Red's POV: Hindi ko na gaanong nakikita si Sam matapos nang nangyari noong nakaraang linggo. Mabuti na rin yun. Ayoko kasing nasa paligid ko siya eh. Nakakailang na ewan.. Di ko nga alam kung nakarecover na ako sa ginawa niya- I mean dun sa nagawa namin. "Red! Ilag!" Rinig kong sigaw ni Rochelle na nagpalingon naman sa akin. Nakita ko ang bumubulusok na higanteng bolang bato. Mabilis ko namang ipinang-sangga ang kanan kong kamay. Sa oras na dumapo ito sa mga palad ko, naging maliliit na tipak ng mga bato na lang ang kanina'y malaking bato. "Phew! Napasobra ata yung laki ng ginawa mong bola Chasey." -Rochelle Nandito kami sa gubat, nag-eensayo para kayanin kong makipaglaban kahit na wala ang 50% ng kapangyarihan ko. Sa ibang salita, dapat matutunan kong makipaglaban na hindi binub

