Chapter 86

1156 Words

Chapter 86 "Hoy Lia, okay ka lang?" untag sa kanya ni Jane. "H-Ha?" tila natauhang tanong niya mula sa malalim na pag-iisip. "Ang sabi ko kung okay ka lang ba? Kanina pa kasi ako daldal nang daldal dito hindi ka naman kumikibo?" puna nito sabay inom ng iced coffee na inorder nito. Nagyaya itong magmall para bumili ng susuotin nila sa parating na grad ball, pagkatapos niyon ay humantong sila sa isang sa coffee shop. Tumango lang siya at napahigop sa frappe niya. "Don’t mind me. Okay lang ako.." mailap ang mga matang sabi niya. Ilang araw na ang nakalipas magmula nang mangyari ang gulong iyon. Tinupad ni Gino ang pangako nito sa kanya. Hindi na siya nito ginulo magmula ng gabing iyon. Hindi na ito tumatawag o nagtetext sa kanya. Hindi na rin ito pumupunta sa bahay para mangulit. Hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD