ANG NAG-AALALANG si Lira ang sumalubong kay Crystal pagdating niya sa opital. Hindi tuloy niya maiwasang ma-guilty. Nakatulog siya nang matinano samantang ang pamilya niya, nagdurusa. "K-kumusta si papa? Si Jerry?"
" Stable na ang papq mo, pero kailangan pa rin siyang i-monitor. Inilipat na siya sa kwarto na katabi ng ICU pero ang kapatid mo... h-hindi maumpisahan ang ibang examination dahil w-wala akong pambayad. kaunti lng ang nakuha kong pera mula sa mga kaopisina natin, Ang pagkasabi niyon ay inabot ni Lira sa kanya ang isang supot. Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil na wag siya umiyak. Saan ba niya natagpuan ang isang katulad ni Lira Napaka-rare ng katulad nitong isang totong kaibigan.
"Kamusta ang lakad mo kay angelo?
Tutulungan ka naman yata niya,hindi ba?
Dahil kapag hondi, hindi na talaga magiging good vibes sa'kin"
Dumiin ang pagkakakagat ni crystal sa ibabang labi. Naging mailap din ang kanyang mga mata . Pilit sumagi ang alaala ng pag-uusap nila ng kasintahan . Kungunit mabilis niyang iwinaksi iyon sa isaip.
"M-maghahanap ako ng ibang solusyon."
"Huwag mong sabihin iniwan ka ng angelo na'yon sasamain na--"
"Ha?" untag ni crystal kay Lira nang manahimik bigla ang kaibigan. Napilitan tuloy siyang tingnan ang kaibigannot-noong sinundan niya ang tinitingnan nito.
Literal na nalaglag ang mga panga ni Crystal. Hindi niya inaasahang susunod ang lalaking tumulong sa kanya. Hinatid siya ng lalaki, pero ito ang taong mukhang parating busy. Kaya nakakagulat na pumunta ito roon at mukhang siya ang pakay.
Napangiwi si Crystal nang maalala ang nangyari kanina....
Merry me."
Napatda si Crystal. Matagal na niyang pinapangarap na may mag-propose sa kanya at inaasahan niyang ang kasintahanng si angelo ang magsasabi ng mga salitang iyon. But it didn't happen. at hindi katulad ng pangarap niya, hindi tanong ang sinabi ng kaharap. It was more of an order than a request. "Bakit?"
"Of course, para palitan ang fiancee ko. I need to get married, at sinabi mong gagawin mo ang lahat para makabawi, hindi ba? " he said in a mocking tone witout looking at her.
Nakagat ni Crystal ang ibabang labi. Hindi na pinansin ang defensive nitong tono. " Patawarin mo ako kung naghiwalay kayo ng kasintahan mo, ngunit kung gusto mo na talagang magpakasal ... h-,hindi dapat ako ang tinatanong mo niyan. Puwede kitang tulungan... magkabalikan kayo...
"Lumunok siya. Paano ba niya sasabihin na hindi dapat sinabi ng lalaki ang bagay na iyon sa taong hindi nito kilala? Ni hindi nila alam ang pangalan ng isa't isa . Kung sa ibang pagkakataon ay sigaradong matutuwa siya. Sino ba naman ang hindi, gayong nag-propose ang isang estranghero sa kanya gayong hindi nila alam ang pangalan ng isa'isa.
****
"I don't need a real wife, damn it! All I need is a wife to show to my mother!"
hel blurted out as he looked at her. Napamura nag sunod-sunod ang lalaki bago muling iniiwas ang tingin sa kanya, habang hindi naman niya maiwasang mapakunot-noo. Ganoon na ba siya kapangit na ayaw yata nitong tingnan siya? Aminado naman si Crystal na hindi pa siya nakakapanalamin.
Bumuntong-hininga siya. Marriage of convenience. Mga bagay na ikinukuwento lang ni Lira sa'kin," bulong niya. Hindi siya makapaniwalang mayroon palang ganoon talaga. Ngunit hindi siya naniniwalang tama iyon.Dapat kung magpapakasal ka, sa taong mahal mo at handa kang makasama habang buhay.
Nagtatagis ang mga bagang ng lalaki nang lumingon sa kanya. Wala pang isang segundong nakatingin ang lalaki ay lumambot na ang ekspresyon nito. Naaawa ito sa kanyang hitsura?
"Damn," he uttered softly. Dalhin para mapatda si Crystal. Hindi siya nagkamali nang sabihin niyang mabait ang lalaki. Sapat ang timbre ng boses nito para lalong mapatunayan iyon.
Sa totoo lang ay natakot siya sa lalaki lalo nang mabungaran ito sa kanyang paggising. Ngunit nang magtama ang kanilang mga mata at makita ang magagandang mata nito, natanto ni Crystal na mabait ang lalaki. Kaya napalitan agad ng kuryosidad ang takot na kanyang nararamdaman. Iyon din ang unang beses na naging kampante siya sa isang lalaki na kakilala lang niya.
"I need a wife. Para bago mamatay ang mommy ko ay mging masaya siya. You want to repay, then be my wife. Don't worry, we would divorce once my mother i-is dead. " Tumahimik ito.
****
"Natanto ni Crystal na mahirap para sa lalaki ang nagbabadyang kamatayan ng ina. Siya man ay tila nagbara ang lalamunan. Naalala ang kanyang pamilya.
"Naiintindihan ko ang sitwasyon mo. K-hahit ako... ayokong mawala ang pamilya ko," pumiyok siya. Bago pa niya mapigilan ay naikwento na niya ang lagay ng kanyang pamilya.
"K-kailangan ko nang umalis. Kailangan ako ng pamilya ko. "Naramdaman no Crystal ang sundot ng kanyang konsiyensiya . "Kailangan kong makita ang lagay nila... K-kailangan kong masigurong ligtas sila." Bigla niyang naalala ang kaharap. Napaangat ang tingin niya sa mga mata ng lalaki. Gusto uli niyang mapaluha sa nakitang skspresyon nito. He looked so gentle, as his eyea met hers .
"P-puwede mo ba akong ihatid?"
******
Siguro nga ay handang maningil ng lalaki kay Crystal dahil sa pagkakahiwalay ng lalaki sa kasintahan nito. Siguro nga ay marriage of convience lang ang hanap ng lalaki. Ngunit malinaw sa kanyang balak pa rin nitong magpakasal. At siya ang napili ng lalaki na pakasalan.
Tumutok sa kanya ang tingin nito. Bakit bigla siyang nahirapang huminga? Siguro ay dahil sa ginawa nitong walang habas na paghingi sa kanyang kamay. Muling napangiwi si Crystal nang maalalang hindi pa niya alam pangalan nito
"Hello."
"Hi," magkapanabayang wika nila ni Lira. Tumutok ang mga mata ng lalaki kay Lira. Hindi alam ni Crystal ngunit may kakaiba siyang kabang nararamdaman. May gusto kaya ito sa kaibigan niya? Isanantabi niya iyon nang marinig itong magsalita, "Lira, right?"
"Kilala mo ang kaibigan ko?"
Muling tumutok ang kulay-tsokolateng mga mata ng lalaki kay Crystal. Bakit pakiramdam niya ay lumalambot ang mukha nito habang napapatingin sa kanya?" You told me her name." Napakunot-noo siya. Inisip kung nasabi nga ba niya ang pangalan ng kaibigan.
"Wow! Hindi ko alam kilala mo si Crystal! I mean kailan lang ay parang wala siyang pakialam sa mga bachelors in the Philippines. Iyon ang tawag sa inyong magazine. Ahh, tama ba ang pagkakaalala ko? Dred symon.... ano nga ba ulit iyon?"
Dred symon myler. You can call me 'Dred,"' sagot ng lalaki sa sinasabi ng kaibigan.
Hindi maiwasang mapangiti ni Crystal sa naging usapan nina Lira at ng lalaking ngayon ay alam na niya ang pangalan. Ngunit nang matanto ang sinasabi ng kaibigan ay napasinghap siya. Nanlaki ang mga matang napatitig siya sa lalaki. "Ikaw ang nasa magazine!" Kaya pala parang pamilyar sa kanya ang mukha nito.
"Oo, ang slow mo nan , Crystal. Ipinakita ko pa naman sa'yo ang larawan niya. Hay, patay na patay ka pa rin ba sa boyfriend mo?" baling ng kaibigan sa kanya. pagbanggit ni Lira sa kasingtahan ay agad na nilukob ng lungkot ang kanyang puso. Ngunit agad din niyang pinalis iyon sa isipan.
"Boyfriend?"
"Yes, as in syota nitong si Crystal. kahit na type niya ang tall, dark, and handsome na tulad mo ay itsapuwera ka sa loyalty nito sa kasintahan niya ,"
Namula ang muka ni Cyrstal. Nakakahiyang binanggit pa ng kaibigan ang tipo niyang lalaki. Pinili niyang ibahin ang usapan bago pa magkapagsalita uli ang dalawa.
"Ano'ng ginagawa mo rito... Dred?"
"I was just wondering if you need any help."
"Naku! Hulog ka ng langit! Mayaman ka naman, hindi ba? Pahiramin mo naman ng pera itong kaibigan ko. Nahihirapan kasi kaming humanap ng pera, pareho lang kasi kaming mahirap. Tumakbo pa ang driver na nakasagasa sa kapatid niya. Imagine! Siya ang may kasalanan ngunit tinakbuhan pa rin niya si Jerry!"
"Lira!"
"No, Crystal ,its's okay. I'm here to help . I'm your friend right?" masuyong wika ni Dred dahilan para mapatingin dito si Crystal. Bakit tila naging napakaganda ng pangalan niya nang banggitin iyon ni Dred? Bakit tila may gustong ipahiwatig ang lalaki habang nakatitig sa kanya?" I can do more than that. I'II call some of my friends . A doctor and one lawyer who can help you. Wait, I'II just call them."
Bago pa makapagsalita si Crystal ay tumalikod na si Dred.
"Crystal!" tili ni Lira dahilan upang mapabaling siya sa kaibigan mula sa kanyang pagkatulala.
"Bakit? Tumahimik ka nga at baka palabasin tayo ng mga doctor dito."
"I think he's in love with you!" kinikilig na sabi ng kaibigan, saka impit na tumili. "Whew, hiniram ko 'yong linyang 'yon sa isang pocketbook na nabasa ko."
"Sira ka talaga."
"Seryoso ako, gaga. tingin ko attracted sa 'yo ang Fafa na 'yon! Talagang iba ang tsismis ! Alam mo bang branded si Dred na 'most hated person in busniness'? pero siya ang pibakamagaling sa industriyang 'yon. siya kasi ang nagma-manage ng myler's Empire. kaya kahit maraming galit sa kanya ay wala ring magawa dahil kapangyarihan niya.
"Pero ngayong nakita ko na siya nang harapan napatunayang kong tsismis lang ang tungkol sa pagiging ruthless at shewd niya! Siguro, mga brokenheated lang ang nagpakalat ng tsismis na 'yon! Nakita mo ba kung paano siya tumingin sa 'yo? Oh, God! kinikilig ako hindi ko mawari habang nakikita kong nagtititigan kayo.
"Lira...' Nasa tono ni Crystal ang pag saway ngunit maging siya ay may nararamdaman nang kakaiba sa kanyang tiyan. Tila kasi hinahalukay iyon na hindi niya mawari. Maging ang t***k ng kanyang puso ay nakikipag-unahan doon.
****
"Maraming salamat po talaga, Doctor Caplo." Nakahinga na nang maluwag si Crystal sa ibinalita ng neurosurgeon sa kanya. Si Dr. Caplor ang doctor na kaibigan ni Dred at masabi niyang magaling talaga base na rin sa naririnig niyang bulong-bulungan sa ospital.
He was not your ordinary doctor. Hindi ito ganon katanda katulad ng doctor na unang umasikaso s kanila sa opistal na pinagsuguran sa kapatid niya. Puwede sabihing isa sa pinakaguwapong doctor na nakita niya sa vuong buhay niya si Dr. Caplor, bukod kay doctor na isang cordiologist na siyang umaasikaso sa ama niya.
Ibinalita sa kanya ni Dr. Caplor na successful ang operasyon sa coagulation sa utak ng kanyang kapatid at ayon din kay Dr. Chen ay bumubuti na ang lagay ng kanyang ama, kailangan lang daw ng pahinga. Asahan na rin daw niya na matatali ang ama sa wheelchair dahil tuluyan na itong naging paralisado, hindi lang kalahari ng katawan, kundi maging ang isa pang paa nito.
"I'm honored to do anything concerning brains. " Dr. Caplor flashed his usaul sarcastic and evil grin. His silver eyes shone with mischief.
Natawa tuloy si Crystal. Alam niyang mayaman din doctor. Iyon ay ayon sa ever reliable source niyang si Lira, ngunit hindi gaya ng kanyang inaasahan, magaling itong makisama sa mga taong mababa ang oosisyon sa buhay, Katulad niya at ng kanyang pamilya.
"And ladies?" dugtong ni crystal. Sa totoo
lang ay natutuwa siyang kausap si dr. Caplor. Kakaiba kasi ang sarcastic side na sense of humor. at habang tumatagal ang pakikipag-usap niya sa doctor ay natatagpuan na lang niya ang sariling gumagamit ng Inglish na salita kahit hindi niya gaanong gamay ang lengguwahe.
Tumango iti. "Yes, and that. oh, how I love those cunning ladies who manage to manipulate me
"Bakit parang pakiramdam ko ako ang sinasabihan mo? Hindi ko kayang magpaikot ng tao, "protesta niya.
Tumawa lang si Doctor Caplor, umakbau sa kanya bago bumulong. "You haven 't realised your power, huh?"
Natatawang umiiling si Crystal. "Tsansing na ang ginagawa mo---- Doc"
"It's not right to flirt in the work place. And a client for that." Pormal ang dating ng tinig ngunit ramdam ni Crystal ang talim doon.
Napangiwi siya nang hinarap ang nasa likurang si Dred. Ngunit agad na napalitan ng ngiti ang kanyang ngiwi ang magtama ang mga mata nila. Parati na lang niyang natatagpuan ang sariling nakangiti sa lalaki. Siguro ay dahil napakabait ng binata.
Bukod sa binayaran ni Dred ang pagpapagamot at binigyan pa siya nito ng abogado at pansamantalang matutuluyan habang nasa maynila sila. Si Dred din ang sumagot sa lahat ng gastusin. Hindi alam ni Crystal kung paano makakabayad sa lalaki. Ngunit sinisiguro niyang babayaran niya si Dred ayon sa ano mang hilingin nito. Kahit pa sabihin ng lalaki na ang gusto nitong kapalit ang pagpapakasal nila.
Utang ni Crystal ang buhay ng kanyang pamilya kay Dred. Ano na lang ba kung ipahiram niya ang sarili nang anim na buwan? Wala siyang karapatang tumutol. Ngayon ay naiintindihan na niya nang lubusan ang salitang "utang na loob."
Naikuwento na sa kanya ni Dr. Caplor ang detalye kaya naghahanap ng mapapakasalan si Dred. Ikinuwento nito kung paanong parati raw sinasabi ng ina ni Dred na gusto na nitong makitang kasal ang kaisa-isang anak at masaya sa piling ng babaeng pinili ng lalaki. Na gusto raw ng ginang na bumalik na sa dating Dred na ngumingiti at tumatawa.
Hindi katulad ngayon na parating pormal.
Sa totoo lang, gusto rin ni Crystal ang ideya ng ina nito na mapatawa at mapangitisi Dred. Gusto niya itong makitang masaya.
******
Gusto ni Dred na mapasaya ang ina, kahit man lang sa sandaling itatagal nito sa mundo. Kaya kahit lolokohin ni Dred ang sariling ina ay kakayanin nito, basta makita lang na masaya ang ina. Kung iisipin ay napakabait nitong anak. Naikuwento rin kay Crystal ng kaibigan ni Dred na ayaw magpakasal ng binata nang basta-basta . Kaya naman nahihirapan itong humanap ng pakakasalan. Dahil sa sirkulong ginagalawan ay pulos daw gold digger at social climbers ang lumalapit sa lalaki. Lahatdaw ng matitinong babae ay natatakot kay Dred at sa reputasyon ng binata.
Her smile widened when she saw how his face softened. Hay, bulag yata ang mga babae sa paligid ni Dred. Paanong hindi nakikita ng mga ito kung gaano kabait ang binata?
"Hello , Dred , kamusta?
He twitched his lips to form a smile. Muling nararamdam ni Crystal ang kabog sa dibdib, ngunit hindi na iyon pinansin dahil alam niyang hindi iyon ang dapat niyang maramdaman. " I came to get my fiancee , Dudz."
Napasinghap si Crystal nang basta na lang siya hablutin ni Dred sa kamay ni Dr. Caplor. Natulala siya nang pumaikot sa kanyang baywang ang isang kamay nito. Ano ang ginagawa ni Dred? sinong fiancee?
Tumawa nang malutong si Dr. Caplor. "Come on, man hindi pa yata alam ng fiancee mo ang sitwasyon n'yo."
"Shup up, Dudz. Wala kang pakialam sa 'min. Now, stop flirting with may fiancee. Hindi siya ang pasyente mo," mariing wika ni Dred sa kaibigan.
Saglit na napanganga si Crystal sa possessiveness nito Dred? Bakit inaaway mo ang kaibigan mo?"
Tumawa uli si Dudz. "Its okay, Crystal. Ganito lang talaga kaming magkaibigan. Weird magpakita ng pagmamahalan, "He then flashed his sarcastic grin again.
"Kilabutan ka nga. Get lost, man! Asikasuhin mo na lang ang iba mong pasyente! You've done well by informing Crystal about her sister 's and father's state. Now get lost."
"Dred, you really love to show your love," Dudz mocked before turning to her.
"Bye, Crystal, see you around."
"Sure, ingat. Salamat ulit."
"Bye, love , " Dr. Caplor said before leaving them both.
"Sinong 'love'?" pasinghal na tanong ni Dred na hinapit pa siya lalo palapit.
Napasinghap si Crystal. Saglit na tumigil sa paggana ang kanyang utak. Tanging ang pakiramdam ang kanyang pinagana. His touch felt possessive, as if he owned her, and she didn't feel any protest in her being about that fact. In fact , she felt happy with the thought.
Ano? Ngayon lumalamdi ka na?
Agad na napahiya si Crystal sa sarili. Mayroon na siyang Angelo. Wala man doon ang kasintahan ay kasintahan pa rin niya ito.
Tumikhim siya at ngumiti, piniling asarin si Dred. "Sino pa, malamang ,ikaw.
Umungol si Dred, pabirong iniumpog ang noo sa likod ng kanyang ulo dahilan para matawa siya. "Woman."
"Malamang babae ako. Bakit ka nga pala naririto? Wala ka bang trabaho? Sa pagkaalala ko, busy kang tao," nagtataka na sabi niya sa binata. Tatlong araw din silang hindi nagkita ni Dred dahil nga hindi ito dumadalaw sa ospital o kaya ay hibdi niya naaabutan ang lalaki sa bahay nito na tinutuluyab niya ngayon.
"I'm claiming your payment." His hand gripped her hips tightly.
Crystal immediately dismissed the hot feeling she intantly felt and the clenching of her stomach. " A-nong kabayaran ang gusto mo?" tanong pa niya kahit nahuhulaan na niya ang hihingiin nito.
"Marriage." He growled into her ears.
Hindi mapigilang mangaliglig ni Crystal sa kakaobang sensasyong kanyang nararamdaman. ""Bakit gusto mo pa rin akong pakasalan, Dred? M-maraming babaeng----"
"I don't like any other girl. Hell, I only want to marry you."
"Dahil ba alam mong puwede mo akong hiwalayan ano mang oras?" Napalunok siya.
Dred didn't answer and instead hugged her tightly. Gusto niyang isiping hindi nito gustong pakawalan pa siya dahil sa higpit ng yakap nito.