MASAYANG nagkape ang mga ito at kumain na sina Lucas kanina sa daan. Busog pa ang mga ito kaya nagkape na lamang sila habang kakwentuhan ang mag-asawa na giliw na giliw sa kanila ni Nicollete. Saka lang kasi nagiging maingay ang bahay kapag may dumadalaw sa mga magkakapatid. “Tiyak na magugustuhan mo dito, hija. Maganda ang tanawin dito. Ibang-iba dito kumpara sa Manila. Kaya nga mas ginusto naming mag-asawa na alagaan na lang itong rest house nila Lucas dito kaysa tumira sa Manila. Maganda lang sa pandinig ang Manila. Pero kung ikukumpara mo dito sa probinsya ay mas masarap pa ring tumira sa gan'to na tahimik, payapa at maganda ang tanawin.” Wika ng ginang na nakamata kay Nicolette. Magkatabi silang mag-asawa habang kaharap nila sina Lucas at Nicolette. Napangiti naman ang dalaga sa t

