I can't believe na hindi ako na late sa first day of class ko! Paano ba naman kasi 4:30 pa lang ng umaga! Ginising na ako ni Lola!
Kung dati, hihintayin ko pang 15 minutes na lang ang natira sa call time bago kumilos, ngayon! Madaling araw pa lang, gising na ako!
Nakakainis nga si Lola eh! Alam nyang papasok ako, pinagwalis nya pa nya ako ng bakuran, pinagsaing at pinagluto ng ulam! kabwesitan lang!
"Hi! Bago ka lang rito?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko.
I just nod.
"Buti naka enroll ka pa. Tapos na kaming mag prelim. May backer ka siguro ano?" Follow up question nya.Tinignan ko lang sya at hindi sinagot!
Ang epal naman ng babaeng to! Kung may backer ako, anong pakialam nya? As if naman yong backer na yon bibigyan ako ng plot 1 na grade para hindi na ako mahihirapan sa pag-aaral!
Kailangan na kailangan ko pa naman ngayon na maayos na grade! Para makabalik sa Manila.
"Ayy. Sorry sorry! Oo nga pala, I am Criza Sanches! Your classmate!" Nakangiti nyang sabi. Tinanguan ko lang sya.
Ayokong magkaroon ng kaibigan because the last one, turn out na sya ang naging dahilan kung bakit ako pinatapon ngayon rito!
"Ah okay. Are you mute or what? Or hindi ka comfortable? It's okay...I understand, anyway...Enjoy your first day!" Nakangiti nya pa ring sabi
I sigh.
People now a days is so friendly pero kapag tatagal na ang pagkakaibigan nyo? Ayon, ang dami ng tampuhan, awayan at ipagkakalat na ang baho mo dahil sa simpleng misunderstanding!
Alam na alam ko na yan! Sa tagal ba naming mag bestfriend ni Jade! Psh!
Kaya ngayon, hindi na ako bubuo ng friendship dahil sa huli, alam kong t-traydorin pa rin ako!
Everyone is so curious on me pero ni isa wala akong pinaunlakan! Ayoko ng maging plastic! Ang pangit sa pakiramdam! Kaya tatahimik na lang ako! By that, hindi ako magiging plastic!
Kaya nang nag instruct ang professor namin na mag introduce ako ng name, everyone is so attentive!
"I am Alyza Blyn Clavite,19 years old" simple ko lang sabi.
"That's it?" Ani ng professor namin. I nod at pumunta sa upuan ko.
"Okay, so you have a new classmate at kailangan nyang maghabol sa klase batin since midterm na tayo...So Criza...where's Criza?"
"Ma'am!" Masigla nyang tugon.
"Please give her a handouts and help her okay?"
"Sure ma'am!" Agad na sangayon nong Criza. I sigh.
Right! Mag-aaral. Ang pinaka-ayaw kung gawin buong buhay ko! Nakakatamad kasi, na nakakaantok! Na nakakawalang gana, nakakatamlay! At iba-iba pa!
Hindi ko nga alam kung bakit inembento tong aral-aral na to! Wala naman sa patalinuhan ang pag-angat sa buhay! Nasa diskarte kasi yan!
Pero kahit gaano ko ka hate mag-aral! Kailangan kong mag sipag dahil isa sa mga kondisyon ni Mommy para makabalik ako sa bahay namin, magkaroon ng maayos na grade! Nakakairita!
Kung pwede lang mabayaran ang bawat subject teacher ko para magkaroon ako ng maayos na grade without stressing myself, without studying! Ginawa ko na! Pero sa hitsura pa lang ng mga professor rito! Baka magsumbong lang to kina Lola tapos si Lola magsusumbong kay Mama, edi mabubulok ako dito sa lugar na to!
Tamad na tamad ako habang nakikinig! At Pinipilit ang sariling huwag mag excuse tapos hindi na babalik! Nakakatamad! Ang boring ng buhay ko! I want my life back!
Papatayin ko talaga yong Leya na yon! Pati si Jade! Sila talaga ang nag pa trigger kay Mommy na ipatapon ako rito! Letche!
And speaking of them! Simula nong na office kami, hindi ko na sila kinakausap! Bukod sa ang layo layo ko, I block them in my social media account at sa contacts ko!
Inis na inis kasi ako sa dalawang yon! Sarili nilang away tapos dinamay-damay ako! Tignan mo tuloy ang nangyari sa akin!
Nakakainis!
"Alyza-"
"Blyn" putol ko sa nagbida-bidang tutulong daw sa akin mag-aral! Like duh! That's not my thing!
"Ah, Blynl,Mamaya ko na lang ibibigay sayo yong notes Ah? Eh organize ko muna para hindi ka malito o manghihiram...oh my!" Bigla nyang tili, nakatingin sa malayo
Napakunot tuloy ang noo ko at tinignan kung saan sya nakatingin.
I frowned nang nakita ko si Joshua na naglalakad sa whole way mag-isa, ang mata ay nasa phone nya lang.
"Alyza-...Este Blyn! Ang gwapo gwapo nya no?" Nanaginip nyang sabi.
Tumango ako dahil tama naman sya pero tangina ang ugali nyan eh! Red flag yan kaya yong kagwapohan nya, wala rin.
"Grabe! Halos lahat ng babae, nagkakagusto dyan pero parang wala syang feelings dahil wala syang expression pero yong si Jessa? Jusko! Pinagkalat nya na may thing sila pero ang boy parang wala lang naman" pandadaldal nya.
Napangiwi na lang ako dahil...ano bang pakialam ko? Gwapo lang sya! Pero ang pangit ng ugali!
"Ang feeling no! Pero kahit ako naman hindi masisi! Dahil someone like him? Dapat talagang ipagmalaki-...Hey saan ka pupunta!?" Sigaw nya nang iniwan ko sya.
Wala akong paki sa nga pinagsasabi nya! Init na init pa ako! Ang ingay-ingay nya pa, masyadong nakaka stress!
Sinalubong ko ang direskyon kung saan dumadaan si Joshua! Doon din kasi ang direksyon ko dahil bibili ako ng pagkain!
At habang naglalakad ako, kitang-kita ko ang mga babaeng admire na admire sa kanya na para bang ang perfect perfect nyang tao para magkaganyan sila! Psh!
"Your Lola said, sabay ka sa akin kumain" bigla sabi ni Joshua nang lalagpasan ko na sana sya.
I frowned at napahinto.
"Ako?" Pag c-confirm ko. At confuse syang tinignan!
Ano na naman ang trip ni Lola! Hindi na ako elementary para ganituhin nya ako! Nakakainis! Kung hindi ko lang sya Lola, matagal ko ng sinabunutan yon.
He look at me boredly na para bang ang bobo ng tanong ko. I raise my brow, hindi rin nagpatalo!
Pero parang robot ang tangina! Nakatitig lang sya sa akin ng walang buhay kaya ako unang sumuko.
Gago ka Lola!
"Ayoko" tanggi ko kaagad.
"I will tell your Lola then..." Banta nya. Nalukot ang mukha ko at masama syang tinignan.
Psh! Akala nya naman natatakot ako kay Lola! Hah!
"Samahan pa kita!" Mayabang kong sabi.
"Okay, see you later then" walang kaamor-amor nyang sabi at nagpatuloy sa paglalakad.Asar ko naman syang sinundan ng tingin!
"Ang yabang!" Bulong ko at nagdadabog na nagpatuloy na rin sa paglalakad.
Hindi man lang natinag sa akin!
Hindi nya ba naisip na kapag nagsumbong sya sa Lola ko wala ring silbe? Dahil hindi ako takot? Bobo sya ah!
Ang yabang yabang! Saan kaya pinaglihi ang lalaking yon? Nakakainis.
Pero nang malapit na ako sa canteen, tyaka ko lang na realize kong bakit sya nag see you, see you kanina!
"That asshole!" Naiinis kong sabi.
Kaya pala! Kaya pala nag see you sya kanina na sasamahan ko sya kapag magsumbong sya dahil through that! Magkakasama pa rin kami ngayon break lunch!
"Urgh! Nakakagigil kang lalaki ka!" Gigil kong sabi at bumalik sa nilalakaran ko.
Ayokong makasama ang lalaking yon! Nakakainis kaya yon tapos hindi pa ako makakapagdesisyon dahil lahat ng gusto nya yon ang gagawin! Tapos ang yabang yabang nya pa kaya ayoko talagang makasama yon!
"Saan ko naman yon hahanapin?" Tanong ko sa sarili ko at nagpalingalinga!
Naisahan ako nong lalaking yon ah? At babawiin ko yong sinabi ko kanina dahil tangina lang! Dapat hindi ako magpapatalo!
Pero habang tumatagal ako sa palilibot sa bwesit sulok ng paaralan na to! Mas nagagalit lang ako dahil hindi ko mahagilap kahit ang anino nya! Ayoko ring magtanong dahil iwan! Ayaw ko lang dahil hindi ko sila kilala! Basta!.
"Blyn! Blyn!" Sigaw na naman nong Criza na winagayway pa ang papel na hawak nya.
"s**t!" Malutong kong sabi at nagkunwaring hindi sya nakita.
Tangina! May hinahanap ako! Ayokong makaisa yong lalaking yon! Nakakainis!
Bakit ba ang tagal kong na realize na ginamit nya ang sinabi ko para magkasama pa rin kami sa lunch break! Nakakainis! Ang yabang! Ang yabang! Bwesit!
"Blyn!" She call me one last time and before I turned my head para samaan sya ng tingin ay nasa harap ko na sya!
"Nakahiram ako ng maayos-ayos na notes tapos naka organize na kaya hiniram ko na lang para sayo, baka matagalan kasi ako kapag inayos ko pa sa akin dahil may trabaho pa ako-"
"Saan makikita yong Joshua?" Putol ko sa kanya.
I don't care about the hand outs, I don't care kung saan nya galing yang mga papel na yan! Ang importante sa akin ay mahanap ko ang lalaking yon at sasabihin kong ayaw ko talagang sumama sa kanya! Kahit sa pagsumbong pa sya!
Ano bang akala nila sa akin? Bata? Tangina!
"Hah? Bakit?" Confuse nyang sabi. I sigh.
"Basta sabihin mo na lang" inis kong sabi talaga. She blink.
"Sa pagkakaalam ko nasa engineering building yon ngayon dahil may klase sila pag 1:00-"
Hindi ko sya pinatapos mag salita! Agad ko syang iniwan!
Engineering huh! Engineer pala pangarap nong gonggong na yon! Bagay sa kanya! Ang kapal ng mukha nya! Kasing tigas ng semento! Duh!
"Blyn sandali!..." tawag sa akin nong Criza at humabol pa talaga.
"Bakit mo sya hinanap?...Naku! Love at first sight ba?...nga naman-"
"Shut up!" Ani ko sa kanya at binilisan ang paglalakad.
Turn off na turn off na ako sa lalaking yon! Tapos magkakagusto pa ako? Jusko! Kung hindi nya lang pinakita sa akin na napaka yabang nya! Baka may change pang love at first sight talaga! Pero tangina lang! Nakakainis yon.
"Hala! Pupuntahan mo talaga?" Tanong na naman nya nang ma realize na patungo talaga kami sa engineering building.
Psh! Anong akala ng babaeng to? Nagbibiro lang ako?
"Naku! Blyn! Kaklase nya yong babaeng may gusto sa kanya-"
"Joshua!" Tawag ko nang nakita ko syang nakasandal sa railings kasama ang dalawang lalaki at isang babae.
Sabay sabay silang tumingin sa akin! Ang naiba lang ng expression nila na tumitingin sabakin! Habanv si Joshua na naka tabingi lang bahagya ang ulo pero walang expression sa mukha! At ang dalawang lalaki at babae ay confuse na nakatingin sa akin.
"Ayokong sumama sayo mamaya!" Madiin kong sabi. Nagsinghapan naman ang kasama nya but him? Parang wala lang.
"Excuse me miss...Who are you to say like that to him..."
"Joshua!" Madiin kong tawag dahil nakatingin lang sya sa akin, walang sinabi.
"It's final" malamig nyang sabi.
Shock na tumingin ang tatlo nyang kasamahan sa kanya! Para bang gulat na gulat sa inaasta ng kaibigan nilang tokmol!
"I am with my..." I blink nang wala akong maisip kung sino ang kasama ko.
"Your?" He challenged! Masama ko syang tinignan dahil yan na naman! He created a compilation between us! Nakakainis!
"My friend!" Ani ko sabay turo kay Criza na laglag ang panga na nanonood.
He raise his brow at matagal tagal akong tinignan. I equal the way he look at me! Akala nya uurungan ko sya? No way!
"Yeah" tamad nyang sabi. My face light up.
"Madali ka lang pala kausap eh-"
"Let's move it on dinner then" bigla nyang sabi. Lahat ng saya sa katawan ko nang pumayag sya! Nawala! Tangina!
"Nasa bahay na ako non! Hello!" Inis kong sabi.
"Doon tayo kakain" sagot na naman nya!
Urgh! Nakakainis! Saan ba pinaglihi ang lalaking to!? Lahat na lang rason ko may eh sasagot sya! Letche.
"Ang kapal ng mukha mo!" Hindi na napigilan ang bibig. He shrug and lazily put his hands on his pocket.
"Teka pre! Teka pre! Anong ibig sabihin nito?"
"Oo nga pre! Litong-lito na kami! Mag explain ka pre! At saka! Ngayon ko lang sya nakita rito! Bago ka lang ba dito miss?"
Tanong ng mga kaibigan nya pero binaliwala ko lang! Masama ko lang syang tinignan dahil ang pangit talaga ng ugali! Nakakainis!
Bakit ba may ganitong mga tao? Ang gwapo sana eh! Ang gwapo sana!...pero tangina lang! Nakakainis sya!
He smirked at umayos ng tayo.
"She's my girlfriend" nakangisi nyang sabi.
Nagsinghapan sila habang ako hindi makapaniwala sa sinabi nya!
"Huh?"
"What?"
"Puta?"
Napapikit ako ng mariin dahil sa inis na nararamdaman! Bwesit.
"Ang kapal talaga ng mukha mo-"
"See you later" Aniya at pumasok sa classroom nila. Susundan ko pa sana ng pumasok ang professor nila.
Nakakainis! Bwesit! Tangina nya!