Third person pov
Naghilom na ang mga sugat sa mukha ni Addete ngunit ang mga bakas ng hiwa ay nanatili. Kailangan nalang niya ay kulayan ang kanyang blonde hair at lagyan ng lens ang kanyang mga mata.
Nanay Amanda kunti nalang po ang pera natin kaya kailangan ko na po na gumawa ng paraan para magkapera tayo.
“Patawarin mo si nanay Amanda Adette dahil wala akong magagawa sa'yo. Hindi tayo pwedi humingi ng tulong sa pamilya ko dahil makikilala nila tayo. Sigurado na inabangan nila ang ating pagpunta doon,”sabi ng matanda.
“Nanay Amanda kakayanin natin ito basta walang iwanan. Hangga't alam kong nariyan kayo para suportahan ako gagawin ko ang lahat mabuhay lang tayo nanay,” determinadong sabi ni Adette.
Kapag lumabas si Adette nagsisimula nang mambully ang mga kabataan. Tinatawag na siyang mangkukulam dahil sa kanyang bagong kaanyuhan. Naroon ang binabati siya ng tsinelas, kahit, lata at kung anu-ano pa. Kailangan na niyang magsuot ng face mask para hindi pandirihan.
“Amanda, Amanda may ibabalita ako sa'yo. Sa syudad na pinagtatrabahuan ng asawa ko sa isang malaking mansion. Naghahanap daw sila ng isang katulong sa bahay. Taga linis, taga laba, at taga asikaso ng bago nilang amo. May isa namang babae na namamahala doon. Dahil nga malaki ang mansion kailangan niya ng katuwang. Mangkukulam daw yata ang amo nilang iyon dahil hindi pa nakikita ang ganyang hitsura,”sabi ng kanilang kapitbahay.
“Magkano daw po ang sahod?”tanong kaagad ni Adette.
“Adette anak di bali kong magkano ang sahod basta marangal na trabaho at kahit paano magkakasahod ka,”sabi naman ng yaya ni Adette.
“Ay oo nga po aling Rosing, hindi na kailangan kong magkano basta marangal at hindi ako mapapahamak. Nay, kaya mo bang maiwan dito? Baka minsan po hindi ako pauwiin ng amo ko.”sabi ni Adette.
“Huwag mo akong alalahanin anak, kaya ko ang sarili ko. Basta ikaw mag-iingat ka lang palagi dahil alam mo naman ang situation natin,”paalala ng matanda.
“Sige sasabihin ko na sa asawa ko para bukas maisama kana niya sa mansion ng amo nila,”sang-ayon naman ng matanda.
~ooo0ooo~
Kinabukasan nga ay isinama na ni mang manor si Adette.
“Pwedi po Tay Kanor nalang ang itatawag ko po sa inyo?” Walang problema hija, kasing edad mo na rin naman ang anak kong si Craven na nagtatrabaho sa maynila.
“Maraming salamat po Tay Kanor kayo lang po ang maituturing kong pamilya dahil wala na akong pamilya e bukod kay nanay Amanda,”malumanay na sabi ni Adette.
“Basta anak mag-iingat ka lang palagi, dahil ako man din ay hindi ko pa nakikita ang hitsura ng pinaka-amo natin dahil para siyang may mahika na hindi nakikita pero nariyan lang siya nakamasid. Palagi kong nakikita ay ang kanyang mga tauhan at ang may kaedaran na rin na mayorduma sa mansion na si Lita. Mukhang mga malaking tao sa lipunan ang mga nasasakupan ng pinaka pinuno. Dahil sa tuwing may pagtitipon-tipon ay talagang mga bigatin ang dumating,”salaysay pa ng matanda.
“Nay pwedi po bang Josie nalang ang itawag ninyo sa akin? Ayoko pong may makaalam na Adette ang pangalan ko dahil manganganib po ang buhay ko.
“Oh sige Kung iyan ang gusto mo, ikaw ang masusunod anak.,” Salamat po Tay Kanor.
Pagdating nila sa bahay hindi na bago kay Adette ang ganito kalaking mansion dahil simula't sapol pa lamang ay manirahan na siya sa isang palasyo. Simple lang niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng lugar at hindi man lang nakikitaan ng pagkalulan at pagka mangha. Maganda ang disenyo ng mansion pero wala masyadong mga halaman ang paligid.
Pinindot ni Kanor ang doorbell at agad naman silang pinagbuksan ng mayorduma na si Lita.
“Oh Kanor ito na ba ang dalagang nagtatrabaho dito sa mansion?”tanong ng mayorduma.
“Oo Lita ito si Josie ang magiging katuwang mo sa gawaing bahay. Ituro mo nalang sa kanya ang kanyang mga dapat gawin. At ipaalam mo na rin sa kanya ang mga ipinagbabawal sa lugar na ito,”sabi ni Kanor.
“Oh sige mabuti naman, ako na ang bahala sa kanya. Hija ihahatid na kita sa silid nating dalawa. Mamayang kunti ituturo ko sa'yo ang magiging trabaho mo. Ako ay natuwa dahil may katuwang na ako dito sa gawaing bahay,”lintanya ng matanda.
“Maaari ko bang makita ang iyong hitsura hija,”dagdag pa nya.
Kaya tinanggal ni Adette ang face mask na suot.
“Ay panginoon ko, anong nangyari sa'yo hija at mukhang bago pa ang mga peklat mo? Naaksidente ka ba?"gulat na sabi ng matanda.
Opo ma'am! Naaksidente po ako at ito ang pinsala na aking natamo. Mahirap lang po kami kaya hindi po namin afford ang laser treatment para matanggal ang peklat,”sagot ni Adette.
“Kahit paano ay may hitsura ka, at ang peklat na yan ang sumira sa maganda mong imahe. O sige hija magpahinga ka muna at ako ay pupunta muna sa kusina. Ihahanda ko muna ang pagkain sa amo nating salamangkero,”sabi ng matanda.
“Po?”
“Hindi nakikita ang hitsura ng ating amo kaya sinabi kong siya ay isang salamangkero. Pero mag-iingat nalang tayo hija at huwag makialam sa kanila. Ang trabaho natin ang kailangan nating na pagtuunan ng pansin. Maraming mga bisita na dumadayo sa mansion na ito. Kung ano man ang makikita o marinig mo huwag mong pansinin. Mag-iingat ka sa mga kilos mo dahil bawat anggulo ng bahay na ito ay may nakasabit na cctv. Alam mo ba kung ano ang CCTV hija?
“Opo ma'am alam ko po Yan,”sagot ni Adette. “Huwag mo na akong i-ma'am Adette dahil tayo lang dalawa ang narito at magkatuwang sa gawaing bahay. Nanay lita nalang ang itawag mo sa akin.
“Opo nay lita salamat po!”pasasalamat ni Adette sa matanda.
“Walang anuman hija,”sagot naman ni Lita.
Nakahinga si Adette sa kanyang higaan. Biglang nag-flashback kayang mga ala-ala ang mga masasamang sandali nung nakasama pa niya ang kanyang mga magulang. Bilang nag-iisang anak ng isang malaking palasyo. Masaya siya dahil hindi siya hinihigpitan ng kanyang ama. Kapag siya ay lumalabas marami ang bodyguard's na nakabantay pero nakadistansya lang sa kanya. Malaya niyang nagagawang pumasok sa pinakasikat na university sa Mexico para mag-aral bilang isang doctor. Nakapagtapos siya bilang hormones at diabetes doctor.
Kinapa niya ang kanyang mukha. Kung buhay pa lang sana ang kanyang mga magulang hindi niya mararanasan ang ganito kahirap na sitwasyon. “Kung buhay palang sana kayo mommy at daddy hindi masisira itong aking hitsura. siento las dificultades(naramdaman ko ang hirap). Bakit ninyo ako iniwan sa ganitong sitwasyon? Hindi na ako nakakagalaw ng malaya. At palagi na akong nakikipag-habulan kay kamatayan. Gusto nang sumuko ang kabilang bahagi ng utak ko dahil nahihirapan na ako. Ngunit ayaw namang sumuko ang kabilang bahagi ng aking utak dahil nais ko pang alamin kung ano ang hiwaga ng inyong lihim na itinago sa akin. Gusto kong tuklasin kung bakit hindi nila ako hinayaan na mamuhay ng tahimik. At higit sa lahat gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ninyo. Kung ang aking buhay ay kumakatawan man sa buhay ng pusa. Mabubuhay ako sa pitong pagkakataon at sisiguraduhin kong makikita at makakaharap ko ang kriminal na yon.
Hindi mawaglit sa kanyang isipan kung ano ang tunay na posisyon ng ama sa lipunan. Bakit nila ito pinatay kasama ng kanyang ina. Ano ang kanyang koneksyon sa mga taong humahabol sa kanya? Nilisan na niya ang palasyo pero bakit nakabuntot parin ang mga ito sa kanya. Ano ang nakatago sa katauhan ng mahal na hari? Ito ang paulit-ulit na naglalaro sa kanyang utak.
“Balang araw makakaharap rin kita!”