Xycle POV
Ilang araw ko nang hindi nilalapitan, hindi kinukulit at mas lalong hindi pinapansin si Lex. Hahayaan niya muna ito. Hindi ko nga akalaing natiis ko ito ng ilang araw. Oo, aaminin niyang nasaktan siya sa mga sinabi nitong noong nakaraang araw pero hindi ibig sabihin nun na titigil na siya na mahalin ito. Hindi naman basta basta nawawala na parang bula ang pagmamahal ng isang tao eh. At mas lalong hindi natuturuan ang puso kung sino ba talaga ang dapat nating mahalin. Kusa itong pumipili ng tao at wala tayong magagawa kung sino man ang mapili nito kahit na masaktan pa tayo sa bandang huli.
Namangha nga ang mga kaklase ko sa inaakto ko these past few days. Tinatanong nila kung bakit hindi ko na raw pinapansin si Lex. Kung break na daw ba kami? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga ito. Super touch naman ako sa concern nila sa amin. Botong boto kasi ang mga ito sa kanilang dalawa. Sinabi ko na lang na LQ kaming dalawa. Sa mga araw na hindi ko siya kasama, I'm always with Sujie. Actually, I find him adorable and very nice. Kaya nga hindi na ako magtataka kung madali lang itong naka adjust sa klase at mga kaklase namin. Marami ding nagkakagusto sa kanya dito hindi lang sa klase namin kundi pati na rin sa ibang section.
Ngayon na pala ang opening ng school fest namin. Napakarami ng estudyanteng nakakalat sa buong school ground namin. Allowed kasi ang mga taga ibang university na pumunta dito. Kaya marami akong nakikitang mga taga ibang school base na rin sa ibat-ibang klase ng unipormeng suot nila. Kanya-kanya din na assigned booth ang bawat section at sa section namin napunta ang Photo Booth.
Tinatahak ko ngayon ang daan papuntang SC office, dala dala ang niluto kong caldereta at kanin para sa kanya. Sino pa ba? Eh, di kay Lex. Siguro sapat na ang ilang araw na hindi ko pamamansin dito at nasisiguro ko ding namimiss na rin ako nun. Desperada na nga ba ako kay Alexande? Sorry, ganito talaga ako. Lalo na kung sa tao namang mahal ko.
~~~~
Alexander POV
"Pres, may naghahanap sayo sa labas, girlfriend mo raw. Ikaw pres ha, bakit di mo sinabi sa amin na may girlfriend ka na pala." kantyaw sa kanya ni Zyrus, ang vice president ng student council.
"Uyy, si pres lumalablayp na yieee." kantyaw pa ng iba pa niyang kasamahan sa SC. Hindi niya na pinansin ang mga ito at tumayo na lang para lumabas ng office. Pagkabukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang nakangiting si Xycle. Napatingin siya sa hawak nito.
"Anong ginagawa mo dito?" malamig niyang tanong dito.
~~~~
Xycle POV
Pagkabukas ng pinto ay lumabas dito ang lalaking hindi niya pinansin ng ilang araw. Sa ilang araw na iyon ay madalang niya pa itong makita sa klase dahil sa sobrang busy nito para sa event ng kanilang school. Namiss niya ito ng sobra. Namiss niya ang napakaamo nitong mukha kahit na palagi itong seryoso ay nakadadagdag lang iyon sa kagwapuhan nito. Oo sinabi niyang hindi niya na ito pa kukulitin, kakausapin at lalapitan pa. Pero napakalaking kasinungalingan lang iyon dahil hindi niya kayang hindi ito makita o makausap man lang. Sa ilang araw na hindi niya pamamansin rito ay parang dinudurog ang puso niya sa sobrang sakit. OA mang pakinggan pero totoo iyon. Ilang araw ko ring pilit na pinapasaya ang sarili ko kahit na sa totoo ay hindi naman talaga dahil wala na akong motivation pa sa lahat ng ginagawa ko. Si Lex lang ang nagbibigay saken ng tunay na happiness at isa rin siya sa mga motibasyon ko sa buhay. At isa pa nakokonsensiya ako para dito. Na kung tutuusin ay siya dapat nun ang makaramdam dahil sa pag papaiyak niya saken ng nakaraan. Pero sabi nga nila, let bygone be bygone. Nakalipas na iyon.
Isa pa ay ako rin yung taong hindi nagtatanim ng sama ng loob sa kapwa. Ganun dapat di ba? Para happy lang tayong lahat. Kaya heto ako ngayon dito, nakangiti sa lalaking nasa harap ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa malamig na tono. Bumuntong hininga siya. Sanay na siya sa minsang pagiging cold nito. Minsan nga lang ba? O araw araw? Bagaman ganoon lang ang sinabi nito ay bigla namang bumilis ang t***k ng puso niya. Napahawak pa siya sa kanyang kaliwang dibdib habang nakatingin sa mga mata nito. Ang bilis talaga ng t***k ng puso niya. Ganun ba talaga niya namiss ito kahit na ilang araw lang naman niya itong hindi nakita at nakasama? Gusto niya man itong yakapin ngunit baka isipin nitong nanantsing siya dito. Kumunot ang noo ni Lex sa inaakto niya. Ibinaba na niya ang kanyang kamay.
"Ahh a-ano, gusto ko lang mag sorry sayo Lex. Sorry kung... hindi kita pinansin nung nakaraang araw. Sorry kung... hindi kita nasasamahang kumain sa canteen. Sorry kung... hinayaan kitang maging loner. Sorry kung... nagalit ka saken Lex..." lalong kumunot ang noo nito. Halos konti lang at magdidikitan na ang salubong na mga kilay nito.
"Pero Lex pumunta talaga ako rito para ibigay to sayo." sabay abot ko sa kanya ng lunch box na may lamang kanin at caldereta. Nagbago naman ang ekspresyon nito sa ginawa niya. Nakatingin ito sa hawak niyang lunch box. Nagdadalawang isip kung kukunin ba nito o hindi. Lumawak lalo ang ngiti niya ng abutin nito ang lunch box sa kanya.
"Ako ang nagluto niyan. Pramis, para talaga sayo. Caldereta atsaka kanin. Sana magustuhan mo. " masiglang wika ko dito.
~~~~
Alexander POV
Lalong lumawak ang ngiti nito ng abutin ko ang lunch box na may lamang caldereta at saka kanin na linuto niya daw para saken. Sa ilang araw na hindi niya ako nilapitan at pinansin, ewan ko ba pero namimiss ko rin ang babaeng 'to. Namimiss ko ang pangungulit nito at ang panghihila nito saken para lang sabay kaming kumain sa canteen. Hindi ko alam pero nung mga nakaraang araw na hindi ko siya nakikita, naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Parang... Parang, hindi na ako sanay na wala siya sa tabi ko. Hindi na ako sanay na hindi niya ako pinapansin. Huminga siya ng malalim. Ahhhh! Anong ginawa mo sa akin, babae ka. Hindi kaya gusto ko na rin 'to? Hindi. Imposible iyon.
Napailing siya dahil iba ang sinasabi ng isip niya sa ginagawa ng puso niya. Ang bilis ng t***k niyon.
"Hinahanap na ako ng mga kasama ko. Sige." Tumalikod na ako sa kanya ngunit ikinabigla ko ng yakapin ako nito.
"Lex, yung nangyari pala nung nakaraan, hindi ako nakikipagbreak sayo nun ah. Ikaw pa rin ang boyfie ko. Sana Lex, hayaan mo lang akong mahalin ka."
Dug dug dug dug dug
Lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Then, it hit me. Alam ko na. Alam ko na kung ano ang gumugulo sa isip at puso ko nung mga nakaraang araw na hindi ko ito nakikita. Ngayon alam ko na...
Kumalas na ito sa pagkakayakap saken. Nakatalikod pa rin ako at pinapakiramdaman kung tama ba ang konklusyon ng isip at puso ko. Nang lumingon ako dito ay nakatalikod na ito at nagsimula ng maglakad papalayo.
"Xycle!" sigaw ko dito. Napahinto naman ito at lumingon saken. Ilang metro na ang layo nito saken pero alam kong maririnig pa rin ako nito. Bumuntong hininga ako. Lalakasan ko na ang loob ko. It's now or never.
"Makinig ka. Ngayon ko lang ito sasabihin kaya makinig kang mabuti." bahagyang kumunot ang noo nito ngunit tumango pa rin ito bilang tugon.
"Gusto na rin kita!" pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay agad na akong tumalikod at mabilis na pumasok at sinarhan ang pinto ng aming opisina.
'Sana huwag kang sumuko sa akin Xycle.'