37: Confession Napaawang ang bibig niya at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Tumatama ang sinag ng araw sa buhok niya at kitang-kita ko ngayon ang brown at makikintab niyang mga mata. Nanlalaki pa rin ang mga mata kong nakatingin sa kaniya habang nakakunot ang noo. I was dumbstruck. Iniwas niya ang kaniyang tingin, he licked his lower lip. Napasabunot siya sa sarili niyang buhok at napatingin sa 'kin bago murahin ang sarili. "Kalimutan mo na yun," sabi niya bago ako talikuran at nagsimulang maglakad. "No!" sigaw ko na nagpahinto sa kaniya. Nilapitan ko siya at tinignan sa mga mata. "Hindi ko puwedeng basta kalimutan yun." Iniwas niya lang ang tingin niya. "Ano?" naiiritang tanong ko. Inip niya ako tinignan. "Gusto kita. Gustong-gusto kita." Mas kumunot ang noo ko. Inaasah

