(ERICKA DEL CARLOS’ POINT OF VIEW) TATLONG araw na kaming nagtatago dito sa tahanan nila Irhana pero hindi ko pa rin makalimutang ang huling pag-uusap namin kasama si Azazel, kung paano niya muntikang saktan si Zenrick. “Masyado pa yatang maaga para tumingin ka madilim na view,” lumingon ako at nakita ko si Irhana. Mahina akong ngumiti sa kaniya at saka bumuntong hininga. “May iniisip lang ako,” sabi ko sa kaniya. “Tungkol iyan sa sumpa ni Azazel diba?” tanong niya sa akin, tumango ako sa kaniya at yinakap ang sarili ko dahil sa lamig. “Pakiramdam ko sobrang pabigat ko na dahil doon, lahat na lang kayo parang pinoprotektahan ako kahit ang dapat niyong gawin eh patayin ako,” sagot ko sa kaniya. “Dapat nga pinapatay ka namin pero inosente ka eh, tama si Zenrick. Hindi ka dapat nadamay sa

