Mas yumukot naman ang mukha ng magandang dalagang si Yì Hua dahil sa sinabi ng kaniyang sariling tiyuhin at muling nagsalita. "Ewan ko sa'yo Uncle Huizhong, hindi ako nagtitiwala at wala akong tiwala sa kutsero mo. Lapitin ba naman ng kamalasan yun! Tsaka ano'ng matapobre Uncle, alam nating halos mararangya ang nasa Dou City. Wag ako Uncle!" Sambit naman ng magandang dalagang si Yì Hua. Minsan talaga ay may pagkatanga din itong sariling tiyuhin niya. Pag-isipan ba siya ng masama. Napatahimik na lamang si Elder Yì Huizhong habang makikitang tila nakangisi pa ito. Halatang gusto niya lang na hingan siya ng salapi ng kaniyang pamangkin. Nakikita niya palang sa kaniyang isipan kung paano umusok sa galit ang mga ilong ng mga magulang nina Yì Hua at Yì Liqiu ay baka hindi na siya makakatungto

