GABI NA at nakakaramdam na ng antok si Marinela. Kahit sabihing nakatulog siya kaninang tanghali ay parang hindi pa rin iyon sapat para makabawi siya kaagad ng lakas. Ngunit kahit antok na siya ay hindi naman niya magawang matulog. Hindi kasi niya alam kung saan siya matutulog at kung aling silid ang gagamitin niya.
Nasa may salas lang siya at tahimik na nakaupo. Nagscroll lang siya sa cellphone niya at hinihintay ang sasabihin ni August. Kahit naman sabihin na naiinis siya sa sitwasyong kinasasadlakan ay hindi naman niya magawang magtaray na naman kay August para itanong kung saan siya pwedeng magpahinga.
Ang silid ng anak nito na si Augusta ay nasa kaharap na pintuan ng silid ni August. Hindi naman niya alam kung sa silid ba ng anak nito siya matutulog. Lalo na at si Augusta ay sa silid ni August natutulog. O baka sa ibang bakanteng silid siya matutulog. Kaya lang hindi niya alam kung alin sa mga bakanteng silid ang pwede niyang tulugan. Ilan pa naman iyon.
"Tired?"
Nagulat si Marinela ng marinig niya ang boses ni August. Siguro nga ay pagod na siyang talaga. Hindi man lang niya namalayan na nakalapit na ito sa tabi niya. Ni hindi niya narinig ang paggulong ng wheelchair nito.
"Medyo. Saan ba ako dapat matulog? Alin sa mga silid ng bahay mo ang pwedeng maging kwarto ko?"
Hindi pa nagagawang makasagot ni August ng mabilis na tumakbo papalapit sa kanila si Augusta.
"Mommy, Dada, Augusta is sleepy na. Magsleep na pu tayo. Pasok na pu tayo sa room ninyo pu," wika ng bata sa kanila.
"Baby, hindi naman pwedeng sa kwarto ako ng daddy mo matulog. Napagbigyan na kita kanina."
"Why pu? Dada said, I am a special gift from heaven. Because mommy loves Dada so much. And Dada too, loves mommy so much pu. Bakit pu ayaw mo pu mommy na magsleep pu, beside me and Dada pu? Hindi mo na pu kami love? Kaya pu ba, hindi ka kaagad bumalik? Ayaw mo na pu sa akin at kay Dada?"
Napalunok ng laway si Marinela dahil sa mga sinabi ni Augusta sa kanya. Ang kaninang napapagod niyang katawan at ang antok na lumulukob sa kanyang diwa ay biglang nagising at nilisan siyang bigla.
May pinong kurot siyang nararamdaman sa puso niya. Ang pinong kurot na iyon ay parang humihiwa sa puso niya hanggang sa tumindi nang tumindi ang sakit. Napahawak siya sa dibdib niya sa tapat ng kanyang puso.
Nilapitan niya si Augusta. "Baby hindi naman sa ganoon," aniya.
Pero ang anak ni August, binalingan ang ama. "Dada, you're a liar. Sabi mo pu mahal ako ng mommy ko pu!" umiiyak na saad ni Augusta sa kanyang ama.
Nasundan na lang nila ng tingin ang munting bata ng bigla na lang itong tumakbo palayo sa kanila. Sa halip na sa silid ni August ito magtungo ay sa mismong silid nito ito pumunta.
Susundan sana ni Marinela si Augusta ngunit pinigilan siya ni August. Kaya naman napatingin na lang siya sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya.
"Bakit?" hindi niya napigilang itanong kay August. Kung tutuusin ay walang ibang may kasalanan sa sitwasyon kundi si August. Kung hindi siya dinala nito sa bahay nito at tumanggi ito sa mga magulang ni Fabio na siya ang mag-alaga dito. Hindi sila aabot sa sitwasyon ngayon. Hindi magagalit sa kanya ang anak nito. Hindi rin ito iiyak ng dahil sa kanya. Kahit ang magdamdam ay wala itong mararamdaman, dahil hindi sila magkakilala.
Pero dahil sa inakala ng bata na siya ang mommy nito, nagtampo ang anak ni August sa kanya. Kaya lang hindi niya alam kung paano niya sasabihin rito ang totoo. Lalo na at umaasa si Augusta na siya talaga ang mommy nito.
Ngunit, saglit siyang natigilan sa isiping totoo naman na hindi siya ang mommy ni Augusta. Pero bakit mas masakit sa pakiramdam ang isiping iyon. Parang may bagay na pumipiga sa puso niya. Kaya lang gustuhin man niyang siya ang maging tunay na ina ni Augusta ay paano naman mangyayari. Kung ever since naman ay wala siyang naging boyfriend. Kahit nga si August ay muntik pa lang. Hindi naman natuloy.
"I'm sorry kung hindi ko kaagad sinabi sa iyong may anak ako. I'm sorry rin kung nabigla ka na may isang Augusta sa buhay ko ngayon. Lumaki siyang ako lang ang kasama niya. Kaya hindi ko maipagdamot ngayon sa kanya ang isang ina. Lalo na at unang kita pa lang niya sa iyo ay mommy na kaagad ang itinawag ng anak ko sa iyo. Gusto ka ni Augusta. Bagay na hindi ko alam kung paano ko babawiin pa."
"N-nasaan ba kasi ang mommy ni Augusta? Bakit wala siya rito? Bakit hindi kayo magkasama? Mahal mo pa ba siya?"
"Mahabang kwento, to make the long story short, hindi naman talaga siya umalis dahil hindi niya kami mahal. Wala siya kasi hindi niya kami naaalala. Alam kung hindi naman niya kami gustong iwan. Pero iyon ang nangyari."
"May amnesia siya? Bakit? Saan niya nakuha?"
"Sa isang aksidente. Wala akong kaalam-alam na umalis siya ng bahay kahit kabuwanan na niya. Wala pa akong alam noon kung sino ang pupuntahan niya. Hanggang sa may tumawag sa aking pulis habang nasa opisina pa ako. Naaksidente ang asawa ko. Until now, wala pa ring linaw ang pangyayaring iyon. Minor accident. Pero parang hindi talaga iyon lang ang pinagmulan. Na para bang pinalabas lang na aksidente ang lahat."
"Coincidence lang ba? Kasi naaksidente rin ako noong iwan mo ako. Nawalan pa nga ako ng malay. Halos comatose rin. Kasi ilang araw din iyon. Pag gising ko, nakaalis ka na ng bansa. Kasama mo ang mga magulang mo. Kaya noong nangumusta ka. Nabwisit na ako sa iyo," malungkot na saad ni Marinela.
Napalunok si August. Pero hindi nagsalita. Nakatingin lang siya kay Marinela.
Pero kaagad ding nakabawi si Marinela sa malungkot na alaala. "By the way hindi naman ako ang issue. Isa pa nauunawaan ko na. Ang hirap lang intindihin. Basta nauunawaan ko. Pero sa lahat ng sinabi mo, hindi nasagot ang tanong ako."
"Nasa puso ko ang asawa ko. Kahit kailan hindi naman siya nawala."
Parang mas lalong nadagdagan ang sakit at bigat na kanyang nararamdaman. Nasasaktan siyang mahal na mahal ni August ang asawa nito. Pero malaking tanong pa rin sa kanya na hindi man lang niya nabalitaan na nag-asawa na ito noon. Hindi man lang niya nakilala ang babaeng iyon. Magkaibigan sina August at Fabio. Pero kahit si Fabio ay wala man lang nababanggit na may asawa si August at kung sino ang asawa nito.
Ilang beses pa siyang napalunok para alisin ang bikig sa kanyang lalamunan. Wala na naman sa kanya kung may asawa na si August. Hindi naman naging sila. Pero heto at nasasaktan talaga siya.
"Nasaan ba ang asawa mo? Kahit iyon na lang ang sabihin mo kung ayaw mong sabihin kung sino," aniya na mas pinatatag ang boses. Ayaw niyang isipin ni August na apektado siya. Dahil may asawa na ito.
"Hindi ko pa masabi eh."
"Paano kung bigla siyang bumalik at ako nga ang tinatawag na mommy ng anak mo? Paano mo ipapaliwanag sa kanya na wala tayong relasyon? Higit sa lahat mas masasaktan ang anak mo pag malalaman niya ang totoo na nagpapanggap lang ako."
"Relax Mari. Sa ngayon hayaan mo lang sana ang sarili mong magpakaina sa anak ko. Hindi ako makikiusap sa iyo kung alam kong ipapahamak lang kita. Magtiwala ka sana sa akin. Kilala kita Mari. Hindi naman mahirap mahalin ang anak ko. Sana lang habang wala pa ang mommy niya, maging anak sana ang turing mo kay Augusta."
Para namang tumalon ang puso ni Marinela dahil sa sinabi ni August. Gusto rin naman niya ang idea na iyon. Lalo na at parang may binuo si Augusta na isang parte ng buhay niya. Parte ng buhay niyang hindi naman kulang sa tingin niya. Ngunit binuo ang pakiramdam na iyon ng makita niya ang anak ni August.
Sa katunayan naiingit siya kay Fabio dahil nahanap na nito ang babaeng makakasama nito habang buhay. Higit sa lahat ay may anak na ang dalawa. Gusto rin sana niyang magkaroon ng sariling anak sa lalaking makakasama niya sa habang buhay. Kaya lang maliban kay August, si Mario lang ang nagpatibok muli ng puso niya. Which is, babae si Mario, at ito nga ang pakakasalan ni Fabio.
Tapos ngayon nagbabalik si August. Iyon nga lang mayroon na itong iba. Higit sa lahat may anak pa ang dalawa. Wala naman iyon sa kanya. Pero bakit nasasaktan talaga siya. Ang tagal na ng panahon eh. Akala niya nakalimot na ang puso niya. Pero bakit parang kahapon lang nangyari ulit ang lahat?
"Marinela," tawag muli ni August sa pangalan niya.
"Ah, oo, yang sige," naguguluhan niyang sagot. Humugot muna siya ng hangin. "Sige pumapayag ako. Habang wala pa ang mommy ni Augusta ako na lang muna ang mommy niya. Dahil malaki ang tiwala sa iyo ni Fabio ay susundin ko ang gusto ng anak mo. Kaya lang huwag kang gagawa ng kalokohan kung ayaw mong magising kang wala na iyang kaligayahan mo," banta pa ni Marinela.
Napahawak naman kaagad si August sa bagay na nasa gitna ng kanyang mga hita.
"Kailan na ba ako gumawa ng bagay na ayaw mo. Syempre gagawin ko lang ang bagay na iyon, ayon sa nais mo."
"Anong nais ko?" gilalas niyang tanong.
"I mean hindi ako gagawa ng mga bagay na labag sa gusto mo. Syempre iginagalang kita, bilang pinsan at kapatid ni Fabio."
"Mabuti na ang nagkakalinawan tayo. Kasi ito ang tandaan mo. Never na ulit akong mauuto ng mukhang iyan at ng mabulaklak mong dila," bulalas niya. Ngunit ang totoo, talagang nasasaktan siya. Ayaw lang niyang aminin. Pero gusto talaga niyang pagsisihan kung bakit noon, nagmatigas pa siya kay August. Kaya ito ang napapala niya. Mayroon na itong iba. May Augusta pa.
"Sino namang may sabi sa iyo na may balak akong akitin ka. Kasalanan mo kaya ako naaksidente. Kaya ka narito. Dapat lang na alagaan mo ako, at ang anak ko. Kasi paano ko siya aalagaan ay hindi ko nga makaya ngayong alagaan na mag-isa ang sarili ko? Kaya huwag kang mag-alala hindi kita type. Para lang sa anak ko kaya nakikiusap ako."
Naiinis man at gusto na niyang saktan muli si August, ay pinigilan ni Marinela ang sarili para magpakahinahon. "Fine! Gagawin ko lang din itong pagpapanggap ko dahil gusto ko ang anak mo. Napakasweet niya. Hindi mana sa iyo. Siguro nagmana siya sa mommy niya."
"Good. At tama ka mana siya sa mommy niya. Sweet mabait at medyo may pagkamaldita."
"Kung mapagsalitaan mo ng may pagkamaldita. Akala mo naman hindi mo mahal. Sira ulo," bulong ni Marinela.
"Oo na. Maka sira ulo ka naman. Sa ngayon suyuin mo na ang anak ko. Kailangan na nating magpahinga."
Napairap na lang si Marinela. "Yes sir!" aniya at sumaludo pa kay August. "Akala mo naman swelduhan niya ako," bulong pa niya na umabot naman sa pandinig ni August.
"Gusto mo sa iyo ko na lahat ibigay ang buong sweldo ko. Ikaw na ang bahala sa lahat pati pagbabudget dito sa bahay. Kahit ang sweldo ng mga empleyado ko sa agency. Wala namang kaso iyon sa akin. Manghihingi na lang ako ng konteng budget if kailangan ko. Tulad ng panggas, pag kaya ko na ulit magmaneho."
"Ulol! Anong akala mo sa akin asawa mo!"
"Bakit pwede naman di ba? Hindi ba pwede? May iba ka ba? Pero ayon sa nasagap kong balita. Single ka, kasi walang maglakas loob sa iyo. Kasi nga tinatarayan mo kaagad," biro ni August na lalong ikinainis ni Marinela.
Bago pa lampasan ni Marinela si August ay sinanggi niya ang paa ni August na may malaking sugat. Hindi naman napigilan ni August ang pigil na sigaw dahil sa sakit na nadarama.
"Fvck! Fvck! P*tang *ina!" malutong na mura ni August, dahil talagang nasaktan siya.
"Oops sorry! Hindi ko kasi napansin. Nakahara pala ang paa mo. Sige na, dyan ka na. Susuyuin ko lang ang anak mo," ani Marinela. Habang siya ay habol ang kanyang paghinga sa sakit ng kanyang paa.
Wala naman siyang magawa kahit sobrang sakit talaga ng ginawa ni Marinela sa paa niya. Ang mahalaga lang naman sa kanya ay magkaroon ng ina ang anak niya. At sana dumating na rin ang araw na bumalik na sa kanilang mag-ama ang ina ni Augusta.