Italy

1302 Words
Sinundo ako ng isang hotel staff mula sa airport. May dala siyang hotel van at nilagay niya ang mga dala kong gamit sa likod. Medyo marami ang mga ito, dahil plano kong magbakasyon dito ng matagal. Nain-love talaga ako sa place na ‘toh mula no’ng nagbakasyon kami rito ng aking family, after my college graduation. Napangiti ako habang nasa sasakyan at papunta na kami sa hotel. Ang ganda talaga ng tanawin, ‘yong mga building na work of art talaga, the people, the food, isa itong paraan para ma-distract ako. Mas lalo pa akong natuwa nang makarating na kami sa mismong hotel na sobrang ganda. Ang suite na binigay sa akin ay super awesome dahil may hydro pool sa mismong balcony nito at sea view! Nakikita ko palang ang kumikislap na asul na dagat, ang gaan na ng pakiramdam ko. Napagod ako sa mahabang byahe kaya natulog muna ako. Nang magising ako, palubog na ang araw, a very beautiful sunset indeed. Pumunta ako sa bathroom para maligo at para na rin i-glam up ang aking sarili for dinner. Nagsuot ako ng isang ruby red, haltered, flowy dress na backless. Ang skirt niya ay parang see through, pero ang makikita mo lang na skin ay hanggang sa mid thigh ko pababa sa aking paa. Isang black peep toe na high heeled shoes, na may black crystals sa heels ang pinili kong sapatos. Nilugay ko ang itim, shiny at mahaba kong buhok para takpan ang aking exposed na likod. Naglagay lang ako ng simple makeup sa aking mukha. Nilagay ko ang aking phone, pera, cards at IDs ko sa aking sling clutch bag. With one last look in the mirror, lumabas na ako ng aking suite at lumakad sa elevator. Bumaba ako sa garden ng hotel kung saan may restaurant doon at in-enjoy ang aking dinner na nag-iisa. Satisfied naman ako, bukod sa maganda ang ambience, super sarap pa ng pagkain. Pagkatapos ‘non, naglakad-lakad ako sandali hawak ang glass ko ng red wine at sinamyo ang atmosphere ng dagat. Tumigil ako sa paglalakad at lumingon ng maramdaman ko na parang may sumusunod sa akin, pero nakita kong wala namang tao. Maliwanag naman tsaka nagkalat pa ang mga hotel guards kaya I feel safe. Malalim akong bumuntong-hininga at lumakad papunta sa isang cabana bar na malapit. It’s an al fresco bar at relaxing, dahil nakikita mo ang sea view. Walang gaanong tao, masaya naman ako doon at umupo sa isang stool kaharap ang bar. Isang bartender ang lumitaw sa harap ko at kinuha ang aking order na drink. Maya-maya, nilapag niya ang isang glass ng whiskey sa harap ko at nagpasalamat ako sa kanya. Uminom ako ng konti at tinitigan ang amber na liquid sa baso. Lumayo man ako pero ramdam ko pa rin ang sakit na dinulot sa akin ng aking ex fiance at ex best friend. Tinatanong ko ang sarili ko kung saan ako nagkulang? Lagi kaming busy sa kanya-kanya naming work pero kinakaya naman namin! Pero ibang work naman pala ang inaatupag niya. He’s been f*cking my bestfriend for a year at ang rason niya ay dahil ayokong makipagsex sa kanya hangga’t hindi pa kami kasal. Super babaw niya! Aaminin kong may pagkamalandi ako pero naniniwala ako na dapat mong ibigay ang iyong una sa taong makakasama mo na habang buhay. Mali ba yon? Napakamanhid ko ba na hindi ko napansin ang kanilang affair? Mahigpit kong hinawakan ang baso at muntik ko ng ibato, pero pinigilan ko ang aking sarili. Buti na lang nalaman ko bago pa kami ikasal, kundi magsa-suffer ako sa marriage life namin. Puno ng deceit, ng cheating! Naparami ang inom ko kaya ang ending, medyo nahihilo na ako, tipsy ba. Napansin yata ‘yon ng bartender kasi binigyan niya ako ng bottled water. Nagpasalamat ako ulit, ininom ko ang tubig at nakatulong yon sa pagiging tipsy ko. Binayaran ko ang aking bill, at naglakad na naman. Pero this time, sa tabi na ng dagat. Tinanggal ko ang suot kong heels at hinawakan ito habang naglalakad ako sa buhangin. Dito ako kumuha ng comfort, yakap ko ang aking sarili. Sobrang durog ang puso ko sa mga nangyari at hindi ko alam kung maaayos pa ito. Kung pwede lang kalimutan ang lahat ng mga nangyari sa isang pitik lang, but that's not the case. Ang lalake na minahal ko ay hindi ang lalake na pinangarap ko. Nawala na parang bula ang aking happy ending na aking pinakaaasam. Gusto kong magalit, gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak, pero wala na akong lakas. Hinarap ko ang dagat, niyakap ko ang aking sarili dahil ramdam ko na ang lamig. Pero natigilan ako ng may itim na coat na bumalot sa balikat at mga braso ko. Lumingon ako at halos malaglag ang aking panga nang makita ang pinakamagandang lalake na nakita ko sa buong buhay ko. Two hours ago Sa wakas! Nakauwi na rin kami! Nakangiti si Damien na huminga ng malalim at sinamyo ang fresh na hangin na hatid ng dagat. Nandito kami ngayon sa hotel na pagmamay-ari ng aming boss. Sabi ni Marcos dito daw kami magi-stay ngayong gabi na ikinatuwa ko. Makakapag-relax ako ng mabuti, tsaka gusto din na i-check ng boss ang hotel. Nakaka-stress ang pinanggalingan namin. Lakas ng loob ng mga americans na ‘yon na nakawin ang pera ng isang Mangietti. Siguradong pinaka-stress sa lahat ay ang boss namin na kasalukuyang nasa penthouse niya. Buti na lang nandoon ang flight attendant chick na kasama namin sa private plane kanina. Lupit talaga! Nasa lobby kami ngayon ng hotel ni Marcos kasama pa ang ibang tauhan namin at busy siya sa pakikipag-usap sa mga hotel guards. Nilabas ko ang baon kong sigarilyo at sisindihan na sana, nang bumukas ang isa sa mga elevator at lumabas ang isang napakagandang babae na hindi ko inaasahang makita. Para ngang slow motion na naglalakad siya, graceful and smooth. Lumapit siya sa concierge at tinanong kung saan ang restaurant. Sobrang tamis ng kanyang boses at habang lumalakad siya, parang ang gaan lang. Ang kanyang pulang damit ay humahapit sa perfect niyang hourglass figure. Lalo pa akong napahanga ng hawiin niya ang itim na itim nitong buhok sa mukha nito na nagpakita pa ng mala anghel niyang mukha. Feeling ko parang nagliwanag ang buong paligid, lahat ng mga tao na naroon ay napapatingin sa kanya. Sinundan siya ng aking mga mata nang lumakad siya sa tabi namin, kay Marcos. Agad kong tinapik-tapik ang balikat ng aking kasama habang sinusundan ko pa rin ng tingin ang babae. "f**k off Damien!" Inis niyang sabi. Hindi ko siya sinagot, hinawakan ko ang mukha niya at hinarap sa babaeng anghel at alam kong nakita niya ito dahil natigilan siya. Tumingin siya sakin na hindi makapaniwala ang kanyang mukha. Tumango lang naman ako. "Hindi rin ako makapaniwala," sabi ko. "Siya ba talaga ang babaeng hinahanap natin?" Tanong ko sa kanya. Nakatitig pa rin siya roon kahit wala na ang babae sa paningin namin. "Nakita mo ba lahat ng larawan na pinakita ng boss natin ha Damien? Limang taon tayong naghanap at kusa siyang lilitaw sa harap natin," di-makapaniwala niyag sabi. "Paano yan? Eh may kasama siya sa kanyang penthouse ngayon. Masisigawan ka niyan pag inistorbo mo siya," bumuntong hininga siya at napahawak sa kanyang noo. "Ako na ang bahala. Kailangan niyang malaman at baka mawala na siya sa katinuan sa paghahanap niya sa babaeng kinababaliwan niya," malakas niya akong tinapik sa balikat at seryoso siyang tumingin sa akin. “Tanungin mo kung saang room siya naka-stay. Kumuha ka ng makakasama at bantayan niyo siya. Kakausapin ko lang si boss. Don't ever lose her, kundi malalagot tayo, you got me?!” Tumango lang naman ako at kumilos na! Ako rin hindi ako makapaniwala na nandito siya. Ang babaeng matagal na naming hinahanap ay nandito mismo sa hotel! Ang swerte naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD