Chapter One

2902 Words
"Anak bumangon kana diyan, malelate ka sa unang klase mo sa Unibersidad." "Saglit lang Ma.. Pipikit ako saglit." "Nakung bata ka! Saan ba kasi kayo nagpunta ni Betsay kagabi? Alam mo namang unang pasok mo ngayon." "Gumala lang Ma, ito na po. Babangon na." Si Betsay talaga, isinama pa ako sa gimik niyang uminom. Alam namang hindi ako umiinom. Buti nalang nakatulog na si Mama pag-uwi ko kagabi, kung hindi sermon na naman aabutin ko. Dalawang nalang kami ni Mama sa bahay, simula nong Grumaduate ako ng High School ay nangibang bansa na para sa akin. Pangarap kasi nitong maging doctor ako kahit hindi naman iyon ang gusto ko. Mahal ko ang Papa kaya ayaw ko siyang biguin. Gusto ko mang kontrahin pero ayaw ko siyang biguin, lalo nat nagpakahirap siya doon para lang mapag-iponan ang pag-aaral ko. Isang taxi driver dati si Papa dito sa pinas, pero sa hirap ng buhay ngayon at kolehiyo na ako ay nag-ibang bansa talaga siya. Si Mama naman ay nagbebenta ng mga kakanin o desserts, para narin daw sa pang araw-araw na gastusin. Tinutulungan ko naman din si Mama pag walang pasok para naman hindi na siya mahirapan sa paghahatid. "Ma, alis na po ako." sabay yakap sa kaniya ng mahigpit. "Mag-iingat ka, umuwi ka kaagad." "Opo." Sabay na kaming pumasok ni Betsay dahil iisang Unibersidad lang naman ang pinapasukan nami. Yun nga lang, Education ang kinuha niya at ako naman ay Medicine kaya magkaiba minsan ang mga schedules namin. "Ags, may lakad ako mamaya. Gusto mo sumama?" "Ayaw kona, alam mo bang sumuka ako dahil sa pina inom mo kagabi? Alam mo namang hindi ako umiinom." "Ewan ko sayo, kaya walang nagtataglay sayo ehhh…" sabay alis nito. "Hoy sandali…" "Bye… kita nalang tayo later." Si Betsay talaga. Ano naman kung walang nagtatagal? Hmm… Isa din pala, ayaw ni Papa na nagkakaboyfriend ako, gusto niya munang makapagtapos ako ng pag-aaral. Kaya heto lahat ng karelasyon ko ay walang nagtatagal kasi patago lang at ang kj ko daw. Ewan ko, gusto ko lang naman maranasan magmahal pero pinagkakait pa. Pagpasok sa room namin ay sobrang ingay. May kaniya-kaniyang ginagawa. May naggpapaganda, may naghaharutan, nagbabasa at nagbabatuhan. Humanap ako ng mauupuan at sakto may nakita akong isang upuan sa tabi ng bintana kung saan kita mo sa ibaba ang hallway, parke at gymnasium. Total wala pa namang prof kaya iidlip muna ako. Girl, makakatulog kaba niyan kung maingay? Naku for sure hindi. Napalingon naman ako ng may isang bakla na sumigaw. "Girls, nandiyan na sila…" sinundan ko naman siya kung saan nakatingin. Binuksan ko ang bintana at tumingin sa baba. Ang daming kinikilig, sumisigaw na parang ewan. May nakita akong grupo sa hallway na pinagkakaguluhan. Isasara kona sana ang bintana dahil panira lang ng araw ko pero biglang may bumato sakin ng papel at nahulog sa bintana. Sakto namang nahulog yun sa tapat nong lalaking naka jacket kaya pinulot niya ito at tiningnan. Bigla siyang tumingin sa taas at ngumiti sakin. Ewan koba, pero kinakabahan ako na kinikilig. Bigla kong sinirado ang bintana at umupo. Agatha umayos ka, ngiti lang yun. Kinilig kana. "Sinong bumato non?" Walang isang sumagot dahil dumating na ang Professor namin at nagsimula na ang klase. Pero sa maghapong klase na yun ay walang pumasok sa utak ko. Lutang na ewan. Kasii naman yung ngiti ehhh.. Nakakatunaw.. Pero no. Hindi pwede baka majumbag pa tayo ni Erpat. "Agathaaaa…." Napalingon naman ako ng biglang yumakap sakin si Betsay. "Ano na naman ba? Isasama mona naman ako? Sinabing ayaw ko nga.." "Hindi. Tingnan mo ohh.. Nakita ko lang sa f*******: account, may nag share ehh.." "Ang swerte mo nginitian ka ni Marco…" sabay sigaw nito na kilig na kilig. "Teka teka.. Sinong marco?" Pinakita niya naman sakin ang phone kung saan nakuhanan ako ng litrato na nakatingin sa baba at nakangiti samin ang lalaki. "Oh ano namang meron diyan?" "Hindi kaba nag o-open ng social media mo? Siya si Marco. Isang varsity player ng basketball team dito sa atin. Ang guwapo niya noh? Alam mo bang bihira lang yan ngumiti dahil suplado. Ang suwerte mo kasi nginitian ka." "Hindi ko naman ikakamatay ang pag ngiti niya nohh…" "Weehhh? Hindi ka naga-gwapuhan sa kaniya?" Hindi ako sumagot bagkus hinila ko nalang siya para pumara ng traysikel para makauwi na kami. Marco pala name nun? Hmmm… “Anak kumusta first day ng klase mo? Tatawag pala ang Papa mo mamaya pagkatapos ng trabaho niya.” “Okay namam Ma, medyo marami lang assignments na gagawin.” “Anak, alam mo naman ang Papa mo.. Gagawin lahat para sa’yo makapagtapos kalang ng kolehiyo at maging doctor.” “Alam kona man po ‘yun.” Simula nung nakapagtapos ako ng High School ay nag ibang bansa na si Papa para magtrabaho para sa akin, Oo saakin dahil gusto niya makapagtapos ng medisina. Sa ibang University ay walang medice na course ay napili niya sa isang private na University. Kahit hindi pa pasukan ay nag abroad na agad siya para makaipon sa bayarin sa kolehiyo kaya ayaw ko siyang suwayin. Taxi driver lang si Papa dati pero dahil nga magkokolehiyo na ako ay naisipan na niyang mag-ibang bansa para sa akin. Kulang kasi ang kinikita niya dito sa Pilipinas. Masuwerte na kung maraming pasahero. Isa din siyang taxi driver sa Canada pero ang pinagkaiba ay mas malaki ang sinasahod doon kaysa dito. “Antonio, kumusta kana diyan? Miss kana namin ng anak mo… Agatha tawag ka ng Papa mo.” Napahinto ako saglit sa paghuhugas ng tinawag ako ni Mama para kausapin si Papa. “Oh anak, kumusta sa bago mong eskuwelahan, okay ba?” “Okay naman Pa.” “Pagbutihin mo pag-aaral ha, tandaan mo ang sinabi ko sa’yo, wala munang boyfriend.” Nakita naman ni Mama na iiyak na ako kaya nagpaalam na agad siya kay Papa na matutulog na kami kahit hindi naman. “Anak… Pag pasensiyah mona ang Papa mo.” “Kailangan ba talagang paulit ulit na sasabihin na pagbutihin ko? Alam ko naman ‘yun, nakatatak na ‘yun sa isip ko Ma. Palagi nalang pag-aaral kinukumsta, ako ba kinumusta niya kung okay lang ako, kung gusto koba maging doctor.” “Anak para naman..” “Oo para sa ikabubuti ko, matutulog na ako. Gusto ko ng magpahinga.” Sabay talukbong ng aking kumot. Alam ni Mama na ayoko talaga maging doctor, pero pareho sila, para daw sa ikabubuti ko. “Anak itong puto bilao pakidaan kina Aling Marta tsaka itong mango float pakibigay kay Betsay, nag order kasi Ninang mo.” “Sige po, alis na ako.” Nagbebenta din si Mama ng mga kakanin o desserts para naman dw makatulong dito sa pang araw-araw na gastusin. “Aling Marta, ito na po puto bilao niyo.” “Salamat iha, ang sipag mo talaga. Pakisabi sa Mama mo sa Linggo o-order ako kutsinta ha..” “Opo, mauna na ako Aling Marta.” “Sige, mag-iingat ka.” Pagpasok ko ng room na dating maingay ay biglang tumahimik pagdating ko. Napataas naman ang aking kilay at tumingin tingin sa paligid. Uupo na sana ako ng maalala ang sabi ni Mama, ang mango float. Ihahatid ko muna total hindi pa naman dumadating ang Prof. Minsan hindi talaga kami nagkakasabay ni Betsay dahil sa schedule niya at schedule ko, magkaiba kami ehh.. Lalabas na sana ako ng biglang may humarang sa pintuan na nakangiti. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Infairness ang guwapo niya lalo na kung ngumiti. “Miss?” “Ano? Nakaharang ka sa daan, padaan.” “Paano kung sabihin kong ayoko.” Sabay kindat nito. Kinuha naman niya ang dala kong mango float. “Wow! Nag abala kapa talaga.” Kukunin niya sana ng inilayo ko ito. “Excuse me, hindi to para sa’yo taka alis nga diyan.” “Hindi mo ba ako kilala?” “Hindi at wala akong panahon para kilalanin ka.” Sabay bangga sa kaniya at lumabas. Ang yabang non, akala mo kung sino. Kapag nandoon pa ‘yun pagbalik ko, makakatikim talaga ‘yun sakin. “Oh nakabusangot mukha mo?” “Ehh kasi may panira ng araw, ito pala inorder ni Ninang.” Sabay abot ng mango float. “Alis na ako, kita nalang tayo mamaya.” Sabay takbo at baka malate pa ako. Mabuti nalang at wala na ang lalaking ‘yun. Natapos ang first subject ay lutang ako dahil sa lalaking ngumiti sakin kanina. Nagkita kami ni Betsay sa Cafeteria. “So ano? Bakit busangot?” “May pumuntang lalaki sa room namin at ako naman pinagtripan.” “Sino ba?” “Hindi ko alam… Basta yun na yun.” Bigla namang nagsigawan sa Cafeteria, napatingin ako kung sino ang tinitingnan nila at siya yun, ang lalaking sumira ng araw ko na palapit sa akin. Oh no! “Hi Miss ganda. Im Marco by the way.” “Agatha.” Siyempre friendly ang ate niyo. “Agatha?” “Basta Agatha.” Sabi ko habang kumakain ng fries. “Do you like me?” bigla naman akong nabilaukan dahil sa tanong nito. “Ano?!” sabay tayo ko at nagcross arms. “Sabi ko gusto moba ako?” “Bakit naman kita magugustuhan? Sino kaba?” “Hindi mo ako kilala? Im Marco.” Nagflashback naman sa aking utak ang sinabi ni Betsay dati. “Siya si Marco, ang sikat na Varsity player ng basketball team.” Siya ba ‘yun? Ang ngumiti sa akin sa baba? Agatha umayos ka! Hinarap ko naman siya at ngumiti. “I Love You Too.” Sabay halik sa aking pisngi na aking ikinagulat. “Hoy bakit mo ginawa ‘yun?” sabay hablot sa kaniya. “Kasi gusto kita?” Bigla namang tumahimik sa paligid ng bigla ko itong sinampal at umalis sa Cafeteria ng walang pag-alinlangan. Gurl, bakit mo ‘yun ginawa? Gusto ka ng tao tapos sinampal mo? Baka nanti-trip lang ‘yun. Kalma gurl, ito na ang simula ng kalbaryo mo.. Papasok na sana ako ng School ng bigla akong sinalubong ni Betsay at yumakap. “Agatha…Ikaw na…” hindi ko naman maintindihan dahil para bang wala ng bukas kung makangiti. “Anong ako na?” “Hindi moba alam? Sikat ka ngayon sa social media, Tingnan mo.” Sabay pakita sa akin ng cellphone niya. “Grabe agss, kinikilig ako sa inyo. Nasa million na ang views.” “Nasaan ang Department ng lalaking ‘yun?” “Engineering yun, bak- hoy saan ka pupunta?” No! Hindi to pwede makita ni Papa. Lagot talaga sakin ang lalaking ‘yun. Pumunta ako sa Engeneering Department pero ang sabi nasa Gymnasium dahil P.E time daw nila, kaya pumunta ako doon na umuusok ang ilong. “Hoy lalaking mayabang!” sabay silang napatingin sakin lahat. “Oh nandito si Miss ganda, anong atin?” sabay punas ng pawis nito. “E delete mo yung nangyari kahapon, alam mo bang kalat na kalat sa social media.” “Bakit ko naman buburahin?” “Dahil ikaw ang may pakana nito! Alam mo bang nananahimik ako? Ha?” “Talaga? Ako o ikaw?” may kinuha siyang papel sa kaniyang bag it ibinigay sakin. “Ikaw nag umpisa lahat kaya huwag mo akong sisihin. Yan yung papel na binato mo sa akin.” “Anak ng! Hindi ako ang nagbato nito, sakto lang na binuksan ko ang bintana at may bumato sa akin kaya nahulog sayo.” “Nahulog ka saakin?” Sabay ngiti nito. “Huwag mo akong pinagloloko. Umayos ka,” “Seryoso naman ako sa’yo.” Kinuwelyuhan ko naman ito at nagbanta. “Burahin mo kung hindi, tatamaan ka sakin.” Sabay alis ko. Pero hindi paman ako nakakalabas ay bigla itong sumigaw. “May tama na nga ako sa’yo.” Sabay kantiyaw ng mga kaklase niya. Panira talaga ng araw ang lalaking ‘yun. Lintik lang! Nakasalubong ko naman si Betsay at bigla akong hinila. “Hoy, saan moba ako dadalhin? Alam mo namang sira na araw ko ngayon.” “Agatha makinig ka sakin, ang dami mo ng problemang haharapin. Yung pagsampal mo kay Marco tapos ito ngayon sinugod mo siya.” Sabay pakita ng phone niya na trending na naman kami. “Alam mo bang Lolo ni Marco may-ari ng University na ito? At alam mo bang Principal Mommy niya dito? Lagot ka talaga pag nakarating to. Agatha naman…” “Sorry, hindi ko naman alam. Ayaw kong malaman ni Papa lalo na ngayon baka e report ako.” Naku naman Agatha, ano ba itong pinasok mong g**o. Patay tayo diyan ehhh… Pagkatapos ng boung maghapon na klase ay wala talaga akong natutunan. Hindi ko alam, iniisip ko si Papa, yung Marco, yung may-ari nito at lalo na ang Mommy niya na Principal dito. Nasa hallway ako ngayon naglalakad, mauna na akong umuwi dahil gagabihin pa si Betsay sa klase niya. May tatlong babaeng humarang sakin at binuhusan ako ng milktea at spaghetti sa ulo. “Yan ang nababagay sa’yo. Ambisyosa mo!” “Teka nga, sino ba kayo? At anong karapatan niyong buhusan ako?!” “Hindi mo ako kilala? Im trisha, Marco’s girlfriend.” Ngiti nitong plastic. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa, napansin niya naman ito. “Ganda ko diba? Well, Lagot ka talaga sa Mommy ni Marco pag nalaman niya to.” Ipinakita niya sa akin ang video ng pagsampal kay Marco. “Sandali.. Hindi ko naman ‘yun sinasadya.” “Kung ako sayo, magbalot balot kana baka mapa-alis kana sa University na ito.” Sabay alis nito kasama mga alipores niya. Hindi to pwede, pinaghirapan ni Papa na pa-aralin ako dito. Kailangan kong gumawa ng paraan. Hindi muna ako umuwi at hinanap si Marco, ang daming nakatingin sa akin dahil sa itsura ko. Bahala na, kailangan ko tong gawin para sa akin at kay Papa. Nakita ko naman ito sa Parke ng University kung saan kada hapon ay maraming tumatambay na ibat ibang Schools department. Kasama niya mga ka team niya na nagtatawanan. “Marco! Marco Alvarez.” sigaw ko sa kaniya. At lahat sila ay napatingin sakin dahil sigaw ko at tumatawa dahil sa itsura ko. Agatha ibaba mo muna ang pride mo, kailangan mo ito ngayon. Nagpaalam mona saglit si Marco sa mga kasamahan niya at lumapit sa kaniya. "What? Disturbo ka sa meeting ko. Ano bang kailangan mo?" "Doon sa nagawang kasalanan ko sayo, yung pagsampal? Im sorry, hindi ko sinasadya. Nabigla lang ako." "Marunong ka pala non? Akala koba palaban ka? Ano? Nahulog kana ba?" sabay taas baba ng kilay nito. "Hindi noh.. Asa ka naman. Ang akin lang madelete yung video baka makarating sa Lolo o Mama mo, ma droped out pa ako. Sayang naman scholarship ko." "Yun lang ba? Wala yun… Basta ba kiss moko." sabay nguso nito. "Bahala kana nga, seryoso yung tao." Umalis nalang ako doon dahil wala rin lang naman napala ang pinunta ko. Ang hangin din ng taong yun. Kiss niya mukha niya hmp! Gusto ko lang naman humingi ng tawad doon sa nagawa ko, hindi ko mapigilan lalo nat binastos niya ako tsaka makarating pa kay Papa. Pagkatapos ng klase ay dumiretso agad ako sa faculty dahil pinapatawag ako ng isang teacher. "Yes Ma'am?" "Pakihatid nitong Lesson plan sa Principal's office." Ano? Naku lagot na! Patay talaga ako nito sa Mommy ni Marco. Jusko, ikaw na ang bahala sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok tsaka pumasok. Pagpasok ko walang tao kaya inilgaya ko nalang ito sa desk ng Principal. Ang kaso papalabas na sana ako ng bigla akong magulat dahil sa isang tinig… "Hi Ms.Sira." "Ano ba? Papatayin mo ba ako sa gulat ha?! Ano bang ginagawa mo rito?" Hawak-hawak ko pa ang aking dibdib dahil sa gulat. "Anong masama? Anak ako ng Principal kaya okay lang na nandito ako?" sabay tayo nito sa kinauupuan at dahan dahang lumapit sa akin. Ako naman itong atras ng atras sa tuwing siya ay palapit. "Wa..wala ka bang klase?" "Wala." Dahan dahan parin itong lumapit sa aking hanggang napasandal na ang aking likod sa pintuan. Ilang layo nalang ang mukha niya sa akin at tinitigan ako sa mga mata. "Ang ganda mo pala noh? Ang kaso ang sungit mo. Ang sarap mong paglaruan." "Hoy kadiri ka! Hindi ako laruan no. Isa pa, sabi ko nga sayo hindi kita type." Mas lalo pa siyang dumikit sakin at ako naman ay naiipit. "Anong sabi mo? Kung halikan kaya kita? Hindi pa din type?" "Hind.." Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng bigla ako nitong halikan sa labi. As in omg! First kiss ko yun. Dahil sa gulat at galit ko ay bigla ko siyang tinulak. "Ano ba! Wala kana ba talagang magawang tama?! Nananahimik ako tapos ikaw itong nanggugulo. Gusto kong humingi ng tawad sayo pero pinaglalaruan mo naman ako, tapos ito ngayon? Huwag mo akong itulad sa mga babaeng nakilala mo o naging jowa mo dahil iba ako sa kanila." agad na akong lumabas doon at tumakbo papuntang faculty. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Epekto ba ng pagtakbo? Galit? Hindi ko alam. Hanggang sa pag uwi ng bahay at pagtulog ay hindi parin mawala wala sa isip ko ang nangyaring yun. Nagustuhan ko yung kiss na nanghihinayang kasi saglit lang? Ano kaba Agatha. Ano na bang pumasok sa kokoti mo? Mas maaga kailangan mo ng umiwas sa kaniya. Mapapahamak ka lang diyan sa ginagawa mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD