Chapter 96 "Hey! Okay lang po kayo?" natatawang untag ni Lia sa Mama at Papa niya dahil parang wala sa sarili ang mga ito nang bumaba siya ng hagdanan. Titig na titig kasi sa ganda niya. "Sabi ko naman kasi sa'yo Nadie gumawa ulit tayo ng baby, kita mo ang laki-laki na ng prinsesa natin gagraduate na nga, eh." sabi ng Papa niya Mama niya imbes na sagutin ang tanong niya. Hinampas tuloy ito ng ina sa braso. It’s her my graduation day, today! Suot na nga niya toga. "Naku Danilo, tantanan mo nga ako! Payag ako kung ikaw manganganak!" irap ng Mama niya rito. Napailing siya. Ang kulit kasi ng mga ito. "Pwede pa naman ah. Forty three pa lang naman tayo." natatawang hirit ng Papa niya at inakbayan pa ang Mama niya na akala mo teenager kung magblush. Sana pagtanda nila ni Gino ganoon din sila

