasi gamit kaya kitang kita kung sino yung dumadaan sa labas. I squinted my eyes para makita ko sila ng tuluyan. I remember that guy, he was with Shena's cousin. He even asked my course that night. Oh right, it's Michael! At sino yung babae? Bakit pamilyar siya? "Hey, something's wrong?" Liningon ko si Alex na kakarating lang dala ang isang tray. He put it on the table at nilagay ang sa akin at kaniya. Hindi ako nagsabi kung ano oorderin ko kaya siguro nag initiate siya. Okay lang naman kasi bet ko rin ang inorder niya lalo na at gusto kong mag rice ngayon. "May nakilala lang akong dumaan pero hindi yata ako nakita," Sagot ko, habang sinisimhot ang sarap na amoy ng manok. Namiss ko 'to! Umupo na siya at nagsimula na ring kainin ang burger at pilit rin binubuksan ang ketsup. Inoobserbahan ko lang siya kaso kahit anong punit niya, wala pa rin. Nagsalubong na rin ang kaniyang mga makakapal na kilay habang pinupunit ang ketsup kaso hindi parin. Ang cute niya mainis. "Need some assistance, Mr. Billionaire?" Ngisi kong saad sa direksiyon niya. He playfully quipped, "Looks like I need the help of a ketchup extraction expert." The comment carried a light, humorous tone. Binigay niya iyon sa akin. Kaswal na ibinukas ko ang packet ng ketchup at ibinigay ito sa kaniya. He pretended to bow in gratitude before squeezing a bit too enthusiastically, resulting in a ketchup explosion. Pinipigilan kong huwag tumawa sa nangyari. "Well, I guess the ketchup was really exciting to meet your fries." Pinunasan niya ang ketshup sa damit gamit ang tissue "The feeling is mutual, I assure you." Tumawa na ako sa sinabi niya kaya nahawa rin siya at sinabayan rin ako. As we finished the meal, I realized that Alex wasn't what I expected. He matched my pace, making me feel at ease around him. I hope these three months together will build trust between us, even if it's just as friends. Nagkwentuhan kami ng kung ano-ano bago umalis roon. When we walk towards the exit, nakaramdam ako pagkaihi. Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin si Alex at nilingon ako. "Punta muna ako ng comfort room." Nilapitan niya ako at kinuha ang mga paperbags sa kamay ko. "Okay, I will wait for you. Ihahatid ko muna ito sa sasakyan." sagot niya. Tumango ako at naglakad papunta sa kalapit na comfort room. Walang katao-tao ang comfort room nang makarating ako kaya pumasok nalang ako sa unang toilet. "Did you see that guy outside? Siya 'yong naka 3 month rule contract ko last year!" Bumundol ang kaba ko sa narinig. "Talaga? Siya ang sinabi mong magiging kayo sana kung hindi lang bumalik ang asawa?" Isang boses na naman ulit ang narinig ko. Marahil nasa tatlong babae sila at ang isa naman ay pumasok sa magkatabing toilet. "Oo, hindi ko naman alam na baliw ang babaeng yun. Kung alam mo lang ang nangyari, na hospital pa ako kaya pagkatapos ma end yung contract ko sa kaniya, hindi na ako nagparamdam. I heard nga na may ka contract na naman yung lalaki. Kung ako sa kaniya, tapusin niya muna yung namamagitan sa kanila ng ex-wife niya bago siya maglandi sa iba. Sayang rin kasi dahil naging milyonaryo ako ng ilang buwan. Tsk!" "Pero malapit ka namang mamatay girl, okay ng putulin muna koneksyon sa kanila. Aanhin mo naman yung pera kung mamatay karin naman dahil sa baliw na asawa?" Narinig kong turan ng babaeng kakalabas lang ng cubicle. Tumayo na ako pero wala pa akong planong lumabas. "Basta move on na ako. Tara na nga, hinihintay na ako ng boyfriend ko," Huling saad nito at lumabas na sila ng comfort room. Nang maramdaman kong wala ng boses sa labas ay lumabas na rin ako at dumiretso sa vanity area para maghugas ng kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD