Matalim kong tinignan ang aking kapatid habang nasa restaurant kami ng hotel para mag-lunch. Nasa office niya si Vincenzo at kasalukuyang nakikipag-meeting kay Kuya Lexus ko. Nakabantay ang mga tauhan niya sa amin at kasali na doon sina Marcus at Damien na nakabantay lang sa malapit. Sobrang gulat ko nang pumunta ako sa kanyang suite earlier, at ang nagbukas ng pinto ay si Marcus na na katapis lang ng tuwalya sa ibaba ng katawan nito. It seems like naistorbo ko ang kanyang pagligo. Pero ang nakapagpa-trauma talaga sa'kin ay nang marinig ko ang malakas na ungol ng aking kapatid mula sa loob. Hindi ko na nakayanan at sinabihan ko na lang si Marcus na puntahan nila ako sa ibaba, dito sa restaurant. My sister came 30 minutes later na kasama ang dalawa. Her face was really red at nahihiya siy

