"Hmmp! Siguradong alam mo na pala ang katangahan mo Guild Master Branch Chen Hui. Sa oras na ito ay hawak na kita sa leeg. Subukan mo lang baliin ang oath mo sa kalangitan ay baka masumpa ka at kampante akong naaksihan ito ni Ginoong Guō Chao ar mukhang nakukuha ko na ang loob nito. Talagang malaki ang naitulong sa akin mula sa pakikipag-usap ko sa magandang babaeng nasa loob ng kwintas na ito. Gagamitin ko ang aking natural na anyo at kaisipan upang makaligtas sa delubyong sasapitin ng Li Clan ngunit hindi ko pa naisasakatuparan ang aking plano na ipinunta ko rito." Sambit sa isipan ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila hindi pa ito nakakampante sa bagay na ito. Alam niyang kahit na nautakan niya ang pesteng Guild Master Branch na si Chen Hui ay alam niyang malaking pro

