Jaiden pov
Engineer Galanza invite me sa isang event sa Batangas. Hindi ko pa alam kung anong klaseng event dahil ang sabi niya isang surprisa daw. At sinabihan pa ako na old look ang isusuot ko. I have an idea na baka naroon si Adette. Ano naman kaya ang magiging reaction kapag nakita niya ako. Sakay sa aking bagong black BMW XM na recently ko lang nabili mula sa showroom ng asawa ni Engineer Zhykher Cruz. Maaga akong nakarating sa Batangas Racing Circuit. Hindi naman halatang excited ako kaya hinintay ko silang lahat sa isang VIP coffee shop.
"Woaaahhhhhh the son of invisible creator is here. Hindi ka naman atat na makita ang taong ipakilala namin sayo Eng. J.A. Sa muling pagtutuos ikaw ba ay nakahanda na mandirigmang espanyol?"pang-aasar pa ni engineer Della Torres.
"Huwag nyo nang asarin pre arat na. Tingnan natin kung ano na ang magiging reaction ni kapitan unggoy. Kakayanin kaya niya ang surprisa o ang magiging parusa."sugunda naman ni Eng. Zhykher Cruz.
Naglakad na kami patungo sa loob ng arena. Bukod sa mga kalalakihan marami akong nakitang mga kababaihan. Ang iba ay nakasuot na ng kanilang racing suit.
What the hell they are doing? They will participate a motorbike racing? I shockingly said ng makita ko ang mga asawa ng aking mga kaibigan.
Pinayagan ninyo ang inyong mga asawa na sumali sa ganyang karera? Napaka delikado nyan at buhay nila ang nanganganib.
“Relax Ashi, katuwaan nila yan. Nakilala namin sila na magaling na nilalaro ang karerang yan. Kaya buo ang tiwala namin na kaya nilang i-handle ang laro manalo o matalo man sa laban.
Bawat taon nila ginagawa yan at may mga charity silang pinaglalaanan. Bumubunot sila ng tatlong charity para mabigyan ng Ayuda. They had their motto “Give life to save life”...zhykher said.
At ang sabi ng aking mahal na asawa kapag sinaway. “Nunca te rindas ante las adversidades. Hay que seguir adelante y tener la fe de que todo estará bien.(Never give up in the face of adversity. You have to keep going and have faith that everything will be okay.)”sabat naman ni atty. Aragon.
May hinagis na susi ang asawa ni Engineer Della Torres sa isa babae. I was shocked seeing her again. Princess Bernadette San Jose? Kasama ba siya sa karera?
“Yes tama ang nakikita mo. The abandoned princess is alive. Huwag kang gumawa ng maling hakbang dahil kilala mo ang mga taong nakaprotekta sa kanya ngayon. Nasurprisa ka ba? May kasabihan tayo eh “Don't tell people how to do things, tell them what to do and let them surprise you with their results.”
Makikita mo ngayon kung anong klasing pagkatao na ang babaeng pinahirapan mo.”Engineer Cruz said. Hindi pa ako nakita ni Adette dahil nasa likuran ako ni Guerrero at Della Torres.
Nakita ko si Governor Galanza na kinausap niya si Adette. Dumipa pa ito para magpayakap. “Sh*t f*ck you Galanza don't touch my woman”mura ng isip ko. May binulong sa kanya si Atty. Aragon.
“Guys, Let's welcome Engineer Jaiden Acevedo,”sigaw ni Eng. Guerrero.
Nakita ko ang labis na pagkagulat sa hitsura ni Adette. Agad namang lumapit si governor Galanza sa kanyang gawi. Niyapos ito at may mga sinasabi na tila parang pinapakalma niya Si Bernadette.
“Adette let's go huwag mong isipin ang mga walang kwentang tao sa buhay mo. Huwag mo silang gawing kahinaan. Ipakita mo ang tunay na kagitingan ng isang maharlika. Itaas ang bandila ng Mexico. Galingan mo babae dahil makikipag-date ka pa kay Monroe Nieves.”malakas na sabi ng asawa ni Atty. Aragon.
Sumampa na si Adette sa kanyang motor at inayos naman ni Mrs. Galanza ang kanyang helmet. Sa totoo lang ang astig niyang tingnan. Ngunit hindi ko naman kayang iwasan ang kabahan. Natatakot ako sa pweding mangyayari, napakaliit pa ng aming anak. Hindi ba niya iniisip ang kanyang maliit na anak. Paano kung may masamangangyayari sa kanya?
“Kinakabahan ka Ashi? No'ng pinapahirapan mo ba siya at tinatrato ng hindi maganda naawa ka ba? Nakita mo ba ang worth niya bilang babae? Ginawa mo siyang parausan kahit siya ang pinaka-pangit na babaeng nakilala mo. Katawan niya lang naman kasi ang iyong pinagnasaan, am I right Engineer Jonin Ashi?
Shut up Governor Galanza, huwag mong kalimutan na ako ang pinagkaisahan ninyong lahat. Ako ang nasa bingit ng kamatayan at hindi nyo pa pinaalam sa akin na magkakaanak na pala ako no'ng nasa kasagsagan ako ng digmaan. Nakikipaglaban ako para ipaghihigante ang mga magulang ni Adette at ang pagkamatay ng aking ama.
“Tumahimik nga kayo, ang ganda ng laban oh tapos sa bangayan kayo naka-focus,”sabi ni Gian.
Kaya napatingin ako sa malaking screen. Nakita kong nangunguna nga si Adette. Habang nakatingin ako sa screen wala sa isip na naglalakad ako papalapit sa finishing line. And yes she did it, naipanalo ni Adette ang kanyang pakikipag-karera sa mga pro.
But when she park her motorbike at nang makababa na siya. Nakita kong hinawakan niya ang kanyang ulo. Oh sh*t what happen to her? Kaya tinakbo ko kaagad ang gawi niya. Right on time when I catch her she collapsed kaya naisigaw ko ang kanyang pangalan.
Binuhat ko kaagad si Adette para dalhin sa clinic.
Umaalalay naman ang aming mga kaibigan para makadaan ako ng maayos. Ipinasok ko kaagad si Adette sa loob ng clinic. At mabilis naman na inaasikaso ng doctor at mga nurse si Adette.
F*ck what happen to her? Paano nalang kung naaksidente siya? She's still lucky dahil naiparada pa niya ang kanyang motor before she collapsed.
“Doc, how is she?”si doctora Sanjela.
“Luhhh parang naulit yong nangyari sa airshow mo noon Afza. Pero buntis ka noon sa panganay mo kaya ka nahimatay. Si Adette kaya buntis din?”tanong ng asawa ni Eng. Della Torres.
What the hell she's talking about? Hindi magandang biro ang kanyang sinasabi.
“Huwag kang maingay kikay dahil baka may isang nais mag-collapse din sa mga isiniwalat mong balita,”sigunda naman ni doctora Sanjela.
Cómo unió Dios a estas mujeres? Por qué sus comportamientos son casi idénticos? Paano ba pinagtagpo ng diyos ang mga babae na ito? Bakit halos magkapareho ang kanilang mga pag-uugali? Pati mga asawa nila mga team ng engineer's napasama pa ako. Dios por santo mi amor Jesus bakit mas gumulo yata ang mundo ko.
“Ano na Engineer Ashi napapatae ka na ba dyan sa kinatatayuan mo?”governor Galanza asked. Kaya sinamaan ko ito ng tingin, dahil ang lakas mang-asar. At talagang tinawanan lang ako ng siraulo.
“Hindi yan kumain ng almusal kaya hinimatay sa gutom. Idagdag pa na narito si Jonin Ashi a.k.a Jaiden Acevedo.”sabi ni Mrs. Aragon.
“You mean naghalo ang gutom at stress ng prinsesa love?”Atty. Aragon asked his wife.
“Exactly dahil nakaka-stressed naman talagang tingnan ang pagmumukha ni Jaiden/Jace/Jonin hahaha”pambubuska pa ni Governor Galanza.
“F*ck you Eng. Galanza!”
“No thanks man I'm satisfied with my wife,”sagot pa ng kumag.
Nagsitawanan naman ang iba naming mga kaibigan. Sa inis ni Queen pinaalis kaming lahat sa silid kung saan naroon si Adette. Naalala ko ang sinabi ni Queen na hindi kumain ng almusal Si Adette kaya ito mag-collapse. Kaya sumakay ako ng aking sasakyan para bumili ng pagkain sa labas. Bumili ako ng mainit na tinapay sa bakery, at mga soft drinks. Sa isang restaurant bumili na rin ako ng mainit na kanin at karneng may mainit na sabaw.
Pagdating ko sa clinic imbis na tulongan nila ako sa aking mga bitbit pinagtatawanan pa.
“Kapag hindi yan kinain ni Adette kami na kakain nyan bro.”si Cruz.
“Amin na yan, ngayon pa lang dapat lantakan na natin dahil hindi naman talaga kakainin ni Adette yan.”si Guerrero.
Mga lukoloko ang mga ito eh, inimbitahan ako para pakainin sila.
Ang mga girls na ang kumuha sa premyo ni Adette. Pati sa cash na kanilang napanalunan sila na rin ang nag-claim. Kailangan kong kausapin ang reyna. Ayoko ng maghintay pa ng siyam-siyam bago umaksyon.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Adette. Naroon pala ang mga kababaihan. Since magkaibigan silang lahat magpapaalam nalang ako sa kanilang lima.
“Pinapayas kana ng Reyna uy, baka ka pa bumalik?”Mrs. Galanza said.
Nais ko sanang humingi ng pabor sa inyo na payagan akong iuwi ko si Adette sa aking bahay para ayusin ang gulo sa pagitan namin. “Luhhh para pagsamantalahan mo na naman ang kanyang kahinaan?”si Mrs. Guerrero.
No, no, of course not! I know nobody trust me. But please give me one more time to clean the mess that I've done.
“Okay! Isang pagkakataon lang ang ibibigay ko Engineer Ashi. At huwag kang gumawa ng maling hakbang. Alam mo ang iyong kahihinatnan kapag nilabag mo ang ating kasunduan.”the queen said.
Maraming salamat Mrs. Aragon ipinapangako ko na wala akong masamang gagawin sa kanya.
“Okay aalis na kami, wala na kami sa posisyon para saklulohan ka kapag bumuga ng apoy ang prinsesa.”dagdag pa niya.
Kaya kami nalang dalawa ni Adette ang naiwan sa clinic. Umabot na ng 1 hour hindi parin ito nagising. Kaya nagpaalam na lang ako sa doctor na iuuwi ko na sa bahay ang aking prinsesa. Pinayagan naman kami dahil wala naman daw problema sa kanya. Kailangan lang ni Adette ng pahinga.
“Pwede bang mag pahinga sa mga melodiya mong kanta, kasama ka
Nais Kong sumandal sa balikat mo habang inaantay ang pag sapit ng Umaga.
Sa bawat pintig ng musika sumabay ang mga huni sa kapaligiran, naka tingala sayong mga ngiti na sya kung pahinga.
Sa bawat pag dampi ng kamay mo sa ulo ko, hinihintay na dumampi ang mga labi nais kung pumukit maramdaman lang Ang halik na bumuhay Kay Cinderella nais kung ihalintulad anv kwento nating dalawa sa aking pag papahinga.”I whisper while driving.