Red's POV: Ilang araw nang hindi nagpapakita si Miss Red sa publiko, wala na ring napapabalitang exposure ng bayani. Matatandaan nang huli siyang nakita ay hinang-hina siya habang pinipigilan ang akmang pagtalon ng isang lalaki sa isang Mall. Hindi makapaniwala ang lahat sa nakita nila, isang hinang-hina at walang lakas na Miss Red. Kasalukuyan ding iniimbestigahan ng mga pulis kung sino ang dalawang babaeng namamataang kasama ni Miss Red na sinasabing Superhero rin. Napabugtong-hininga nalang ako nang mapanood ko sa TV ang balita. Sorry talaga sa mga taong nadadamay dahil sa akin. Kaya kailangan ko nang makausap si Ice, para malutas na itong problemang ito. "Haaayy~ Ano na kayang nangyari kay Miss Red ate? Baka naman may sarili siyang problema o baka may sakit siya."-Angel Fan ko ta

