Chapter 104 "Are you happy now? Panalo ka na kasi nasa’yo na si Gino." unang bungad kaagad sa kanya ni Ariella. Nagawan ng paraan ni Gino para makapag-usap sila. Nasa bahay sila ni Gino. Pinabayaan muna ng binata na mag-usap sila kasi girls talk. "Palagi naman akong masaya, eh. Saka never akong nagpatalo at si Gino? Matagal na siyang akin." nakangiting tugon niya kaya umasim ang mukha nito. "Anyway hindi naman ako nakikipag-usap sa'yo para makipag-away, eh." dugtong niya. "Makikipag-ayos ka? Para ano? Maybe you're afraid that I might ruin your upcoming wedding, right?" nakangising anito. Ngumisi rin siya at isinandal ang likod sa silyang nasa garden ng bahay ni Gino. "Partly, pero bonus na lang sa'kin kung magkakaayos na tayo. Kaya lang kung may balak ka talagang guluhin ang kasal ‘

