" Golden days, anong plano sa buhay?"
Tinaasan niya ng kilay ang kanyang ama, si Shaun Carlisle Saavedra. Nakapa meywang ito habang nakatunghay sa kanya na nag sunbathing sa gilid ng kanilang malaking swimming pool.
" What's with that tone daddy? And I'm Dia Golda."
Tanong niya dito, ibinababa niya ang kanyang shades.
" You're name doesn't suit you, sinasayang mo ang mga araw mo. Naka graduate ka na wala ka ba plan mag work?"
" Daddy, wag mo akong itutulad kay mommy. Hindi uubra sa akin iyan. Hindi mo ako pwede ipagkasundo kung kanino."
Tumayo siya mula sa kinahihigaan at isinampay sa balikat ang beach towel na hinigaan niya.
" Of course, pero me ginawa ako sa mommy mo na hindi ko pinagsisihan. I'm proud of it."
Sumilay ang mga ngiti nito sa labi. Thinking about her mother his father never changed. Physically he changed but the love is still the same.
" You're just bored, daddy. Bakit kasi hindi ka na lang sumama kay mommy at nang hindi ako ang nakikita mo?"
Sabi niya dito, hinalikan niya ito sa pisngi at patalilis na iniwan habang meron itong iniisip.
Ang kanyang ina ay katulad pa din ng dati na mahilig sa kawang gawa. Samantalang ang kanyang Kuya na si Nathan ang pumasok sa pulitika.Sa murang edad nito siya na ang Mayor ng kanilang bayan. Sigurado siya malayo ang mararating nito sa pulitika. Ang kanyang Kuya Stan Lee naman ang sinasanay ng kaniyang ama maging CEO ng nangungunang TV network sa bansa.
At siya bagong graduate lang sa kursong business management. Pero ang hilig niya magluto at mag bake, hindi niya hilig ang office work. Ginagawa na nga siyang cook ng magagaling niyang Kuya.
" Wow! Baked sushi!"
Malaki ang ngiti ng kanyang Kuya Nathan na bagong dating.
" Kumusta ang mga ghost employee?"
Nakangisi niyang tanong dito. He is hardworking, pero merong pagkakataon na hindi nito maharap ang lahat ng obligasyon. Kailangan nito ng mapagkakatiwalan na tao na maka katulong sa pag tupad nito ng tungkulin.
" Maasahan naman."
Anito at tinanggap nito ang inabot niyang merienda.
" Meron bang nangyari at me suhol ka?"
Nakangiti nitong tanong matapos tikman ang pagkain na ibinigay niya dito.
" Si daddy kasi, tinawag niya akong Golden days. Alam mo na baka kung ano ang ipapagawa sa akin."
Tumawa ito sa kanya,napaka gwapo nito. Ang swerte ng mamahalin nito.
" Isa lang ibig sabihin noon pag tinawag ka niyang Golden Days. Hindi siya natutuwa sa iyo."
Napangiwi siya kasi iyon din ang naiisip niya.
Hindi na natutuwa sa kanyang prinsesa ang hari ng tahanan nila.
" Anong gusto mong gawin ko?"
Tanong nito habang umiinom ng tubig na kanyang inabot din dito.
" Mayor ka naman, bigyan mo ako ng work. Kahit ano lang para matuwa si Daddy sa akin."
" I see what I can do!"
Sabi nito,pero alam niya na magagawan nito ng paraan ang kanyang alalahanin.
" Thank you, Kuya."
Masaya niyang sabi at balak na sana lumabas ng kusina ng makita ang kanyang ama na nakatayo sa hindi kalayuan.
" Hindi na kailangan. I already arranged a job for you, Dia."
Sabi nito at lumapit sa kanila. Inakbayan siya nito.
" Really Dad? Well, kay Kuya Stan ba? I can learn from him. Besides he will not fire me."
" I don't think so! I can fire anyone if I see they don't fit for the job."
Agad siyang napasimangot sa sinabi ng kanyang Kuya Stan na kapapasok lang. The man in his three-piece suit, dashing and dangerously handsome. He can make everyone cry, sa talas nitong manalita. Ruthless that's what her brother Stan Lee is.
" Sungit mo, mabuti na lang madami kang connection kaya hindi ka nababalita sa dami ng empleyado na pinaiyak mo."
Nag smirk lang ito at umupo sa tabi ni Nathan at tulad nito nagsimula na din nitong kainin ang baked sushi na ginawa niya.
" Daddy, ayaw ko sa kanya mag work."
Reklamo niya sa ama at yumakap dito.
"Bilang pagsisimula hindi maganda sa sarili natin kompanya ikaw mag trabaho. Hindi ka magiging ganun ka determinado. We can't deny the fact that you are still the daughter of the owner."
Sabi ng kanyang ama, kaya agad siyang kinabahan sa balak nito.
" I agree dad, hindi dapat palakasan system. You should work in a company that nobody knows you."
Sang ayon naman ng kanyang kapatid. na si Nathan.Lalong humaba ang nguso niya sa sinabi nito.
" I already arranged about it. I just need to talk to your mom."
Hinawakan nito ang kamay niya at pinaupo siya sa mesa. She knows why her father still standing.
" Anong dapat natin pag usapan?"
Pumasok sa dining area ang kanilang ina, she's still beautiful despite her age. Agad na sumalubong ang kanyang ama at yumakap dito.
Naiiling na lang ang kanyang mga kapatid sa nakita.
" Palibhasa walang love life."
Komento niya sa dalawa niyang Kuya.At nginitian ang mga ito.
" Wala kang alam, Dia. Just shut up."
Angil agad sa kanya ni Stan.
" Matandang binata."
Pang aasar niya dito. Lagi kasi itong umaakto na parang aburido, iyong tipong walang s*x life.
" Dia.!"
Saway ng kanyang mommy sa kanya. Hindi siya umimik pero dumila siya sa kapatid. Ito ang kanyang laging kontra sa pamilya, at ang kanyang Kuya Nathan ang kanyang kakampi.
" So, anong dapat natin pag usapan?"
Agad na tanong ng kanilang ina matapos na maupo ito. Kasunod na naupo ang kanyang ama sa tabi nito. Tumikhim muna ito bago nagsalita.
"Nag usap na kami ni Adam. Sa kanilang kompanya ka magta trabaho."
" Ah okay, I will learn a lot from Tito Adam. So it's okay."
"... as Aidan secretary."
Dugtong nito, halos lumuwa ang kanyang mata sa sinabi ng ama.
" Ano? Daddy naman! Kay Sebastian mo na lang ako mag work kung ganun!"
Agad niyang tanggi, kilala niya si Aidan Santillian. Actually, kilala ng lahat ang lalaki.
" He doesn't need a secretary. Si Aidan ang me kailangan."
" Pero daddy ayaw kong mag work sa tipaklong na iyon."
Mariin niyang tanggi.
" Kaya nga gusto ni Adam ikaw ang maging secretary ni Aidan. Walang tumatagal na secretary sa anak niya, they all fell in love with him."
" Sus, lahat kamo pinapatos niya!"
Pasaring niya sa reputasyon ng binata.
" Dahil magkaibigan kami ng Papa niya, for sure hindi ka niya papatusin."
" Daddy, wag kang mag alala. Hindi niya type si Dia."
Pambubuska ni Stan sa kanya.
" Mommy.."
Nagmamakaawa niyang tingin sa kanyang ina.
" Shaun, are you sure about this?"
" I trust you, Dia. Kung maka pasa ka sa training mo sa Santillian Empire. Hahayaan kitang gawin ang gusto mo. You want to be a chef right?"
Sa huling sinabi ng ama, na bitin ang anuman niyang pagtanggi. Dream job niya ang kapalit ng pagiging secretary ni Aidan Santillian. Ang tinagurian na international playboy!