Agad na kinalma ng matandang lalaking si Master Liwei ang kaniyang sarili sa sinabing ito ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng. Hindi nga pwedeng balewalain ang kapangyarihan ng mga ito sa legal na aspeto lalo pa't anak pa rin ito ng hari kahit na sabihing ang ina nito ay isa lamang concubine. Kung sakaling magmmukha siyang masama sa hari o ang mismong Jade Auction House ay talaga namang masama ito. Ngunit isang humahalakhak na boses ang biglang narinig sa bulwagan na siyang ikinabigla ng lahat. "Hahahaha... You sure has lots of guts Prinsipe Yuán Feng. Alam naman nating sa dami ng inaasikaso ng kasalukuyang hari ay may panahon siyang makipag-meddle sa iyong sariling kinakaharap. Alam naman nating nag-aagawan na ang mga kapatid mo at mismong ikaw sa trono. Kung malalaman ng hari na

