Layunin at tungkulin kong gabayan ka lamang at limitado lamang ang maituturo ko sa iyo dahil nakadepende naman ang lahat ng mangyayari sa iyo sa iyong sarili mismo." Seryosong sambit ng magandang babaeng walang pangalan na siyang Spirit Artifact ng pambihirang lugar na ito. Masasabing tila naging magaan na ang atmospera ng lugar na ito lalo na at naging malumanay ang tono ng pananalita nito. Nawala na rin kasi ang tila mabigat at negatibong emosyon ng magandang babaeng walang pangalan. Isa siyang Spirit Artifact ngunit ang kaniyang kawalang kaalaman ay isa sa naging kamalian niya kaya marapat lanang na maging mabuti at mabait siya sa batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong. "Opo Magandang Binibini. Aalalahanin ko ang iyong sinasabi." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong ha

