Isang maaliwalas na umaga, umagang naghahatid ng bagong pag-asa. Nagising si Jonin sa sinag ng araw. Ipinadpad sila ni Adette ng malaking alon sa isang isla na may mga mayayabong na puno. Sumakit ang kanyang ulo wala namang malalang sugat na natamo pero may mga galos ang kanyang braso. Naalala niya si Adette kaya napabalikwas siya ng bangon. Nakita niya sa unahan ang dalaga. “Adette, Adette, oh sh*t wake up princess.”sigaw ni Jonin. Tiningnan niya ito, nakahinga siya ng maluwag ng makitang humihinga pa ito. Ngunit labis naman ang kanyang pag-aalala dahil inaapoy ito ng matinding lagnat. Saan siya hihingi ng tulong? Binuhat ni Jonin ang dalaga at dinala sa may damohan. Tinanggal ni Jonin ang suot nitong t-shirt at piniga ng husto ang tubig. Tanging bra nalang ang suot ni Adette na naka

