Prologue

708 Words
Ang araw na namatay ako ay ang araw din na muli akong nabuhay. Naririnig ko pa rin ang mga putok ng baril habang lumalaban akong mabuhay noong gabing yon. Nakatakas ako pero wala na akong lakas, dugo, maraming dugo ang tumutulo sa aking katawan sa rami ng tumama sa akin na mga bala. Naglakad ako sa malamig at madilim na kalsada, nagdadasal sa unang pagkakataon na may taong tumulong sa akin. Bago pa magdilim ang aking paningin, nakakita ako ng isang anghel na parang gusto na akong sunduin. Itim na itim na buhok, malaporselanang balat na parang nagliliwanag sa madilim na gabi at ang pinakamamangha sa lahat ay ang kumikislap niyang mga mata na kulay asul na parang kailaliman ng dagat. Sinubukan ko siyang abutin, na hawakan ang napakaganda niyang mukha at naramdaman ko ang kanyang kamay na humawak sa akin. Narinig ko ang may takot pero matamis niyang boses na sinasabing mabuhay ako, na huwag akong bibitaw… At yon nga ang ginawa ko para sa kanya… Para lang sa kanya… Nagising akong nakahiga sa isang malambot na kama, ang ulo ko ay napakasakit na parang may pumupokpok na martilyo rito. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at parang tumigil ang aking mundo nang makita ko ang isang napaka guwapong lalake na nasa tabi ko. Ang kanyang mukha ay may mumunting balbas na nakapagdagdag sa kaguwapuhan niya. Makakapal ang kanyang mga labi, at mahahaba ang pilik mata. Mahimbing siyang natutulog sa aking tabi. Ang kanyang malaki at ma-muscle na braso ay nakadantay sa aking tiyan. Napamura ako dahil napansin ko na wala siyang suot na anumang damit na pang itaas. Kaya kitang kita ko ang kanyang sculpted chest na may mumunting buhok, pababa sa kanyang 6 pack abs. Hindi na ako magtataka kung wala din siyang suot sa ibaba na tinatakpan ng dark gray silk na kumot at halata ang kanyang malaking morning wood. Sa totoo lang, ngayon lang ako natakam sa isang lalake ng ganito! Umiwas ako ng tingin sa napakaganda niyang katawan at tinignan ang aking sarili. Alam kong hubad rin ako dahil nafi-feel ko ang smoothness ng silk sa aking katawan. Hindi na din ako magugulat na may nangyari sa amin kagabi since makirot ang parte sa gitna ng aking mga hita. Dahan-dahan akong bumangon, maingat na inalis ang kanyang braso at bumaba sa malaking kama. Tumingin ako sa paligid at hindi ako pamilyar kung nasaan na kwarto ako. Napatingin ako sa malaking glass window at hindi beach ang nakita ko kaya wala ako sa aking hotel room. Tengene! Ano bang ginagawa ko rito?! Agad kong hinanap ang aking mga damit, pero wala akong nakita kundi isang white dress shirt na nakalapag sa ottoman na nandoon. Wala ang aking damit, ang aking sling clutch bag na naglalaman ng aking pera, phone, cards at IDs. Paano na ko ngayon?! Lumakad ako papunta sa pinto pero biglang natigilan. “Angel?” rinig ko sa deep, sexy voice niya na nagpanginig sa aking laman, idagdag pa na may accent siya! Napakagat labi ako, huminga ng malalim para kalmahin ang sarili ko at humarap sa kanya. Para akong tinamaan ng malaking bato ng makita ang intense na pagtitig niya sa akin. Kulay silver ang kanyang mga mata na parang may specks ng green at gold. Napalunok ako dahil sobrang hot niya at talagang gusto ko siyang tikman. Sumandal siya sa cushioned headboard. Seryoso pa rin ang kanyang mata habang humahagod ang kanyang mata sa aking kabuuan. Na para bang ninanamnam niya ako. Muntik na akong mahimatay ng mabagal niyang dinilaan ang kanyang labi na para bang isang GQ model na nakikita ko sa commercials at magazines. Ang ikinababaliw ko ay ang pagkibot at pagkabasa ng aking gitna dahil lang sa titig niya. s**t! Bumuntong-hininga siya tapos ay unti-unting ngumisi. “Come back to bed…” pa-growl niyang sabi. Nang hindi ako gumalaw, mas lalo pang naging intense ang kanyang pagtitig sa'kin na nagpapainit sa aking katawan. “Lalapit ka sa'kin o ako ang lalapit sayo, angel?” tanong niya sa akin. “I’m going to f*ck you on that door pag hindi ka lumapit,” banta niya at lalo lang akong naturn-on. Tumingin ako sa pinto weighing my options, pero mas pinili kong lumapit sa kanya. Damn him!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD