VI

1804 Words
Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Faye nang umalis na si Alessandro para sa trabaho nito. Kaninang umaga pa siya umaakto na tila walang nangyari ngunit paano niya naman maiaalis sa kanyang isipan ang ginawa ng lalaki kagabi? Muntik na silang… Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga nang makita ang nakakalat niyang damit sa sahig. Pinulot niya iyon at kaagad na itinapon na sa basurahan dahil maliban sa punit na ay may bahid pa iyon ng suka. Kung hindi lang dahil lasing ang kanyang Sir Alessandro kagabi, baka ngayon ay naisuko na niya ang perlas niya sa lalaki. Natangay na siya ng kanyang damdamin. Tinugon niya na ang mga halik nito at hinayaan na hawakan ang kanyang mga tinatagong yaman. Halos madadala na siya sa bawat hagod ng mga daliri nito, lalo na ang mga halik nito na sinasaliwan ng balanse ng dahas at lambing. Tsaka lang siya nahimasmasan nang sumuka ito at natilamsikan pa siya. Kaya naman manu-mano niyang tinulungan ang kanyang amo na alisin ang suot nitong robe, pinunasan, at pinatulog kagabi. Hay, naku. Tama na ang kakapantasya, Faye. Lasing lang si Sir Alessandro. Imposibleng gusto ka no’n, bulong niya sa sarili habang inaayos ang mga naiwang kalat sa living area. Pilit niyang inalis sa kanyang isipan ang kurba ng mga labi nito, o ang itim nitong mga matang tumatagos sa kanyang kaluluwa, o ang matipunong pangangatawan nitong kagabi lang ay yakap-yakap niya. Kung puwede nga lang iumpog ni Faye ang kanyang ulo sa pader ay kanina niya pa ginawa. Nang magawi sa study area ng penthouse ay tsaka niya napansin na naiwan pala ni Alessandro ang leather case na palagi nitong bitbit, siguro ay dala na rin ng pagmamadali. Kinuha niya iyon ngunit nang nasa harapan na ng telepono ay hindi niya malaman kung tatawagan niya ba ang lalaki o hindi. Makailang beses niya yatang nalunok ang sarili niyang laway bago humugot ng malalim na buntong-hininga at i-di-nial ang numero ng kanyang amo sa landline. “Hello? Faye?” Napadiretso siya ng tayo nang marinig ang baritonong tinig ng lalaki. Hindi niya maikakaila na may mahika ang tinig nito na may ibang epekto sa kanya. Ang tinig nitong parang kagabi lang ay… “Sir? Naiwan niyo po ‘yong leather case niyo sa penthouse…” “Oh, sh*t. Kaya pala parang may nakalimutan ako. Can you swing by Paradiso right now, Faye? I’m in La Traviata but I’ll try to meet you outside the bar. Pakihatid naman, please. I really need those files.” “Sige po, Sir…” Hindi niya maitago ang dismaya sa kanyang tinig nang tila wala man lang itong naaalala sa kung anong nangyari kagabi. Kaagad niyang ibinaba ang tawag. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Lasing ang kanyang Sir Alessandro noong halikan siya nito. At kung ano man ang nangyari kagabi, panigurado ay produkto lamang iyon ng serbesa. Wala nang iba pa. Isa pa, tiyak niya naman na ang tipo ng kanyang amo ay iyong marami nang nadala sa kama. Kaya ano pa ba ang dapat na ipagputok ng butsi niya? Nang makaligo at makapag-ayos ay kaagad na nag-commute si Faye patungong Paradiso. Isang jeep lang naman ang kanyang sinakyan bago marating ang pamosong lugar. Hindi niya na lamang pinansin ang mga kalalakihang tumatawag sa kanya, o ang mga kababaihang kasama ng mga ito na may maiikling suot. Itinuon niya ang kanyang pansin sa daan patungo sa sinasabing bar ng kanyang Sir Alessandro. Hindi naman nagtagal at narating niya iyon. Ngunit mas lalo lamang siyang nadismaya nang makita si Alessandro na nakikipag-usap sa isa sa mga babaeng may maiikling suot. Tatawa-tawa pa nga ang babae at tila nag-e-enjoy sa mga sinasabi ng kanyang amo. Nang makita siya nito ay bahagya itong napadiretso ng tayo at pumormal ang mukha. Kaagad nitong kinuha ang leather case. “Salamat, Faye–” Hindi niya na ito pinatapos sa kung ano mang sasabihin nito. Kaagad nang tumalikod si Faye at inihakbang ang kanyang mga paa papalayo. Mabibigat ang bawat yabag katulad ng kanyang puso. Ang kanyang pusong hindi niya na maintindihan simula noong nakilala niya si Alessandro Romano. Hindi niya alam kung saan siya dinala ng kanyang mga paa. Halos hapon na noong nilisan niya ang penthouse at naglibot-libot pa siya sa siyudad para alisin sa kanyang utak ang kanyang Sir Alessandro ngunit napagod lang siya, hindi nakalimot. Naupo na lamang siya sa may baywalk at tahimik na pinagmasdan ang papalubog na araw. Sa totoo lang, simula noong unang gabi na nakita niya si Alessandro, noong gabi na tutukan siya nito ng baril sa kanyang noo, ay naging iba na ang pakiramdam ni Faye. Dapat ay natatakot siya sa lalaki. Dapat nga ay tinatakasan niya na ito dahil hindi niya alam kung ano ba talaga ang totoo nitong agenda. Ngunit heto siya ngayon. Nagmumukmok dahil lang nakita niya itong may kasamang iba ganoong parang kagabi lang ay may muntik nang mangyari sa kanilang dalawa. Kung simpleng paghanga lang ang kanyang nararamdaman, normal ba na magselos siya? At saka, ilang araw pa lang silang nagkakasama. Estranghero pa rin sila sa isa’t isa. Malay niya ba kung– “Why are you here, Faye? Bakit bigla ka na lang umalis kanina? I was going to ask you out for lunch.” Napalingon siya sa baritonong tinig ng kanyang amo. Naaninaw niya ang sasakyan nitong nakaparada sa may hindi kalayuan. Hinubad na nito ang suot nitong coat at nakasampay na lamang iyon sa balikat nito. Wala na rin sa ayos ang pagkaka-tuck in ng polo nito. Bahagyang hinihingal ang lalaki na hindi niya malaman kung tumakbo ba o kung ano. Dahil walang ganang makipag-usap ay hindi ito pinansin ni Faye. Bagkus ay tumayo siya at pinagpagan ang likuran ng kanyang pantalon. “Kumain na ako bago umalis, Sir. Maglalakad-lakad lang po muna ako bago umuwi.” “Then I’ll go with you,” walang kagatol-gatol na sabi ng lalaki. “Sabay na tayong umuwi.” Muli niyang nilakihan ang kanyang mga hakbang para lang makalayo sa lalaki. “Huwag na, Sir. May dadaanan pa akong mga kaibigan–” “Lalaki o babae? Sasama na rin ako para maki–” “Bakit ka ba nagpupumilit, Sir?” inis na saad niya bago hinarap ang lalaki. “Wala ka bang ibang magawa sa buhay mo kaya pati mga personal kong detalye e gusto mong kalkalin?” Tumaas ang gilid ng mga labi nito, pati na rin kilay. “Bakit ba ang taray mo ngayon? Did I do something wrong?” “Wala,” malamig niyang sabi bago ito tinalikuran. Hindi naman nagpatinag ang lalaki at sinundan pa rin siya. “Sir, okay nga lang ako. Uuwi na rin ako mamaya–” “Kaya nga hihintayin na kita nang sabay na tayong makauwi,” may awtoridad na saad nito. “Faye–” “P*tang*na naman, Sir Alessandro!” gigil na bulalas niya nang hawakan nito ang kanyang braso. Inalis niya ang kamay ng lalaki at inis na hinarap ito. “Manhid ka ba o ano? Ayaw kong makipag-usap! Naiinis ako kapag nakikita ka, naiirita ako kapag naiisip ko na lahat ng nangyari kagabi e wala lang para sa ‘yo kasi lahat nga naman ng mga babaeng lumalapit sa ‘yo e bubukaka agad at magpapahadhad sa ‘yo! Hindi ko alam kung anong intensyon mo kung bakit mo ako tinulungan, Sir. Pero ayaw ko na magmukhang tanga at magkagusto sa ‘yo. Ayaw kong mahulog tapos ikaw e gusto mo lang naman akong ikama. Ayokong… ayokong masaktan, Sir… Andami ko nang pasanin at ayaw kong ihalo ‘tong pesteng umuusbong na nararamdaman ko para sa ‘yo.” Para namang nabato ang lalaki sa kinatatayuan nito. Nang makabawi ay natutop nito ang mga labi nito at mas lumapit pa. Hindi nakahuma si Faye nang hawakan siya nito sa magkabilang balikat. “It… it wasn’t a dream, Faye? Did we really–” Nag-iwas siya ng tingin nang mapansin ang kislap sa mga mata nito. “Hindi natuloy, Sir. Huwag kang mag-alala. Sinukahan mo ako kaya…” Inalis niya ang hawak nito sa kanya. “Gusto ko lang maglibot saglit, Sir. Please. Hindi ko naman tatakasan ang utang ko sa ‘yo–” Parang tumigil ang mundo ni Faye nang maramdaman niya ang mariing pagdampi ng mga labi ni Alessandro sa kanya. May dahas iyon, katulad kagabi. Ngunit may halong lambing. Tila nakalimot magsalita ang dalaga lalo na nang hapitin nito ang kanyang beywang at mas hilahin pa papalapit. Naramdaman niya ang panggagalugad ng dila nito sa loob ng kanyang bibig, pati na rin ang mapaglarong pagkagat nito sa kanyang labi. Nang humiwalay ito ay kapwa na silang naghahabol ng hininga. Ngumisi ito at nagnakaw pa muli ng isang mabilis na halik bago siya tiningnan. “Puwede bang pakinggan mo muna ako, Faye? You’re cutting me out. At least, let me explain–” “At ano naman ang sasabihin–” “Damn it, babe. I’ll shut your mouth again and this time, it won’t be my tongue inside that pretty little mouth of yours,” agresibong bulong nito na kanyang ikinatahimik. “Good.” Mahina itong tumawa at hinagod ang batok nito. “To be honest, I really thought it was a dream, Faye. I woke up on my bed and I really thought I was just… having a good dream… I have been dreaming of you, Faye. Simula no’ng nakita ko ‘yong picture mo sa file ng Papa mo. Lalo na no’ng nagkaharap tayo in the most awkward position. I helped you because I wanted to keep you close. Wala nang iba pang dahilan. Faye… babe. I’m not sexually active, mind you. But you… you’re making my mind so loud and dirty with these crazy thoughts and ideas that I want to do with you. And it makes me go crazy. It makes me touch myself whenever I remember even the faintest memory of you. And I’m dead serious. I want you, Faye… I need you…” “Sir…” He sighed and let her step away. “I know I’m kind of suspicious. I’m your boss, after all. And it’s alright if you really don’t want to–” Siguro nga ay nahihibang na siya nang hagkan niya ito nang mariin sa labi. Hindi niya mapigilan ang pag-iinit ng kanyang katawan sa lahat ng mga sinabi nito at ang tanging alam niya lamang ay kailangan niya si Alessandro. Siguro sa paningin ng iba ay hindi maganda ang magiging imahe ng kanilang pagsasama, lalo na at mahirap siya at mayaman ang lalaki, o dahil amo niya ito at katulong lamang siya. Higit sa lahat, dalawampung taon ang pagitan nila sa isa’t isa. Pero para kay Faye, wala namang masama kung bibigyan niya ng pagkakataon ang lalaki na turuan siya kung paano magmahal… sa unang pagkakataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD