MAGKATULONG na inayos ng dalawa ang mga pinamiling gamit ni Lucas. Kung introvert person si Nicolette, extrovert person naman si Lucas. Magkaibang magkaiba sila kaya madalas ay hindi sila magkasundo, lalo na sa tuwing sinusumpong ng kalokohan at kahanginan si Lucas na gustong-gustong kinukulit ang dalaga. Sa tanang buhay kasi ni Lucas, si Nicolette pa lang ang hindi affective ang pagpapa-cute niya. Sanay siya na babae ang naglalambing sa kanya at nagpapakita ng motibo. Babae ang nag-aaya sa kanya. Hindi rin ito basta nanununggab katulad ng ibang lalake. Namimili ito at tinitiyak niyang maganda, sexy at matangkad ang mga nakaka-fling niya. Mga kilalang model, beauty queen at ang iba pa nga ay artista! Pero natatangi si Nicolette. Isang araw niya pa lamang itong nakakasama pero pakiramdam

