"Ganon ba talaga kahirap na i-absorb ang Soul Fragment na ito? Bakit parang hindi naman? Pinaglololoko ba ako ng magandang babaeng walang pangalan na iyon?!" Tila nagtatakang sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Hindi siya makapaniwala sa babalang ito ng magandang babaeng walang pangalan na nakilala niya lamang sa konting panahong nakikipag-usap siya rito. Pakiramdam niya kasi ay gino-good time lamang siya nito dahil napikon ito sa kaniya. "Tama, tinatakot niya lamang siguro ako dahil pikon na pikon siya sa akin. Gusto lamang nito akong gawing praning para di makaganti, tama nga, yun nga ang rason." Tila makukumbinsing sambit ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong sa kaniyang sarili sa kaniyang isipan lamang. Ano yun, walang hirap sa pag-acquire ng Soul Fragments niya. Hinawak

