Naging maayos naman ang buong paglalakbay ng batang lalaking si Li Xiaolong. Halos mahigit dalawang oras ang paglalakbay nila. Mabuti na lamang at magbubukang-liwayway pa lamang ay nakalakbay na sila kung hindi ay baka tinanghali na sila ng punta dito dahil baka mag-stop by pa sila sa mga nadadaanan nilang mga kabahayan. Kasalukuyan siya ngayong nasa tapat ng malaking pintuan ng malaking branch ng Feathers Guild sa loob ng bayan na ito. Napakaganda at napaka-lively ng bawat lugar at sulok ng bayan kaya tila masasabing hindi nakaramdam ng anumang pagkakaproblema sa nasabing kapaligiran na kinaroroonan ngayon. Nakapagpaalam at nagpasalamat ang batang lalaking si Li Xiaolong sa nasabing tindero na sinakyan niyang kabayo. Masasabi niyang napakabait nito at masasabi niynag nagsusumikap talag

