Chapter 98 Kumawala si Lia mula sa pagkakayapos sa kanya ni Gino. "I-Ikaw si Ino?" tanong niya sa binata at nagpalipat-lipat ang tingin sa picture frame ng batang lalakeng kasama niya sa picture at sa mukha nito. "Naalala mo na ko baby?" malamlam ang mga matang tanong nito. "So ikaw nga?" pag-uulit niya. Marahan itong tumango. Napayuko siya. "K-Kahit pala noon pa, palagi mo na akong iniiwan!" nag-iinit ang sulok ng mga matang sumbat niya. Hindi niya alam kung paano nangyari pero mistulang kidlat na nagsalimbayan sa memorya niya ang araw na umalis ito. "H-Humahabol ako sa'yo pero umalis ka pa rin! Iniwan mo kami ni Bally!" tulak niya dito. She never thought na maaalala niya pa ang araw na iyon. Now it’s clear kung bakit halos hindi na niya maalala ang bolang iyon kahit iniwan iyon

