TWO DAYS na ang nakalipas mula nang mangyari ang halikan na naganap sa aming dalawa ni Atlas. Two days ko na rin siyang iniiwasan. Maaga pa lang ay aalis na ako dito sa bahay para pumasok sa school. At sa gabi naman ay sinasadya ko ang magpagabi para hindi ko rin siya makita. Ngayon, araw ng linggo nagkulong lang ako dito sa aking kwarto. Kahapon namili ako ng biscuits, chocolates at chips sa grocery store para maging stock ko dito sa aking kwarto. Wala akong plano para lumabas ngayon maghapon. Ayoko siyang makasalubong na pakalat-kalat dito sa bahay namin. Busy rin naman ako sa pag-aaral dahil malapit na ang exam namin. Hindi ko rin naman alam kung nandito ngayon si Atlas sa bahay since wala pa akong nakakausap na katulong mula kanina. Tumawag sa akin si Dad at sinabing mag-e-extend ra

