Chapter 82 "Teka-teka ako muna ulit hindi pa naman game ‘yon, warm up lang!" dinig na dinig ni Gino na bulalas ni Lia sabay hablot ng tablet kay Francis. Naglalaro ang mga ito ng subway surf, iyon naman kasi ang paboritong laruin ni Lia kahit marami ng bagong games. Nasa salas pa rin sila habang hinihintay maluto ang dinner. Katapatan lang ng binata ang kinauupuan ng dalawa kaya hindi maiwasang makuha ang atensiyon niya. "Ang daya mo Banana Girl taya ka na naumpog ka na ‘di ba kaya turn ko na." palag ni Francis. Banana Girl? May endearment pala ito kay Lia? Hindi tuloy siya makaconcentrate sa ginagawa nila ng Papa ni Lia para sa advertising. Halos magsiksikan na kasi ang mga ito sa sofa at tipong skin to skin na! Nag-aagawan pa sa tablet, nahahawakan tuloy ng kulugong si Francis ang ka

