NAPANGITING napaungol si Nicolette na maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha, mula sa bintana. Napainat pa siya ng mga braso na napakusot-kusot ng mga mata. Bumangon ito na nagdilat ng mga mata at napangiting makitang maliwanag na nga sa labas. Kasama niya sa silid si Aling Gloria. Doon niya pinatuloy ang matanda noong dumating ito dahil dati naman na siyang tinatabihan noon ni Aling Gloria sa mansion nila. Lalo na sa tuwing masakit ang katawan nito dala nang panggugulpi sa kanya ng kanyang ama-amahan. Nagtungo muna ito sa banyo na ginawa ang morning routine. Naiiling na lamang ito na napatitig sa repleksyon niya sa salamin. Napakaganda ng gising niya ngayon at biglang gumaan ang bigat sa dibdib nito. Pakiramdam niya ay nag-ibang tao siya bigla nang malaman niyang hi

