Chapter 1.1

3053 Words
Hello, I am Malaya J. (Javier) Fujikawa. I am 16. My close friends call me "Laya". Filipina Nanay ko tas Japanese Tatay ko kaya ganon kalupet pangalan ko. I know its weird pero sa FDU walang lamangan so, at the age of 15, I defeated my senior sa posisyon as school president. Naboto ako ng 75% ng population sa school... Actually di lang ako, buong party namin. Ako, yung VP, Secretary, tsaka treasurer, Tas batch representatives. I am a top student, top 1 sa batch ng gr10 to be exact. Basketball player ng school, captain ball. August 18 ang Birthday. My Dad owns a Hospital and a Hotel here in Ph. In this school, uuwi lang kami every vacation like Christmas, summer, or Sem Break. Di naman big deal saken pero mas okay ako pag nasa bahay. Ofc I'm the main Character, onting pakilala nalang siguro sasabihin ko later for other characters. ________________________ Laya. It's cold. Dinilat ko mata ko, napatingin ako sa Digital clock na nandito sa desk ko. It's only 2am. Bumangon ako para lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina para uminom tubig. Nasa dorm ako, ang dorm namin ay parang hotel. May sala then may tatlong kwarto na may cr tapos kitchen. Ganyan talaga pag 800k tuition. Although siguro mura pa yon. SIGURO LANG di ko alam. Maliit lang yung kwarto, kasya isang kama then study table, cabinet, tapos cr na. Magkatapat yung dalawang kwarto tapo yung isa ay nasa gitna. Making the |_| shape. Then syempre pagkabukas mo ng pinto, sala sasalubong sayo. May TV tapos maliit na sofa tas sa gilid non smol kitchen na. Room ko yung nasa gitna, kaya pagkabukas ko ng pinto, kitang kita ko na kagad yung sofa na nakatalikod sakin tapos yung TV na nakaharap sakin. Lumabas na ako ng kwarto tapos nakita ko yung Roommate ko, sya natutulog sa left side mula sa kwarto ko. Si Clei Amparo. Same age. Matalino naman sya pero di umaabot sa top 5. Top 6 or 7 sa buong batch, don lang lagi umiikot ranking nya. Sya Treasurer sa council. "anmeron?" antok na tanong ko na ikinagulat nya "putangina ka nagulat ako" sabi nya. Tahimik kasi mga pinto dito pag bubuksan, maingay lang sya pag sumara na, yung pag nag click na yung doorknob. "suri. Anmeron?" tanong ko habang kumukuha tubig. Tinitingnan nya yung T.V Dito kasi sa TV, maliban sa makakanood ka ng kung ano anong palabas, may CCTV sa labas ng bawat pinto, hallway, elevator, fire exit stair case na sakop lang yung sa floor namin tsaka tapat ng unit. Bale may 4 CCTV cams ka na maaaccess tapos palipat lipat lang sya sa 4 cams na yon. "bat di mo nalang i-one screen?" tanong ko habang nauupo sa tabi nya Sinet nya yung TV sa one screen yung apat na cams. "ano ba meron?" tanong ko. Nagchichill na kasi katawan ko kasi ambilis nya ilipat kada cam. "observe." simpleng sagot nya na nakatitig padin sa TV. Tinitigan ko din yung TV then may shadow akong nahagip. Galing sya sa 4th floor, fire exit. May dumaan, paakyat sya sa 6th floor Di ko naman maexplain, baka kasi Janitor lang or what. "nakita mo?" tanong ni Clei na nakatitig padin sa TV "what the f**k is that??" tanong ko. Gago kinikilabutan ako. "i don't know." sagot nya na nakatitig padin "hehe baka Janitor lang, tara na tulog na tayo." sabi ko. "no, tulog na si Kuya Ben pag gantong Oras" Si Kuya Ben kasi nakaassign na Janitor sa 5th tsaka 6th floor. Nanigas na naman katawan ko... Dumaan na naman.... May lumiwanag sa lower part ng cam, meaning bumukas pinto sa floor sa baba ng floor namin. Kinikilabutan na ko gago tas yung katabi ko nakatitig lang, walang emosyon. "puta Clei" sabi ko "nakailang pabalik balik sya jan, di sya dumaan sa hallway natin so sa taas tsaka sa baba lang sya dumaan tsaka bumukas yung pinto sa bawat staircase kaya galing sya sa 4th tsaka 6th... More like, sila." "marami pa??? Pano mo nasabi??" tanong ko. "matulog muna tayo, bukas na natin pag usapan." _____________ Ako tong si putangina, di nakatulog haha. Gago iniisip ko kasi, Kung hindi si Kuya Ben yon, sino?? Mukhang imposibleng students kasi malapit na mid term exam, need ng students magpahinga, mag aral. Kung teachers naman, bakit pabalik balik? Naligo at nagbihis na ako para pumasok. 6:30am palang tas 7:30am pa klase namin. Since Monday ngayon, required kami mag uniform. Every Monday, Wednesday, tas Friday naka Uniform kami then Tuesday and Thursday kami na bahala sa damit namin, walang magagalit kung ano gusto mong damit pero dapat di topless or nakasando pag papasok sa klase. Ang uniform namin ay red blazer na may white na lining tas white blouse, black high socks, black shoes tas black Skirt. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko naghahanda na ng almusal yung isa naming roommate Si Mara Denisse Paras . Same age. Average student pagdating sa acads pero bawing bawi sya sa sa sports. Captain ball sya ng Vball. Tahimik lang sya, di maarte tas mahinhin pero hayop sa court. "kain kana" aya nya Naghanda sya ng waffles. May dept store, food court, supermarket dito kaya pera nalang talaga kailangan mo. May laundry station din para sa maglalaba ng damit, tas court na malaki, indoor garden or green house (yung glass yung walls hanggang roof) may laboratory, library, oval, stadium, church at kung ano ano pa. Sa kabila ng mahal na tuition, madamibg estudyante dito. Di ko din alam bakit pero madami talaga. Elem tas pre school syempre di pinapayagan mag dorm. Gr8 pa sila pwedeng mag dorm. Naupo na ako tapos kumuha ng waffles. Nilagyan ko whipped cream tas maple syrup. Maya maya lumabas na si Clei sa kwarto nya, ligo na tapos parang kumpleto tulog. Samantalang ako sobrang hulas ko na kahit umaga palang "girl mag liptint ka amputla mo" sabi ni Clei "no." sagot ko Hello?? Dahil sakanya bat ganto ko jusq. Nakiupo na sya sa tabi ko tsaka si Mara. Tahimik yung dining table namin, sobrang unusual kasi lagi kamibg maingay ni Clei dito, nagbabangayan, naghahampasan. Bothered din siguro kahit papaano. Tinitigan ko lang sya hanggang sa mapatingin sya sakin tas nangungusap yung mata nya saken na wag ako magpahalata. Tas tinuro ko gamit mata si Mara, meaning tinatanong ko if sasabihin ba namin sakanya. Then she mouthed, "wag muna" Natapos kami kumain tapos hinugasan ko pinag kainan namin tas silang dalawa nilinis yung unit namin. Sabay sabay kaming lumabas sa unit tas may mga estudyante na din sa Hallway dito sa dorm, hiwalay ang dorm ng babae sa lalaki. Pagdating namin sa school building, maingay, magulo, may nagtatawanan, may naghahabulan... Di naman utos na bawal magdikit o mag usap ang mga babae at lalaki, hiwalay lang talaga building ng dorm pero pwede sila pumunta sa dorm ng babae di lang pwede pumasok sa kwarto nang walang paalam sa admins. And since pantay pantay, walang 1st section 1st section, magkakahalo dito base sa date ng enrollment mo, and wala ding may special treatment. Nagpaalam na samin si Mara kasi nakita nya yung kateam nya na kaklase nya tapos kami ni Clei dumiretso sa locker. "putanginamo anong balak mo??" bulong na tanong ko sakanya Binuksan ko na locker ko para kumuha ng gamit tapos ganon din sya "confirm muna natin, tapos sabihan na natin si Mara." sabi nya "anong icoconfirm natin??? Wala namang ginagawang masama??" sabi ko. Dumaan lang naman sya di ba??? "meron." sabi nya Napatitig ako sakanya habang sya naghahanap pa ng gamit. "bandang 12 midnight may isang umakyat, tapos 12:30 may umakyat ulit, pero di pa bumababa yung isa." "1am dalawa na silang bumaba then may dalang backpack na malaki yung isa habang yung isa nag mamasid." "1:17am umakyat ulit yung isa, binuksan yung storage room sa may staircase tapos may kinuha syang timba." paliwanag nya "di ba may mga guard na nag iikot tuwing gabi?? Tsaka may bantay sa mga cctv cams??" tanong ko. Syempre dorm school to, imposibleng wala di ba?? "yung mga patrol, sa main halls at main stairs sa school building lang nag iikot. Fire exit stair case sa dorms wala na kasi dapat nakalock yon tuwing gabi kasi gusto nila maiwasan mga students na nakikipag s*x. Tsaka umasa ka pa sa bantay sa cctv cams e napakadaming cams na babantayan nung mga yon imposibleng mababantayan nila lahat." "pag tinignan mo nang mabuti yung mga dumaan sa fire exit e tsaka mo lang mahahalata pero pag umasa ka sa peripheral view mo e wala kang mapapala." Napaisip ako, ano meron?? Natapos kaming maglocker at nagpunta na sa Classroom. "hey baby, good morning." "babe" "baaaabiiiii" "babyyyy" "Hoy!" sabi sabay batok saken "aray ko putanginamo" sabi ko "ay hi heheheh" boyfriend ko pala. Si Joaquin Y. Gabriel. Same age kami. Vice President ng Student council, Rank 3 sa buong batch. Vocalist ng school band. Wala na kong masabi basta love ko HAHAHAHAHAHAHAHA "why thinking so deep?" ask nya tapos naupo sa upuan sa harap ko. Dito kasi may sari sarili kaming desks na may storage sa ilalim. (Japanese style).. "wala lang, ikaw palang?" tanong ko. "nah, andon na si Andrei tsaka Nari ginugulo na si Clei." sabi nya. "oh I see." sabi ko tas napayuko. Di ko alam kung bothered ako or what. I mean, wala namang ginagawang masama yung nakita naming shadow. Weird lang kasi may dalang bag and kumuha ng timba sa storage. "why bothered?" tanong ni Joaquin "wala, napuyat lang." "aga naman natin nag goodnight bat puyat babi ku?" sabi nya sabay pout "nagising ako 2am ih. Di na ako nakatulog." sagot ko "oh, dat nag rest nalang ikaw." sabi nya "babe..." tawag ko "po?" response nya Napatingin ako kay Clei tas nakatingin sya sakin. Yung mata nya sinasabing "wag kang maingay" Napayuko ako... Gusto kong sabihin kay Joaquin, matalino naman sya... Alam nya yung ganto. "I love you." sabi ko. Sabi ni Clei wag muna kami magsasabi sa iba... Icoconfirm pa namin kung may masama bang nangyare. _________________ 2pm Tapos na ang mga klase tapos bahala na kami kung ano gusto namin. May mga estudyanteng naglalaro sa court, swimming, nasa dept store, book store, library, merong mga nasa club nila tapos meron ding dumiretso na agad sa dorm. Kami, nasa food court. Buong tropahan nandito. Ako, Clei, Joaquin, Mara, Andrei M. Libunao, same age. Kaklase namin. Roommate ni Joaquin Nari L. Lopez, 17. Kaklase din namin. Lead guitarist ng school band. John Jaybee (JJ), 16 den. Kaklase ni Mara. Bball player. Isa pang Roommate ni Joaquin Benjamin S. Hernandez. 17. Back up singer ng banda. Roommate ni Nari. Alexis V. Mendoza, 16, gitarista din ng school band, roommate ni Nari. Jasserine Louise P. Adriatico, 17, spiritual representative ng school council. Maria Crissel B. Velasco, 17, secretary ng Council, rank 2 sa buong batch. Kristene Mae Y. Estacio, 17 din. Vball player din. Debate representative ng batch namin since gr7. Roommate din ni Jass Sheenah Mae F. Cruz, 17, yung kateam ni Mara na kasama nya nung umaga. Roommate ni Crissel Shanley Sai D. Fernando, 17, Outreach Representative ng council. Roommate ni Jass Iris (Ayi) Belle O. Banez, 17, Bball player. Number 2 sa Bball. Roommate din ni Crissel "himala ang konti ng tao sa FC ngayon" sabi ni Shan "lahat ata nasa court or garden. Ewan pake ko." sabi ni Benjie Dumating si Jj, Clei, Nari nang dala yung mga pagkain namen. Syempre may tawanan, asaran, kulitan... Magtotropa e. "MALAYA?!" Napalingon kaming lahat sa entrance ng food court nang may sumigaw "NANDITO PO BA SI ATE MALAYA???" nagpapanick na sigaw nung babae "I'm here" kalmadong sagot ko habang tumatayo Kumaripas sya ng takbo papalapit sakin. Muntikan na syang matumba kaya sinalo ko sya, hingal na hingal at pawis na pawisp. "may emergency po." hingal na sabi nya. Tumakbo na kaming dalawa don sa sinasabi nyang emergency, iniwan ko na friends ko don. _______________ Lumabas kami ng school building.... Madaming tao sa labas, nandoon mga estudyante, mga teacher... Nanigas katawan ko nang makita ano tinitignan nila... May bangkay... Estudyanteng lalaki, yung mukha nya yung nakasalpak sa sahig... Puro dugo "tumalon sa building nak." sabi nung Pulis na nag iimbestiga. "ikaw presidente?" tanong nya sakin. Tumango ako. "maiwan ka dito pati mga ibang officer nyo." Tinawagan ko sila Clei kaya nagpunta rin sila sa pwesto ko. Nakita kong takot na takot si Clei sa nakita nya. May takot kasi sa dugo to kahit simpleng hiwa ayaw na ayaw nya. "sinong nakakakilala dito?" tanong nung pulis. May dalawang estudyanteng nagtaas ng kamay. "Kitang kita naman na nahulog sya mula sa building, iimbistigahan na namin ang nangyari. Sa ngayon lahat ng estudyante, maliban sa dalawang nagtaas ng kamay ay lumayo muna sa school building habang iniimbistigahan ang nangyare." Unti unti nang nawala yung mga tao sa paligid, naiwan kaming magkakaibigan at yung estudyanteng lalaki tsaka isang babae na nagtaas ng kamay na nakakakilala sa biktima. "sino sya?" tanong nung pulis "Lenard Del Carmen po, kaibigan po namin. Gr9 po kami " sagot nung isa "ano ugali nya?" tanong ko. "masayahin po, palabiro, madiskarte. Pero ilang beses nya na pong sinasabi saakin na pagod na sya, na gusto na nyang mamatay" sagot nung babae "boyfriend mo?" tanong ko Tumango yung babae "sige mga anak. Alis na muna kayo. Maiwan kayo." sabi nung pulis habang nakatingin samin. Tito ko yung pulis. Kapatid ni Mommy. Ilang beses na nya akong sinama sa gantong scenes kaya nasanay na ako makakita ng ganto. Dumating na yung abulansya at kinuha na yung bangkay habang nililinis yung crime scene. Pinag pray na din kasama yung School Pastor at sa araw ng Chapel Service ay ipagpipray ng buong school. "ano sa tingin mo?" tanong nya. "murder" simpleng sagot ko Napatingin sakin mga kaibigan ko pati tito ko. "anak..." "wala pong may gustong mamatay nang haharapin yung kamatayan nila." sabi ko. "tinulak po sya mula sa 7th floor ng building." Napaisip si Tito. "and yung suspect po is someone na gustong kunin atensyon natin." sabi ko "di ako naniniwala." sabi ni Drei "why?" tanong ko. Si Clei natahimik, nakakapit lang kay Mara. "who do you think the suspect is?" tanong saakin ni Drei. "you want to find it out that quick?" tanong ko "nope. Sure yon, yung dalawa kanina, itinulak sya." sabi ni drei "pano mo nasabi?" tanong ni Joaquin "simple. May secret relationship yung dalawa kanina. Sila nagtulak sa victim para hindi na makasagabal sa relasyon nila." sabi ni Drei "usual horror and romance movie." sabi ni Sheenah "hindi." sagot ko. "kung yung dalawa yung nagtulak, hindi sa agad makakababa dito para mapunta sa harapan" sabi ni Kristine "malay mo nakipagsiksikan." sabi ni JJ "hindi. Tama si Tintin." sabi ni Clei "tayo nga hindi makadaan kanina di ba?" sabi ni Joaquin "so... Its a murder then?" sabi ni Nari "we're not sure" sabi ko. "pahingi po ako sample ng autopsy, and pacheck po uniform if may fingerprints, pacheck po lahat. Clothes, phone, contacts, lahat." sabi ni Joaquin "maybe suicide nga? Kasi sabi ni ati ghorl kanina na nagsasabi daw sya na gusto na mamatay di ba?" tanong ni Crissel Yon nga.... Di ko masabi. But, when did a suicidal person who jumped off a tall building would want to face their death? Lahat ng namamatay closed their eyes because they didn't want to face death, in order not to see how they'll die. "he broked his neck,and left shoulder" sabi ni Mara habang inaalalayan si Clei Napatingin kaming lahat sakanya. 5mins ago wala na yung bangkay dito kaya di ko na din masabi. "he fell with his head first, left ear facing the ground to be specific , kasi kung pahiga yung bagsak nya, sure yon na likod nya yung basag and kung una tuktok ng ulo nya pumutok na yon." habol ni Mara. "char nevermind that was a useless info." sabi nya "galing ng observation skills mo ha." sabi ni tintin "no, it helped." sabi ko "it is confirmed."sabi ni Joaquin. " na ano? "tanong ni Benjie Nilingon ko Tito ko at nag aantay din sya ng sagot "Murder" sabi ni Drei. "sinubukan nung victim na iwasan yung pagkamatay nya kahit alam nyang imposible." sabi ko "how?" tanong ni Crissel "he taught, wished, hope, prayed that if he position himself sideways, mapipilayan lang sya." sabi ko "nila-lang mo lang yung pilay." sabi ni JJ "e mas less na yon compare sa death." sabi ko "game tuloy." sabi ni Tintin Nakinig ulit silang lahat saakin "di nya napansin na mauuna yung ulo nya, kaya kahit nakaready na yung katawan nya sa pagbagsak nya, di nya namalayan na yung ulo nya ay mauunang tatama sa sahig, na nagcause ng bali ng leeg nya." sabi ko "then, it is not suicide because he is afraid of dying." sabi ni Drei "obviously." habol ni Joaquin "yung babae tsaka yung lalaki kanina ay hinihinalaang suspect. For now." sabi ni Tito. Dumating na yung Principal. Binanggit na ni Tito lahat ng pinag usapan namin. The principal tapos si Tito, nagpasalamat samin for identifying what happened. "magpapadala kami ng ilang pulis dito para madagdagan ang pagbabantay. Hinihilingan ko po kayo na ipasara muna ang rooftop at palagyan ng matataas na harang. Inaassign ko po ang mga estudyanteng ito ang mag imbestiga sa mga pangyayaring gaya nito. " sabi ni tito "ikaw po maiiwan dito?" tanong ko "hindi anak, di ako pede maiwan dito kasi nandon ako sa station." sabi nya Umalis na si tito tapos nag hiwa-hiwalay na kami. Kaming tatlo nalang ni Joaquin at Andrei ang magkasama. Si Clei tsaka Mara nagpunta na sa unit namin kasi si Clei magpapahinga sa sobrang panghihina. Si Ayi, Shan, Jass, Sheenah, Tintin, Crissel, nagpunta sa supermarket para bumili ng pagkain. Nagpaalam sila sa principal na doon matutulog sa kwarto namin para pag usapan yung nangyare. Tas si Nari, JJ, Alexis, Benj, nagpunta sa music studio. Doon sila matutulog sa room nila Joaquin mamaya kasi need namin mag usap tungkol sa case, thru vc kasi di naman sila pedeng makitulog saamin. "tayo san tayo punta?" tanong ni Drei "library." sabi ko "eto na naman sa sa boring na balak nyang gawin." sabi ni Joaquin "b***h I need to look for answers." sabi ko "saan?" tanong ni Drei "sa case ni Del Carmen." sabi ko Dumiretso na kami sa school Library
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD