chapter 16

1732 Words
Third person pov Habang nagwawalis ng bakuran si Esojia nakita niyang palabas na ang kanyang amo. May meeting yata itong dadaluhan kaya nakapustora ng business attire. “Hayop na nilalang kahit pangit pinapatulan, matigok ka sanang ogag ka,”mura ng kanyang isipan. Sa isang mayabong na halamanan nakita niyang bigla itong gumalaw. “There you are!”anas ng kanyang isipan. Nakakoble ang isang sniper na nakaumang ang baril at handa ng barilin si Jaiden na nakatayo malapit sa sasakyan habang kinausap ang driver nito. Sa mabilisan na galaw dinampot ni Esojia ang isang may katamtaman na laki ng bato. Agad niyang sinapul sa ulo ang lalaki. Nakalabit man nito ang gatilyo ng armalite pero umiba ang direction dahil sa pagtama ng bato sa batok nito. “Dapa senyorito dahil may mga kalaban,”sigaw ni Esojia sabay gapang papalapit sa armadong lalaki. Kailangan niyang magpakitan gilas para isama siya sa mga transaction nito. Pinulsuhan ni Esojia ang lalaki ngunit wala na itong malay. Patay na o buhay pa ito hindi siya sigurado. Lumingon siya sa likurang bahagi para tingnan kung may back up ba ito. Hindi siya nagkakamali may back up ngang paakyat na sa pader. Agad niyang inumang ang armalite at binaril ito sa ulo. Umakyat siya sa puno para makita ang mga armado sa likuran ng mataas na pader. Naroon nga ang isang itim na van na sinasakyan ng mga ito. Pinagbabaril niya ang mga armado. Nagmamadali naman itong tumakas pero sa kasamaang palad natamaan pa niya ang isa sa mga ito. Sa loob ng kabahayan nagpanic naman ang mga gwardiya sa paghahanap ng mga armado. Inutos ng kanilang amo na halughugin ang bawat sulok ng kabahayan. “Damn it woman, what do you think you are doing?”sigaw ni Jaiden habang nakatingala sa ibabaw ng puno kung saan naroon si Esojia. Wala na sila senyorito nakatakas na yung iba pero may isang naiwan at buhay pa yata. Nakapamaywang ang aking amo habang nakatingala sa pinag-akyatan kong puno. “Bumaba ka dyan Esojia, what the hell are you doing woman. How you climb up to that tree?”jaiden asked. Inakyat po, alangan naman kung langoyin ko. Kung magtanong po kayo ay parang paslit na makulit. Tanong ay paulit-ulit kapag sagot ay hindi sulit o di kayay binara mo nagagalit. “What?” Ay wala po, sabi ko Magda-dive na ako. “Esojia! Damn it woman! Are you crazy? Why the hell you jump?”sigaw ni senyorito Jaiden. “Senyorito naman napaka OA nyo pala, ang baba lang naman ng tinalon ko nagpa-panic na kaagad kayo. Takot kayong mawalan ng kaana-ana noh?”bulong ko sa kanya? “What? What do you mean?”he shouted. Hay naku wat-watin mo sarili mo senyorito ang labo mong kausap. Dyan na nga kayo, linisin ninyo ang kalat bago may dumating na parak. May nakita pa naman akong marites na nakatingin kanina pa. Baka isuplong kayo sa kapulisan at maging dahilan pa ng inyong pagkakulong. “What?” Hay naku wala kayong ibang alam kundi what at what. Bumalik po kayo sa nursery para matutunan nyo na ahhh ehhhh ohhhh ohhhh uhhhhh. Ay magaling po pala kayo sa ahhh ohhh kaya hindi nyo na kailangan ang bumalik sa nursery. “What?” Senyorito mag-diet na po kayo sa what tabang-taba na kayo sa letrang yan. Wh-huwag nyo nang ituloy sir lalayas na ako. Ang mga gwardiya naman niya ay pigil na pigil ang pagtawa dahil sa bangayan namin ni senyorito Jaiden. Itinapon ko ang baril at agad na umalis sa harapan ni senyorito. Kapag mananatili pa ako baka maghapon pa kaming magbabangayan. Ogag din pala ang taong ito, walang kwentang kausap. Mahina sa alphabet pero magaling sa Kamasutra. “Hey Esojia wait!”he shouted. Saka na tayo mag-uusap senyorito may trabaho pa akong gagawin. “Esojia stopped!”sigaw niya. “Stop look and listen sir!”sabay saludo ko sa kanya. “Who are you?” Luhhh ilang ulit ba ako kailangan na magpakilala sa'yo senyorito? “What?” Ayan na naman tayo sa what, what na yan po. Nakakaumay naman ang mga letrang yan. “I asked you, who are you?” I am Esojia de Makatulog sir. No rest , no test, but single and ready to mingle. Kaloka gusto mong baliw na sagot huh, ngayon bear with me senyorito. Bubulong-bulong kong sagot dahil naiinis na ako sa taong ito. “How did you learn about using a gun? And how did you manage to climb that f*cking tree?”sigaw niyang tanong. Oh my goodness napakalaking palaisipan pala sa kanya ang aking pagiging unggoy. Sir, ako po ang criminology student noon at dahil sa pahirapan ay hindi na po ako nakapagtapos sa aking pag-aaral. Nasa ika apat na taon na po ako ng ako ay huminto. Ang pag-akyat po sa puno ay kasama na po yan sa training na aking nilampasan noong ako ay nag-aaral pa. Kasama na rin ang martial arts sa aking pag-i-ensayo. Ang aking mga natutunan ay sapat na kaalaman para iligtas ang aking buhay sa kapahamakan. Pwedi na po ba akong umalis senyorito? May mga naantala pa po akong mga gawaing bahay na kailangan kong tapusin. “Starting today you will be my personal bodyguard. We will hire someone to help Lita to her household chores,”po?gulat ko kunwari na tanong. “I don't like to speak twice. Okay you may go now!”sagot niya,”maldito niyang sagot. Antipatiko ka talagang kuwago ka, ikaw nga eh nakailang what what ka. Revenge agad ganurnnn. Tandaan mo na kung may kahapon at ngayon tiyak ay may bukas din. Agad kong tinapos ang aking mga gawain para makapagpahinga man lang saglit. Grabeh si nay Lita ang daming mga katanungan tungkol sa pakikipag barilan ko. Hindi daw siya maka-paniwala na ang isang katulad ko ang marunong makikipag laban. Messenger.... Jace Acosta: “Hi love! How are you? I miss you!” he chatted. O my god kung sino ka man kinilig ako sa'yo. Bakit ba ang gaan ng loob ko sayo, pwedi na ba kitang patulan. Jace Acosta: “Grabeh seen lang? Hindi mo ba ako na miss? I really miss you love. May asawa ka na ba at ayaw mo akong pagtuunan ng pansin? May pamilya ka na ba kaya ayaw mong nakawin ko ang iyong attention? I'm sorry if I feel like this to you. Magaan lang talaga ang loob ko sa'yo at parang malapit ka lang sa puso ko,”he said. Me: Oo may pamilya na ako, may asawa at mga anak. Pero depende na sa akin kung magpapanakaw ba ako sayo o hindi. Jace Acosta: “Really may pamilya ka? Alam mo bang nakahanda akong lumabag sa batas at sa mata ng diyos para lang manakaw at maging akin ka. Me: Boliro mo naman, sagad naman ang pagiging boliro mo Mr. Acosta. Jace Acosta: Hey, I'm not boliro. Me: Okay sabi mo eh. Gc muna ako makikipag-marites sa mga nasasakupan mo sir. Jace Acosta: Okay love, busy din ako may mga gagawin pa ako dito sa office ko. Chat you later! Iove you. “Shocks ang bilis naman niya.” RR GC.... Nagpaparinigan na naman sila. Sikat talaga ang taong 'to sa pagiging checkboy. Huwag daw hamunin si Girl dahil magkapitbahay lang sila ng ex niya. Kapag ginalit at sinapian siya mas lamang siya dahil pwedi niyang lusobin sa bahay at makikipag____naku po pwedi yon. Masarap bang magmahal ng multiple women to have multiple choices? Linya na yan ay palagi kong naririnig, hindi ka na ba magbabago boy panot. Dalawang biglang natahimik at pasimpling lumayo. Pagkakaibigan na binuo ngunit dahil sa pakikipagbiruan nawawasak ang magandang samahan. Naging sensitive dahil sa isang lalaking kinagigiliwan. Maling akala man kung tawagin ngunit nahahalata sa kanilang mga pananalita na may ibig sabihin ang bawat kataga. Ang simpling paglayo ay simpling paghatid ng tahimik na mensahe na may mga bagay na kailangan iwasan o iwanan. Walang wastong ebedinsya para idiin ang kaibigan na kanilang pinaghihinalaan. Kaya sa simpling pasaring sila naghahatid ng mensahe. Ang akala nila ito ay hindi nahahalata ngunit dahil sa angking wisyo ng isa natutumbok ang kanilang patutsada. Nabubuo ang magandang samahan sa isang magandang communication. Araw-araw mong nakakasalamuha, kinakamusta at kabiruan. Kung wagas ang iyong pagmamahal sa isang kaibigan hindi mo siya kailangan na paghinalaan o pag-isipan ng masama. Maaaring ang kanyang pakikisama sa taong iyong kinahuhumalingan ay samahan lang din na kagaya ng inyong pinagsamahan. Ang matibay na pundasyon ng pagkakaibigan ay maihahalintulad sa iyong pakikipag relasyon sa isang taong laman ng iyong puso. Kailangan ang tiwala, at pananalig na mapanatiling matibay ito sa kahit anumang pagsubok. May mga kwento o haka-haka ng ibang tao na wala namang katutuhanan. Gumagawa ng kwento para lang masira ang magandang samahan. Maaaring hindi lahat ay mananatili sa mahabang panahon may aalis at may darating. May bagong makakasalamuha at mananatiling ala-ala nalang ang mga nauna. Ipagpasalamat mo nalang na minsan sila ay naging bahagi ng iyong buhay. Sa kanilang pagdaan sa iyong buhay may mga aral silang maiiwan. Hanga ako sa dalawa dahil hinihintay nilang kusang bumalik ang kaibigan na naligaw ng landas. Dumating nga ang araw na bumalik ito sa piling ng dalawa. Hindi na nila muling inungkat ang nakaraan o makibalita tungkol sa buhay na minsan nitong tinahak. Ika nga ng isa, “huwag nalang natin ungkatin pa ang nakaraan para hindi na siya mailang sa atin. Hayaan nalang natin na manatili ang kwento doon sa kung saan ito naroon. Let's respect her privacy para hindi na tayo makikipag bangayan pa. Minsan mong pinagalitan dahil minahal mo bilang kaibigan. Nang siya ay lumayo ikaw ay nagtampo pero kung ikaw ay naghihintay sa kanyang pagbalik ibig sabihin ang puso mo ay busilak dahil kaya mong burahin ang hinanakit at inis na minsan mong nadarama. Ang pagkakaibigan ay hindi lang sa oras ng kasiyahan nagsasalo, sa pighati, pasakit, pagsubok at problema din magkasama. Boss Axel calling..... Hello sir, nakapasok na ako sa plan A tumayming kasi na may lumusob at isa ako sa nagpapakitang gilas para makipag barilan sa mga armado. “Very good and be careful always, just call me if you need a back up. Alam mo ang pinasok mo kaya mas talasan mo ang iyong pakiramdam. Mataktika ang taong makakasama mo kaya higitan mo rin ang bawat taktikang meron siya,”boss Axel reminds me. Copy boss!....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD