PUMASOK si Lucas sa silid na nilapitan ang dalagang nahihimbing sa kama. Ngayong alam na niya kung gaano kalupit ang ama nito, hindi na niya ulit hahayaang mabawi ng ama nito ang dalaga mula sa kanya.
Naupo ito sa gilid ng kama na inayos ang kumot ni Nicolette. Nakalihis kasi iyon kaya nakalantad ang mga hita nitong maputi at makinis. Kahit naman pigilan niya ang sarili ay lalake pa rin siya. Makakadama pa rin ng init na may dalagang nahihimbing sa kama niya at naka-short pa.
Napangiti ito na magaang inayos ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa maamong mukha ng dalaga. Medyo bilugan ang mukha nito. Bumagay ang shape ng kilay nito na hindi kakapalan. Kung titignan siya ay mahahalata mong may lahi ito. Base na rin sa mga mata niyang kulay lime. Singkit ang mga iyon na may malalantik na pilikmata. Makinis din ito at iba ang natural niyang kaputihan katulad sa mga pinay. Idagdag pang pointed nose ang maliit niyang ilong na ikinaganda nito lalo. Manipis din ang hugis ng mga labi nitong natural na mapula at kissable ang itsura.
Napalunok si Lucas na napasulyap sa mga labi nito. Bahagya kasing nakaawang ang mga iyon. Na tila inaakit siya na halikan niya ang mga iyon.
“Damn. She's so beautiful,” piping usal nito na nilalabanan ang tuksong bumubulong sa sarili.
“Uhmm,” napaungol si Nicolette na maramdamang may malaking kamay na humahaplos sa pisngi niya.
Sa laki ng kamay na iyon ay akupado na ang kalahati ng mukha nito.
“Hey, sleepyhead, wake-up. May pupuntahan tayo,” wika ni Lucas na bahagyang niyugyog ito sa balikat.
Pero tanging nagrereklamong ungol lang ang itinugon sa kanya ng dalaga at nanatiling nakapikit.
“Bangon na. Baka mamaya ay ma-trace ka dito. Lumipat tayo sa rest house namin. Mas ligtas ka doon kaysa dito sa condo,” wika ni Lucas dito na napalunok at dahan-dahang nagdilat ng mga mata.
Tuluyang nagising ang inaantok nitong diwa na makitang nandidito nga si Lucas sa tabi niya. Nahiya naman ito na napahilamos pa ng palad sa mukha at baka may tumulong laway o glory pa siya sa mata.
“A-ano iyong sinabi mo?” ulit nitong tanong na naupo ng kama.
Napahinga ng malalim si Lucas. Bakas ang kaseryosohan sa facial expressions nito pero hindi naman ito galit. Napalunok naman si Nicolette na nakamata dito at hinihintay itong magsalita.
“Pansamantala, itatago muna kita sa Tagaytay. May rest house kami doon at private ang village. Walang basta-bastang makakapasok doon kung wala siyang access sa mga bahay na nasa loob ng village. Kaya ligtas ka doon. Doon ka na muna habang pinapalamig natin ang sitwasyon. Kapag nakahanda ka nang makausap si Sixto, ako mismo ang magdadala sa kaibigan ko sa iyo doon. May makakasama ka naman sa bahay e. Ang mag-asawang caretaker namin sa bahay. Mabait sila at tiyak na magugustuhan ka nila. Doon ka na muna, okay? Hindi ka pwedeng magtagal dito sa Manila. Mainit pa ang issue at. . . at ipinapahanap ka na ng ama mo.” Wika ni Lucas na ikinalunok nitong bumilis ang t***k ng puso na malamang hinahanap na siya ng ama niya.
Kahit inaasahan na niya ang bagay na iyon, kabado pa rin ito at natatakot. Lalo na kapag dumating ang araw na mahahanap siya ng ama niya dahil tiyak na parurusahan siya. Napalapat ito ng labi na napapapilantik ang mga daliri. Halata sa mukha nito at mababasa sa mga mata nitong kay inosente na natatakot ito.
Inabot naman ni Lucas ang kamay niya. Marahang pinisil-pisil iyon hanggang sa makalma ni Nicolette ang sarili.
“I-iiwan mo ba ako doon?” mahinang tanong nito sa binata na tumango.
“Dadalaw ako tatlong beses sa isang linggo. Hindi ka naman mabo-bored do’n. Maganda ang tanawin doon at may mini garden pa sina nanay at tatay sa bakuran. Marami rin silang pananim na gulay at prutas sa bakuran ng bahay. May mini vineyard nga kami doon e. May pool din sa rooftop at hanging net bed doon na pwede mong tambayan. Malamig at sariwa ang hangin doon at magandang pagmasdan ang taal volcano at ang bayan sa ibaba. Wala rin kayong kalapit na kapitbahay kaya tahimik ang lugar. Walang makakakilala sa’yo doon. Hindi ka basta-basta matutunton ng ama mo doon,” wika ni Lucas na kinukumbinsi ito.
“Tingin mo ba mas makakabuti iyon sa atin?” tanong ni Nicolette dito.
“Bakit, honey? Ayaw mo bang mailayo sa akin? Dadalawin naman kita doon, tatlong beses sa isang linggo. Ikaw naman. Namimis mo na kaagad ako,” tudyo ni Lucas ditong napangiwi.
“Hindi iyon ang punto ko noh? Kahit hindi mo ako dalawin doon ay okay lang.” Ingos ni Nicolette ditong napahagikhik.
“Ang honey ko talaga. Nahihiya pang umamin.”
“Magtigil ka nga. Hayan ka na naman,” ingos ni Nicolette ditong natatawang napakamot sa ulo.
Tumayo na ito na nagseryoso. “Maghanda ka na. Magbibihis lang ako para makaalis na tayo.” Saad nito na hinaplos sa ulo ang dalagang nakangusong nakatingala sa kanya. “Gwapong gwapo ka na sa akin noh?”
“Ang kapal mo talaga,” ingos ni Nicolette na tinabig ang kamay nitong napahalakhak na nagtungo sa closet. “Haist. ‘Di na lang kasi magpakatino e. Ang lakas ng hangin sa katawan. Pero–gwapo naman talaga siya. Nakakainis lang.”
LIHIM na napangiti si Lucas na hindi umangal ang dalaga nang akbayan niya ito habang palabas sila ng condo. Nakasuot si Nicolette ng jogger pants at shirt nito. Pero dahil maliit itong babae, napakaluwag ng damit at pants nito sa kanya. Nakasuot din ito ng black cap at facemask. Para hindi siya makilala ng ibang tao.
“Relax, I'm with you, honey. Hindi naman kita pababayaan e.” Bulong ni Lucas dito nang mapakapit si Nicolette sa laylayan ng damit nito nang may makasalubong sila sa hallway.
Napapayuko pa ang dalaga. Ramdam din ni Lucas na nanginginig ang katawan nito. Marahan namang pinipisil-pisil ni Lucas ang punong-braso nito at nakaakbay siya kay Nicolette.
Pagkababa nila sa parking lot, inalalayan itong makasakay ni Lucas sa isang black wrangler jeep. Nagtataka pa si Nicolette at hindi ang raptor nito ang gagamitin nila.
“S-sa’yo ‘to?” utal nitong tanong na ikinatango ni Lucas.
“Yeah. Mas maigi nang nag-iingat. Mag-seatbelt ka, honey.” Sagot nito na marahang isinarado ang pintuan.
Napanguso namang sumunod si Nicolette na nagsuot ng seatbelt. Inalis nito ang facemask at nagsuot na lamang ng shades na nakita niya sa loob ng wrangler. Kaagad ding sumakay si Lucas ng driver side na pinaandar ang sasakyan matapos magsuot ng seatbelt.
“Dadaan muna tayo sa boutique ng mommy. Kukuha lang ako ng ilang damit mo. Uhm, anong size ng cocomelon mo, honey? Para alam ko ang kukunin kong bra,” wika ni Lucas habang nagmamaneho palabas ng parking lot.
Napangiwi naman si Nicolette na nag-init ang mukha. “Hindi ba pwedeng ako na lang ang kumuha ng mga underwear ko?” tanong nito.
“Nope, honey. Hindi pwede. Kailangan nating magdoble-ingat. Nasa paligid lang ang mga tauhan ng ama mo na naghahanap sa'yo. Isa pa, may mga nakakakilala sa'yo sa publiko at anak ka ng isang senator ng bansa. Kaya ako na lang ang lalabas mamaya. Sabihin mo lang kung anong mga tipo mong damit at sizes. Kumpletuhin mo na. Shoes, sandals, underwear, dress at mga pantulog.” Saad ni Lucas na ikinanguso nitong marahang tumango.
Ayaw niya mang magpabili ng mga gamit sa binata pero wala naman siyang ibang pamimilian. Si Lucas lang ang pag-asa niya na makakatulong sa kanya. Alam niyang nilalagay ni Lucas sa alanganin ang buhay nito para matulungan lang siya. Kaya ayaw niyang mag-inarte kay Lucas. Okay na iyong inaaway niya ito sa kahanginan nito at kalandian. Dahil nakikita naman niyang hindi nao-offend si Lucas na nagsusungit siya kundi tila tuwang-tuwa pa nga ito na nang-aasar at pausok ng butas ng ilong niya.
“Uhm, 38A ang cup size ko. Kung dress naman o damit, nasa small at extra small size lang ako. Waistline–24. Iyong paa ko 35 ang size.” Pagbibigay alam ni Nicolette dito para hindi ito magkamali ng bibilhin.
Napatango-tango naman si Lucas na sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi. Napasipol pa ito kaya pinaningkitan ni Nicolette.
“Siguro iniisip mo iyong cocomelon ko, ano? Hwag kang mag-aalala, hudas. Hinding-hindi ko ito ipapalamas sa'yo.” Pagmamaldita nitong ikinahagikhik ni Lucas na inabot niyang kinurot sa braso.
“Grabe ka naman sa akin. Hindi ba pwedeng kinakabisa ko lang ang mga sizes mo para sakto sa'yo ang mga kukunin ko mamaya, honey? Saka– hwag magsalita ng hindi pa tapos. Baka bukas o sa makalawa e. . . nakasabunot ka na sa batok ko habang isinusubsob ako d'yan sa malusog mong cocomelon,” natatawang saad ni Lucas ditong impit na napairit na nanggigigil binatukan itong malutong na napahalakhak at muntik pang mauntog sa manibela!
HUMINTO sila sa isang kilalang clothing store dito sa bansa. Napaawang pa ng labi si Nicolette dahil pangarap niyang makabili ng mga damit mula sa store na pinasukan ni Lucas pero dahil nagtatago siya, nanatili siya sa loob ng wrangler.
"Gaano ba siya kayaman? Ililibre niya talaga ako ng mga gamit at doon pa sa branded? Gosh. Sino ba talaga siya?" usal ni Nicolette na nakasunod ng tingin kay Lucas na pumasok sa store.
Mahigpit ang ama niya sa kanya. Sa kanyang kalayaan, mga isinuot at mga nakakahalubilo. Kaya naman noong nag-aaral pa lang siya, wala siya ni isang naging kaibigan. Ni hindi rin ito tumatanggap ng suitors kahit maraming nagtatangkang manligaw sa kanya. Istrikto ang ama niya. May curfew pa nga ito at bantay sa lahat ng pupuntahan niya. Inire-report siya ng kanyang bodyguard sa ama niya. Kaya natatakot siyang sumuway.
Pagkatapos ng school hours nito, diretso na siyang uuwi sa bahay. Ayaw na ayaw din ng ama niya na nagsusuot siya ng mga revealing. Nang minsang nagsuot siya ng sexy dress dahil may party sana itong dadaluhan ay nagalit ang ama niya. Pinunit nito ang suot niyang dress hanggang mahubad iyon sa kanya! Napayakap na lamang siya noon sa sarili na tanging ang panty at n****e tape lang ang nakatabing noon sa kanyang private part! Sobrang natakot si Nicolette sa ama niya nang sandaling iyon kaya hindi na siya umulit na nagsuot ng sexy dress kahit pangarap niya iyon. Na makapagsuot din siya ng mga gusto niyang damit.
Tipid rin ito sa allowance. Kahit may pera ang ama niya, hindi siya basta-basta nag-aabot kay Nicolette. Lahat ng mga binabayaran nito sa school ay may resibo. Saka lang siya may bagong gamit kapag nagkukusa ang ama niya na ibili siya. Pero minsanan lang sa isang buwan kung mangyari iyon. Kaya kahit matayog ang pangarap nito, hindi na niya inabot pa. Dahil alam niyang hindi papayag ang ama niya na maging isa siyang--fashion designer.
Nagpahid ito ng luha na makitang palabas na si Lucas sa store. Napakurap-kurap pa siya na makitang ang dami nitong dalang shopping bag na bit-bit sa dalawang kamay!
"Oh my gosh! Ang dami naman niyang binili e ang mamahal ng mga tinda d'yan!" bulalas nito na natutop ng palad ang bibig at namimilog ang mga mata!
Binuksan naman ni Lucas ang pintuan sa backseat at doon inilagay lahat ng mga pinamili nitong gamit ni Nicolette. Inayos niya muna ang mga iyon bago lumipat sa harapan at nagsuot ng seatbelt.
"You okay, honey?" tanong nito sa dalaga na nanlalaki ang mga matang nakamata sa mga pinamili nito.
"H-hudas, hindi naman sa akin lahat 'to ano?" nakatulalang tanong nito na sa likuran nila nakamata.
"Sa'yo lahat iyan, honey. Hindi naman ako nagsusuot ng pambabae e. Pero kung panty mo ang ipasuot mo sa akin e-- bakit hindi. Basta sikreto lang natin ha?" nakangising saad nito na pinaandar na ang sasakyan.
Napakurap-kurap pa si Nicolette na bumaling ditong napakindat sa dalagang namumutla pa rin.
"Kainis ka talaga. Magpakatino ka nga." Ingos ni Nicolette na umayos na ng upo at bumaling sa harapan.
Napangiti naman ito na nagmaneho na. "Mamahalin mo na ba ako kapag nagpakatino ako, honey?" tudyo niya sa dalagang nasamid at napaubong ikinahalakhak nito na nakatikim ng batok mula kay Nicolette!