Red's POV: Naiinis talaga ako sa Sam na yun. Masyadong mayabang, tapos ngayon napaka-pakialamero. Muntik pang mahubad 'tong wig ko, nakita niya kaya? Siguro naman wala, kasi kung oo malamang nagtanong na siya. O kaya naman siya na mismo ang nagtanggal ng kusa. Inayos ko nang mabuti ang wig ko bago lumabas ng comfort room. "Hey Princess!" "Ay! Malanding baka!" Napasigaw ako sa gulat dahil sa bati ni Chasey. Ang feeling close talaga ng dalawang ito. "Tumahimik ka nga! Hindi ako si Princess!!" Malakas kong sigaw. Siniko naman ni Rochelle si Chasey. Hindi ko alam kung haters ko 'to or fans, baka nga stalker ko pa 'tong mga ito. Sunod kasi nang sunod sa akin. Iniwan ko na lang sila roon at pumunta uli nang rooftop. Nagpasilip-silip muna ako sa pinto bago tuluyang umakyat, baka andoon p

