Malaki at magarang mansyon ang sumalubong sa lima. Walang nasabi ang tatlong guardians nang makita ang lugar, iba ito sa inaasahan nilang madilim at nakakatakot na gubat o kaya sa masikip at malamig na dungeon. Ganoon kasi kung ilarawan ito ni Ice sa tuwing ipinapaalala nito sa lahat ang bigat ng pangyayari na maaari nilang harapin. "Sigurado ka ba na nasa tamang lugar tayo?" -Tanong ni Nico. Tumango lang si Ice saka pumikit, pinakikiramdaman ang buong paligid. At sa kanyang pagdilat ay inutusan niya ang mga ito maliban kay Sam. "Halughugin ang buong bahay at paligid." Nag-aalala na si Ice, hindi niya maramdaman si Red. They need to find her. "I salute you." Ice bring out as she witnessed Sam's courage to save Red. "You do?" Hindi siya makapaniwala, a compliment from an immortal is im

