Matchmaking #5

3004 Words
Kamot ulo kong tinanaw ang reviewer na hawak ko pagkatapos ng exam. Hindi pa rin ako maka get over sa pinagsasagutan ko kanina. “Parang mali talaga ‘yong no. 22 ‘eh.” Giit ko habang binabasa nang mabuti ang naka highlight. I flipped the page and checked the other words indicated in the notebook. My ballpen brushes against my lips as I concentrate my gaze on it. May kumalabit sa balikat ko pero hindi ko ito pinansin. Baka kasi pinagtitripan na naman ako ng mga kaklase kong lalaki. Nakaupo pa rin ako sa usual seat ko. Alas kuwatro na rin siguro ng hapon kasi ramdam ko na ang init sa labas. Naririnig ko na rin ang mga ingay ng mga studyante. May kumalabit na naman pero this time, dalawang beses. Kunot ang noo kong binalingan ang likod. Isang lalaki ang nakatayo sa gilid ko. Naka uniform pero halatang hindi ka department ko dahil sa kulay ng ID string niya. May salamin sa mata, magulo ang buhok at may sketchpad na hawak. “Oh? Sino ka naman?” Tanong ko rito. Namula ang pisngi ng lalaki. Hindi man lang makatingin sa akin nang diretso. Kinamot niya ang kaniyang batok na parang nahihiyang magsalita kung ano man ang sasabihin niya. Naiinip na ako pero hindi lang ako nagpahalata. “U–hh.. ikaw ho ba si Isa–Isabella Heyes?” Tanong niyang putol-putol. “Oo? Bakit? Pwede pakibilisan magsalita?” Utos ko, nilibot ko ang paningin at ilang classmate nalang pala ang natira sa room. “Okay lang po bang humingi ng permiso sa inyong.. ah.. guhitin ‘yong–” I hissed. “Ang bagal mo magsalita. Sino bang nag utos sa'yo at kukutusan ko?” Naiirita kong tanong. Tumayo nalang ako sa upuan at niligpit ang gamit ko. Kahit naman icheck ko ang reviewer, tapos naman rin ang exam. Mas lalong namula ang pisngi ng lalaki at nauutal na namang sumagot. “M-may I please draw your portrait, Miss Isabella? I’m in the Fine Arts department and I’ve seen you around campus. Your features are very inspiring for my project.” Tumaas ang kilay ko. Lumunok siya sa aking reaksiyon. “Draw me? Bakit gusto mong gawin ‘yan?” He nervously fiddled with his sketchpad, avoiding eye contact. “Unique po kasi ang feature ng mukha niyo po, Miss Isabella–I mean, kayo lang ho yata ang nakikita kong may berdeng mata na.. halos perfect–” Bumuntong hininga ako at kinuha ang mga gamit ko sa upuan. “Look, I don’t have time for this. I have other things to do.” His shoulders slumped, and he looked genuinely disappointed. “I understand. Sorry for bothering you.” Tumalikod na siya pero nandoon pa rin ang disappointed sa reaksiyon niya. Imbis na mairita, nakaramdam tuloy ako ng awa. Sige na nga. Choosy pa ba ako? Tánging ganda lang siguro talaga ang meron ako. “Teka lang!” Pigil ko sa kanya. Lumingon siya sa akin. Bumalik ang pagkislap ng mata niya, umaasang papayag talaga ako. “Sige na.. Iguhit mo na ako. Pero huwag mo masyadong tagalan dahil hapon na ngayon.” Mahinahon kong sagot at binalik ang gamit ko sa mesa. He smiled widely. “Thank you so much Miss Isabella! Hindi po talaga matagal, promise!” I sat down again, and he immediately pulled out his sketchpad. When the drawing started, I could only feel a blend of interest and expectation. Even though it was not my intention at first, I ended up having a good time imagining what I looked like from his artist's perspective. Hindi lang rin naman siya ang nagrequest sa akin nang ganito. Ilang minuto siguro akong ganoon hanggang sa ngumiti na siya habang nakatingin sa sketchpad niya. Tapos na siguro siyang gumuhit. “Thank you, Miss Isabella!” Bigla siyang yumuko sa harap ko. “Promise po, babawi po ako dahil sa pagsayang ng oras niyo.” Pinatingin niya sa akin ang sketchpad. I smiled dahil nakuha niya talaga ang itsura kung ano ang ginagawa ko kanina. “You’re pretty good at this. Thanks for asking me.” I smiled genuinely. Nagpasalamat siya ulit sa akin. Doon na rin sana ako lalabas nang marinig ko ang boses ng instructor namin galing sa pintuan. “Ms. Heyes?” He called out. “Sir?” Sagot ko nang medyo malakas. Inayos niya ang salamin sa mata upang makita ako ng klaro bago niya ako nilapitan. “Uuwi ka na ba, Ms. Heyes?” Casual ngunit, mahinahon niyang tanong. Sa lahat ng naging instructor ko, si Sir Josifa lang talaga ang mabait para sa’kin. Kapag may mga concern, mabilis lang siyang malapitan. Hindi tulad ng instructor ko noong second year, feeling mo kasalanan mo pang magtanong. Kaya bagsak iyon parati sa akin sa evaluation ng school ‘eh. “Yes po. May nangyari po ba?” tanong ko habang bumabalik ang tensyon sa mukha ko. Umiling siya at bahagyang ngumiti, “No. The dean told me to ask you to go to his office. Mukhang may pag uusapan kayo.” Agad kong naalala kung bakit ako pinatawag. Napakamot ako ng ulo at naramdaman ko ang pagbigat ng pakiramdam ko. Mukhang ito na yata ang magiging problema ko ngayon. “Akala ko po.. ang head finance ang makipag usap sa akin.” Sabay tingin sa sahig, pilit na iniiwasan ang tingin ni Sir. Nangunot ang noo ni Sir at bahagyang sumimangot. “Tungkol ba ‘to sa balance mo last year?” tanong niya habang nagtataas ng isang kilay. “Opo ‘eh,” sagot ko habang kinakamot ang batok, pilit na ngumingiti ng pilit. Napatango siya na parang nakuha niya agad ang mangyayari. Kinapa niya ang kanyang bulsa at may kinuha rito. Tiningnan niya muna ito bago niya inabot sa akin. “Ano po ‘to?” Nagtataka kong tanong nang makuha na galing sa kanya ang isang sobre. “Ibigay mo ‘yan sa dean pagdating mo. I'll go na. Locked the room before you go dahil mukhang ikaw nalang naiwan.” Luminga ako sa paligid. Kami nalang dalawa pala talaga ang nasa room. Wala na rin akong naririnig na ingay sa building namin, mukhang bumaba na sila. “Mauuna na ako, Heyes. Mag iingat ka.” Nagpapaalam na si sir, habang ako naman ay niligpit muna ang gamit ko at kinuha ang susi sa locket kung saan nakalocate ang teacher desk. Nang maisara ko na ito, agad akong naglakad papunta sa Dean’s office pero bago ‘yon, naririnig ko ang mga tili galing sa mga nadadaanan kong students. Dahil pinanganak akong marites, sinilip ko naman ang bintana. Mas lalong lumakas sa akin pandinig ang boses sa labas. I squinted both of my eyes to clearly see what's happening, but I only saw a bunch of students na nagkumpulan malapit sa parking area. Dahil hindi ko naman nakita nang klaro, nagkibit balikat nalang at naglakad nalang papunta sa dean. "I think your balance has already been paid, Miss Heyes." Finally, the dean spoke. Kanina pa kasi siya abala nang makita kung ano ang nasa loob ng papel. Hindi ko nga iyon binasa dahil baka iba pala ang nakasulat doon. Noong nabasa niya ang nasa sobre dahil mukhang papel ang nasa loob, may tinawagan agad siya. “Ho? Anong binayaran po?” Ulit kong tanong. Baka kasi nabingi lang ako saglit. Sa laki ng balance ko dahil sa kinuha kong kurso, impossible yata ang narinig ko kanina. Nilagay niya ang sobre sa harap ko. Tiningnan ko rin ito at hindi nawala ang pagtataka sa mukha ko. "Your balance, as I previously stated, has already been paid. Tinawagan ko ang finance department and they told me that you don't have any balance left at bayad na rin ang tuition mo hanggang fourth year ng advance.” Nalaglag ang panga ko. Hindi ako makapaniwalang nakatingin kay Dean. He motioned me to pick the envelope and check it. Kahit nagulat pa rin sa narinig, kinuha ko nalang ito at binasa. When I read the supposed letter, it stated that my tuition was paid by a number I was unfamiliar with. Nandoon rin ang transaction at bank number ng nagbayad pero hindi ko man lang makita ang pangalan ng sender. But there is one person that comes to mind right now. Kung siya nga, there's a possibility that he did pay for it. Wala naman akong ibang kilalang mayaman maliban sa kanya. Binaba ko ang sobre at ngumiti nang pilit sa Dean. "Uhm... I believe I know who paid it, but it is personal, Dean." "Oh, that is okay." He replied. “I just wanted to talk to you about it, pero nabayaran naman pala. I guess you should go na, Miss Heyes.” Tumango na lamang ako at tumayo sa upuan. I did not say anything but goodbye to the dean before heading outside. Nasa isip ko pa rin ang nangyari. So, he really came back to the Philippines. Akala ko, doon na siya sa Europe for good. Hindi ko nga lang alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Mama kung malaman niya ‘to. Ayoko rin namang magtago kay Mama tungkol sa kanya. “Wow, chicks!” Salubong ang kilay kong huminto sa paglalakad. May mga asungot kasing humarang sa dinadaanan ko. Umikot ang mata ko at sumimangot na umangat ang tingin sa kanila. “Ano na naman?” Naiirita kong sagot. Ngumisi si Joshua sa gilid at siniko ang lalaking kilalang-kilala ko. “Hindi mo lang ba kakausapin ang long time crush mo, Isabeleee?” nanunuksong tanong niya. Mas lalo akong bumusangot. “Hindi ko siya crush. Bakit ko naman siya kakausapin? Close ba kami?” Nassar kong sagot at hinawi ang gitna upang makadaan ako. “Tabi nga! Paharang-harang!” Ngunit, napatigil ako sa paghakbang nang may humila sa braso ko. Nadala ako kaya’t muntik na akong matumba. Sinalo naman ako nang sino pero dahil sa galit ko, hinarap ko siya at sisigawan na sana nang makilala kung sino ang nasa likod ko. “Isabella…” My lips pressed together. “What do you want, Khalel?” “Can we.. talk?” Nag alinlangan niyang tanong. Ngumiti ako nang hilaw. “Hindi,” sagot ko agad at akmang hihilahin ang braso nang hinila niya rin ako. “Ano ba? Bitaw o sisipain ko ang golden egg mo?” Banta ko. “I just want to talk to you..” “Para ano pa? Ngayon lang na ilang taon mo na akong iniiwasan?” Bumuntong hininga siya at umiwas ng tingin. “I have a reason.” “I have reason to avoid you, too. That's what you want, right?” “Isabella naman,” malamyos niyang pakikiusap. “Khalel, you really think you can just waltz back into my life after ignoring me for so long? Ano sa tingin mo ako, spare tire?” Matalim ko siyang tinitigan at marahas na kinuha ang braso ko. Kanina niya pa hinihila, parang tanga naman kasi. Nagkibit-balikat siya at sumikop ng malalim na hininga. “It wasn’t like that. I didn’t have a choice.” “Choice? Really? So pinili mong iwan ako para sa ibang tao?” Tumindi ang galit sa tono ko, at ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko. He rubbed the back of his neck, looking conflicted. “I know it looks bad, but there were things you didn’t know about. I was trying to protect you.” “Protect me? From what? From feeling abandoned? Great job, Khalel. You succeeded.” Pabirong tawa ko, sabay iling ng ulo, pilit na hinahadlangan ang mga luhang gustong kumawala. He moved closer and reached out to touch my shoulder. “Isabella, please. Just give me a chance to explain. Can we go somewhere private?” Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko at tiningnan siya nang matalim. “Ano pa bang i-e-explain mo? It’s clear you chose them over me. Friends tayo, Khalel. Best friends. Pero iniwan mo ako.” Namula ang pisngi niya, at mukhang hindi mapakali. “It wasn’t just about them. There were family issues, and I had to leave. I didn’t mean to hurt you.” I could see the sincerity in his eyes, but my pride would not allow me to forgive him so easily. “Family issues? At kailangan mo akong iwasan? You could’ve told me. We could’ve figured it out together.” His shoulders slumped, defeat written across his face. “I thought it was the right thing to do. I thought distancing myself would make things easier.” “Easier? For who? For you?” My voice cracked, revealing the extent of my pain. “I needed you, Khalel. You were my only close friend since we're highschool. Tapos bigla ka nalang nawala.” “I’m sorry. I messed up. Big time.” His eyes begged to meet mine. “Please, let me make it up to you. I want to be there for you now.” “No. I do not think you can still be there for me this time because you have avoided me so much that I have forgotten we are friends." Malamig kong tugon. Natigilan siya’t mas lalong nalungkot ang kaniyang mga tingin. “Stop talking to me. I don't need you anymore.” Hindi na niya ako ulit pinigilan pa nang tinalikuran ko na siya. Pigil ang luha kong naglakad hanggang makalayo ako. Ayoko siyang iyakan. Matagal na ‘yon. We're not friends anymore. Kinakahiya niya siguro ako dahil hindi ako kasing yaman nila. They're all the same. We never talked na kaming dalawa lang at mag dadalawang taon na dahil kapag gusto ko siyang kausapin, pinipigilan siya ng mga kaibigan o di kaya ay nagsisinungaling sila para hindi kami makipag usap. He even changed his phone number, and we are no longer social media friends, which hurt me and made me cry. Bago pa tumulo ang luha ko, agad ko itong pinupunasan gamit ang likod ng palad ko habang naglalakad pa rin. At dahil hindi ko naman nakita ang nasa harapan ko, nabangga ang mukha ko ng kung ano bago ko pa makita ang daan. “Ay, punyeta!” Gulat kong saad. Isang kamay agad ang hinila ako at natagpuan ko nalang ang sariling nakayakap sa isang mabangong lalaki. “Careful.” Malambing na boses ng lalaki. When I looked up, I saw a familiar face. “A-alexander?” Gulat kong tanong habang tinutulak siya ng bahagya upang makalayo. “Anong.. anong ginagawa mo rito?” He brushed his hair upward. Agad akong napalinga sa paligid at lahat ng mga babaeng napapadaan ay nakatitig na pala Kay Alexander. Ang bango naman kasi tingnan ni Alexander sa suot niya ngayon. Simple casual looks lang pero para na siyang nag momodelo tapos endorser ng mga branded na damit. Ang linis rin ng gupit niya ngayon. May kaunting beard lang siya pero hindi naman malago. Lalaking lalaki talaga siya. Alexander grinned as he saw how I reacted, and he seemed so confident in himself. It was easy for me to see why everyone admires him. His strong build, possibly around six feet tall, was well-balanced by his regular white t-shirt, which clung to his muscular figure. His informal trouser choices complemented his sporty appearance, making him appear friendly and sexually appealing. I began biting my lower lip and grinding my teeth in an attempt to suppress a sudden wave of admiration. “Anong ginagawa mo rito?” This time around, I tried to sound more collected. “To see you,” he smiled. “I didn't ask for your contact number the last time.” “Pero paano mo ako nahanap? I don't recall giving you information about where I studied or anything na tungkol sa buhay ko.” “Uh, sorry about that. I did some research and yeah, I got your address on the event files.” Tumango tango ako pero nahagip ng mata ko ang mga kaklase kong babaeng papunta sa kung saan ako. Hindi pa nila ako nakikita dahil abala sila sa pakikipag usap sa isa’t isa. I hissed and grabbed Alexander’s wrist. Ayokong pag usapan ng mga tsismosa kong mga kaklase. Hinila ko siya sa dulo hanggang sa wala na akong makitang students sa paligid. “Why are we hiding?” Nagtataka ang tingin niya habang ako ay hindi pa rin mapakali at tiningnan ang paligid. “Ayoko ng tsismis sa University. Low-key student pa naman ako trip ko ngayon. Pakielamera kasi ng mga kaklase ko. Hindi naman mga magaganda. Mayaman lang!” Asik ko at hinawakan na naman ulit siya sa wrist dahil may nahagip na naman akong studyante. Para akong ninja kung makatago. Si Alexander naman ay parang batang nawawalang nakasunod sa akin. “Why don't we go straight to my car? Wala naman sigurong makakita sa atin roon. In fact, I came here to speak some important details to you.” He suggested. Tningnan ko siya. Binitawan ko na rin ang palad niya at napakamot ng batok. “Gano’n ba? Sige.. saan ba ang kotse mo?” Alexander smirked, leading the way to the parking lot. “It's just over there.” He pointed to a flashy black car that seemed out of place in the university parking lot. Sumunod na lang ako, pero bago pa kami makalapit sa kotse, napansin kong may isang grupo ng mga estudyante ang papalapit. Agad akong humakbang sa likod ni Alexander, gamit siya bilang harang para hindi ako makita. Nakita niyang tinatago ko ang sarili ko at tumawa siya ng mahina. “You’re really serious about this low-key thing, huh?” “Gusto ko lang ng tahimik na buhay dito. Ayokong maging sentro ng mga usapan nila,” sagot ko habang pasimpleng sumisilip sa likod niya. Nang makarating kami sa kotse niya, binuksan niya agad ang pinto ng passenger seat para sa akin. “Hop in. We can talk inside.” Doon na ako naginhawaan nang makaupo sa loob. Ang hirap pala kapag trip mong maging low-key student.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD