Mabilis na rin ang mga itong lumakad papasok ng Jade Auction House habang mabilis na tumakbong muli ang karwahe. Malamang ay babalik ito mamaya dahil masyadong makitid ang lugar sa labas kaya ilalagay ito sa mas ligtas na lugar. "Hoy pulubi, aalis ka ba o hindi? Kanina ka pang paharang-harang dito eh." Sambit ng isang bantay sa kaliwang bahagi ng gate. Masyado na itong naiinis at masakit sa mata. "Bingi ka ba? Hindi ka ba nahihiya ha?!" Sambit ng isa pang bantay. Masasabing hindi maaaring baliwalain na mayroong importanteng nilalang ang nasa likuran lamang ng matandang pulubing ito. Makikita na masyadong nakakahiya na ang pangyayaring ito. Tila nalipat muli ang atensyon ng mga ito sa matandang pulubing kani-kanina pa nakaharang sa harap ng gate. "Hay naku, bingi pa talaga ang matandang

