" Bakit may naging girlfriend ba ako? Kilala mo ako Stan, may kilala ka bang niligawan ko?" Tanong niya dito, hindi na pinilit ang sarili na agawin ang alak na ilang beses inilalayo ni Kai sa kanya. " Yun na nga, wala kang niligawan pero ang dami pa din naging babae mo." " Hindi ba mas mahalaga sa babae na sa kabila ng lahat ay sila ang mahal?" Sabay na tumapik sa balikat niya sina Kai at Stan. " Nagmamahal ka na Aidan?" " Kung hindi pagmamahal ang nararamdaman ko kay Dia, I don't know what it is called. Nag seselos ako kapag ngumingiti siya sa iba. Nasasaktan ako sa pakikitungo niya sa akin. But still, I want to see her every day." Hinayaan lang siya ng dalawa na magsalita. " Dude, and having next to her, masaya ako kahit na yakap hindi ko ginawa sa kanya. Makatabi ko lang siya p

