Chapter 1

1945 Words
NARA Kagagaling ko lang condo ng triplets kong kapatid na sina Marcus, Max at Mayer dahil hinatid ko sila sa Manila. Doon na kasi sila mag-aaral at malapit lang sila sa private school na papasukan nila. Ang bilis ng panahon mga binata na agad ang tatlong yun. Mabuti na lamang at hindi nagmana sa amin ni Keyla at ni Isaiah na armas ang gustong hawakan. Mas gusto kasi nilang maging propesyonal at yun din ang gusto nila Mom at Dad. Dalawang taon na simula ng kunin ako ni Tito Nathan upang maging IT specialist sa mga importante at delikado nilang mission dalawa kami ni Keyla. Nanghuhuli din kami ng mga kriminal dahil kami ang pumalit kina Mom at Dad sa secret underground organization. Ang sabi niya sa amin ay mapapalitan na daw ito ng TAJSO or trial and justices secret organization at dalawa daw kaming napili upang maging bahagi nito. Hindi pa malinaw sa akin kung ano ang pagkakaiba sa ginagawa namin ngayon pero mukhang exciting din yun dahil mas malalaking kriminal daw ang huhulihin namin. Uuwi na sana ako sa bahay nila mom and dad pero naalala kong bilhan ng damit si Baby Gelo. Anak siya ng isang kasambahay namin na si Ate Merriam. Natutuwa kasi ako kapag umuuwi ako. Hindi ko nga alam na mahilig pala ako sa bata. Kaya palagi kong binubuhat yun kapag nasa bahay ako. “Ah, miss meron ba kayong zero to six months nito?” Napalingon ako sa babaeng katabi ko na kumausap sa akin. Napagkamalan pa ata niya akong sales lady dahil inaayos ko ang mga pagkakatiklop ng mga damit na tinignan ko. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hangang paa. “Ay sorry! Akala ko kasi ikaw ang may-ari ng department store na ito.” Wika niya sa akin. Hiwalay kasi ito sa mall at may sarili siyang store. Dito rin ako bumili noong nakaraan. Tipid ko siyang nginitian dahil normal lang naman sa tao ang magkamali. “Wala yun, ako na lang ang tatawag sa pwedeng mag-assist sa’yo.” Sagot ko sa kanya. Dahil mukha naman siyang mabait at malaki na din ang tiyan niya. “Wag na! Nakakahiya naman sa’yo ito na lang ang kukunin ko. Malaki kasi ang mga baby ko kaya baka mabilis ko lang magagamit ang baby dress na nabili ko.” Paliwanag niya kaya hinayaan ko na lamang siya. “Kambal sila?” Usisa ko sa kanya. “Oo, actually kabuwanan ko na ngayon pareho silang babae.” Nakangiting sabi niya sa akin habang hinihimas ang tiyan niya. “Ah ganun ba? Congrats.” Nakangiting bati ko sa kanya na ikinatango niya at ikinangiti. Magpapaalam na sana ako para lumipat ng ibang puwesto ngunit napahawak siya sa balikat ko at napangiwi habang hawak niya ang malaki niyang tiyan. “Are you okay?” “Ahhh! Oh my god! Manganganak na ata ako!” Bulalas niya na ikinagulat ko. Pagtingin ko sa ibaba niya ay may tumatagas ng dugo sa binti niya. Kaya nanlaki ang mata ko. Tumingin ako sa kanya. “Kumalma ka lang dadalhin na kita sa hospital!” Nagpalinga-linga ako upang humingi ng tulong sa kanila at kaagad naman na may lumapit sa amin na isang babae at isang lalaking security guard tinulungan nila akong dalhin siya sa kotse ko na nasa labas lang ng store. Ini-upo ko siya sa unahan at nilagyan ng seatbelt nataranta na rin ako pero pinilit kong kumalma kahit nakikita ko na siyang nahihirapan. Ganitong-ganito din kasi ang itsura ni Aling Merriam noong manganganak ito at ako din ang nagdala sa kanya sa hospital kaya kailangan ko ng presence of mind. Mabilis kong pina-andar ang kotse at panay ang pindot ko ng busina upang malaman nilang nasa emergency situation ako. “Misis, kapit ka lang by ten minutes nasa hospital na tayo.” Wika ko sa kanya. Naawa na ako sa kalagayan niya kung bakit ba kasi gumagala pa ng ganito kabuwanan na! Nagulat ako ng humawak siya sa kamay ko na nasa manibela. “Miss kapag hindi ko nagawang mabuhay pakisabi na lang sa asawa ko na mahal na mahal ko siya.” Napatingin ako sa kanya at kita ko ang paghihirap niya. Imbis na sa tiyan sa dibdib niya siya nakahawak. “Misis, wag kang magsalita ng ganyan! Malapit na tayo! Akong bahala sa’yo…” Itinuon ko ang aking sarili sa pagmamaneho dahil kailangan kong mag-focus. Kailangan kong masigurado na magiging safe siya pati na rin ang mga batang dinadala niya. “Tabi! This is an emergency!” Singhal ko sa mga sasakyan na humaharang sa akin. Nakabukas na kasi ang bintana ko upang magbigay ng hand signal. “Oh s**t!” Mura ko dahil ito ang pangalawang beses na ginawa ko ito ang makipagkarera sa mga sasakyan at umiwas sa mga kasalubong makarating lang sa hospital. “Ahhh!” Sigaw niya na lalong nagpabilis ng kaba ko. Baka dito pa siya abutan sa kotse ko hindi ko alam ang gagawin ko! Wala akong alam sa pagpapaanak! Yung mga hayop nga namin sa farm hindi ko alam kung paano paanakin eh! “Misis kaunti na lang wag kang bibitaw!” Wala na sa normal ang takbo ng kotse ko makarating lang ako sa pinakamalapit na hospital pero nang mapalingon ako ay wala na siyang malay. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang itsura niya. Dahil bagsak na ang ulo niya. “Misis? Misis?” Tawag ko sa kanya pero hindi man lang siya dumidilat. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko, kasing bilis ng sasakyan ko na ipinarada sa harapan ng emergency room ng hospital. Kaagad akong bumaba at tumawag sa security guard na nasa labas. Pumasok naman ito sa loob at ilang sandali lang ay may lumabas na na medical personnel. Lumipat ako sa kabila binuksan ko ang pinto. “Manganganak na siya at bigla siyang nahimatay…” Tarantang sabi ko sa kanila. Tinangal ko ang seatbelt niya upang mas makuha nila siya ng maayos. Pagkahiga niya sa stretcher ay agad naman siyang ipinasok sa loob. Susunod na sana ako sa kanila nang mapansin ko ang wallet na hawak kanina ng babae nahulog kasi ito at nakita ko lang nang isasara ko na ang pinto. Kinalkal ko ang wallet para malaman ko ang pagkakakilanlan niya. “Gael Seravillia?” Sambit ko nang makita ko ang ID niya. Kinalkal ko pa ang iba pang laman ng kanyang wallet ngunit bukod sa salapi na lilibuhin ay isang picture ang aking nakita. Siguro ito ang kanyang asawa. Tinignan ko ang likod ng picture at nakita kong may nakasulat doon. First picture together Gael and Kendric… Bukod sa picture nila na nakangiti sa isa’t-isa ay wala na akong nakitang iba. Nagmadali akong pumasok sa loob at nakita kong pinagtutulungan na siya ng mga doctor. May naglalagay ng suero niya at may nagche-check din sa kanya. “Miss, kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?” Tanong sa akin ng nurse na lumapit. Umiling ako sa kanya. Nagkita lang kami sa same store kaya ko siya nakilala. Inabot niya sa akin ang phone na itim. “Sa kanya po yan.” Inabot ko ang phone na hawak niya at saktong umilaw ito. Hubby calling… Kaya kaagad kong sinagot ang tawag niya. “Wife? Where are you? Diba sabi ko uuwi ako kaagad?” Tanong niya sa kabilang linya. “H-Hindi ito si Gael. Nandito siya sa hospital nag-bleed siya kanina kaya dinala ko agad siya dito.” “What?!” Malakas na boses niyang sagot kaya nilayo ko ng bahagya ang phone sa tenga ko. “Yes, Mr. Kendric kaya pumunta na agad kayo dito sa immaculate general hospital dahil nawalan ng malay habang papunta kami dito.” Paliwanag ko sa kanya. “Sino ka? Bakit mo ako kilala? Bakit kilala mo ang asawa ko? Papunta na ako diyan…” Narinig ko sa kabilang linya ang pagmamadali niya at ang pag-andar ng sasakyan niya pero para akong naitulos sa kinatatayuan ko nang makita ko sa salamin ng pinto ng emergency room na nire-revive na nila ang babae. “Oh my god…” Mahinang bulalas ko. “Why? What happen?” Nakalimutan kong ibaba ang tawag dahil nasa kanila ang attensyon ko. “Anong nangyari?” Nag-aalalang tanong ko sa nurse na nagmamadaling lumabas. “Sorry Ma’am, but we had to take her in the operating room wala na pong heartbeat si Ma’am.” Wika niya sa akin. Sa gulat ko ay naibaba ko ang phone na kanina lang ay nasa tenga ko. At awang ang labi kong tinignan kong paano sila nagmamadaling ilabas sa emergency room ang stretcher kung saan nakahiga ang babae. Wala na siyang buhay? Hindi maari ito… Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Naaawa ako sa kanya. Kanina lang maayos kaming magkausap. Tapos ngayong kailangan niyang sumailalim sa emergency operation upang mailabas ang mga baby niya. Napasinghap ako at pilit na kumakalma. Nang silipin ko ang phone ay patay na ang tawag niya. Nagpasya akong wag munang umalis habang inaantay ang pagdating ng asawa niya. Panay din ang lakad ko dahil hindi ako mapakali. Nandito ako sa labas ng delivery room. Halos trenta minutos din ang lumipas bago lumabas ang mga nurse at bitbit na nila ang mga baby. “I’m sorry, ginawa namin ang lahat pero mahina na ang puso niya nang dalhin mo siya dito. Marahil ay my heart condition din siya kaya hindi niya nakayanan. We have to confirm it first. Kung yun nga ang ikinamatay niya. But the babies are safe.” Wika sa akin ng doctor. “Gael! Gael!” Narinig kong tawag ng lalaki. Napatingin kami sa kanya at nang makita niya kami ay kaagad siyang lumapit sa doctor. “Doc! Where’s my wife?” Nag-aalalang tanong niya. Napansin ko ang dugong tumutulo sa noo niya. “I’m sorry…inatake siya sa puso kaya kinailangan namin siyang operahan upang ma-save ang mga baby niyo.” Sagot ng doctor sa kanya. “No! Hindi…hindi pa siya patay!” Umalis siya sa harapan namin at nagmadaling pumasok sa loob ng operating room. Sinundan ko siya ng tingin at naawa ako sa sitwasyon nila. “Gael? Gael! Gumising ka! Diba sabi ko sa’yo wag na natin ituloy kung hindi mo kakayanin! Gael! Wag mo akong iwan please…mahal na mahal kita…please…wag mo akong iwan…” Kusang humakbang palayo ang aking mga paa. Masakit sa dibdib ang masaksihan ang gaya nito. At hindi dapat ako naririto, wala na rin akong magagawa pa. Ginawa ko na ang lahat upang maligtas sila pero nabigo ako… sorry Gael…hindi mo man lang nasilayan ang kambal mo… Malungkot na inihabilin ko ang phone at wallet niya sa nurse upang ibigay ito sa asawa niya mamaya. Wala akong lakas ng loob na harapin siya dahil nagui-guilty ako. Pakiramdam ko kasi kasalanan ko. Kaya hindi siya umabot ng buhay. Dumaan muna ako sa nursery room upang silipin ang kambal. Pagtapat ko sa salamin ay hindi ko maiwasan ang mapangiti sobrang ganda nilang pagmasdan. Nakabalot sila ng puting kumot. At tulog na tulog, manang-mana sila sa kanilang Ina. Sayang lang at hindi man lang nila mararamdaman ang yakap niya. Nabura ang ngiti ko sa labi dahil sa panghihinayang. “Sana lumaki kayong matagtag at mga mababait na bata…” Mahinang sambit ko bago ko sila tinalikuran. Nang makalabas na ako sa hospital ay hindi ko maiwasan ang maawa sa kanila. Sa kilos ng lalaki ay halatang-halata na mahal na mahal niya ang kanyang asawa. Pero kinuha na agad ito sa kanya. Hindi talaga fair ang buhay at hindi mo alam kung kailan ka pa mabubuhay kaya dapat lang na susulitin mo ang mabuhay sa mundo. At pahalagahan ang mga taong mahal mo at nagmamahal sa’yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD