(ERICKA DEL CARLOS’ POINT OF VIEW) PAGKATAPOS naming mag-ayos ay kumain kami ng masarap na pansit cabagan. Tuwang - tuwa ang mga pinsan at pamangkin ko kay Azazel, nakikipaglaro kasi siya na para bang isa lang siyang normal na tao. He was so happy, hindi nagtagal lumapit sa kaniya ang 2 years old kong pamangkin. Agad naman n’yang binuhat ito at saka nilaruan. Napangiti ako, kung sakaling iwanan ko man ang anak namin. Alam kong magiging mabuting ama siya, regardless pa kung demonyo siya o ano pa. Habang pinapanood ko sila ay may pumasok na vision sa utak ko. Muli ay nakita ko ang lalaking iyon. Hindi malinaw ang mukha niya pero kasama ang isang sanggol. Buhat – buhat niya ito habang tumatakbo sila sa maluwag na garden. Nagtatawanan silang mag-ama, nakita ko ang sarili kong nakangiti haba

