Red's POV: Nagising ako sa loob ng school clinic, hay~ ang sarap ng tulog ko ang himbing! Napapunas ako ng mata, hmm? Basa ata ng luha. So hindi lang pala panaghinip yung pagluha ko, totoo pala yun? Amajing! Tumayo na ako ng kama at sinilip yung nurse. "Miss! Mauna na ako ha, salamat!" "Sige hija! " sabay taas nito ng kamay. Lumabas na ako ng clinic at dumeretso na ng bahay. *** Ang laking himala ng araw ko ngayon, walang Sam ang nang harang o nangulit sa akin. Naabutan ko si Auntie na abalang-abala sa restaurant niya, makikita mo sa malayo ang pagiging busy niya. Pawisan, palakad-lakad siya sa paligid ng kuwarto habang inis na inis na sinesermunan ang mga empleyado. "Pang-ilan na ba yan!?" Rinig kong sigaw niya pagpasok na pagpasok ko palang sa kusina. "Pang-apat na po ma'am..

