Chapter 4

1471 Words
Ilang katok pa ang ginawa ni Dean bago niya narinig ang pagclick ng doorknob. Mayamaya lang ay iniluwa ng pintuan ang pakay niya. Nanlaki ang mga mata nito ng makita. "Oh my, God. Dean?! Is that really you?!" hindi makapaniwalang tili ni Gemaima. Alam ni Dean na normal lang ang reaksiyon ng babae. Siya ang huling tao na inaasahang makita ni Gemaima sa condo unit nito. Three years ago nang magkakilala sila sa isang concert for a cause. At unang kita pa lang, talagang nagpakita na ito ng motibo kay Dean. Gusto raw siya nitong maging partner sa kama. Wala naman sanang problema dahil maganda naman si Gemaima. Hot din at very sexy. Hindi rin kaila kay Dean na kinababaliwan ito ng maraming kalalakihan. But Gemaima is an off limits. And Dean knew that. Alam niya na may boyfriend na ang babae. Isa ring kilala at maimpluwensiyang tao. Isang police general ang nobyo ni Gemaima. Isa sa rules ni Dean pagdating sa babae ay iyong walang sabit. Ayaw niyang mang-agaw. Ayaw niyang manira ng relasyon. At higit sa lahat, ayaw niya ng gulo. Hindi sa natatakot si Dean, lalo na sa general na kilalang "bakal na kamay" at "lintik lang ang walang ganti", at nirerespeto rin sa lipunan dahil sa achievements nito at dedication sa serbisyo. Kundi dahil respeto na lang din niya sa mga babae at kapwa lalaki. And besides, kaya naman niyang kumuha ng maraming babae na hindi nang-aagaw. Kaya nga kahit tatlong taon na siyang inaakit-akit ni Gemaima, ni minsan ay hindi niya pinatulan. 'Buti na lang at mukhang hindi naman nakakarating sa boyfriend nito ang ginagawa sa kaniya. "What brings you here, honey?" mapanuksong tanong sa kaniya ni Gemaima. "Natanggap mo ba ang email ko?" saka siya nito hinila papasok at isinara ang pinto. Napapikit si Dean. Hindi siya dapat na nandito. Kapag nalaman ito ng boyfriend ni Gemaima, pareho silang mapapahamak. Pero paano naman si Gwen? Paano ang career nito na gustong-gusto patunayan sa ama nila? Paano ang kaligtasan ng kapatid? "Alam mo, n'ong una, nightmare kong maituturing ang nakita ko noong krimen sa parking lot," sabi ni Gemaima. Noon lang namalayan ni Dean na naiupo na pala siya ng babae sa sofa. At nakakandong na ito sa kaniya. "Pero nang malaman kong kapatid mo pala ang may hawak ng kaso, at nakita ko ang obssession niya sa paglutas nito, nabuhayan ako ng pag-asa. Pag-asang matitikman din kita," bulong ni Gemaima sa puno ng tenga niya. Kinakagat nito ang earlobe niya. Pero ewan kung bakit ng mga oras na iyon ay walang epekto kay Dean ang pang-aakit ni Gemaima. Usually, 'agad siyang umiinit kapag ginagawa iyon sa kaniya ng sino mang babae. Malakas ang kiliti niya sa earlobe. Siguro dahil naka-set na sa isip niya na hindi puwedeng may mangyari sa kanila ni Gemaima. "I promise you, Dean. After this, ibibigay ko kay Gwen ang lahat ng gusto niyang malaman. Ako ang bahala sa safety niya," paniniguro ni Gemaima, habang isa-isang binubuksan ang butones ng polo niya. Saka nito sinunod ang paghubad ng sariling damit. "Just one night, Dean. Just one night." Nang tuluyang lumantad sa harapan ni Dean ang mayamang dibdib ni Gemaima ay para siyang natauhan. Hindi talaga niya kayang makipagtalik sa babaeng pag-aari na ng iba. Mabilis niyang binuhat si Gemaima, palayo sa kaniya. Saka dali-daling ibinalik sa pagkakabutones ang polo niya at tumayo. Bakit ba siya nagpapagamit kay Gemaima? For God's sake, he is Dean Monreal. Kayang-kaya niyang tapatan ng pera at kapangyarihan ang sinasabi nitong malaking tao na nasa likod ng kasong kinakaharap ni Gwen. "I'm sorry, Gem. But this is wrong. May boyfriend ka na. At ayokong makagulo sa relasyon niyo," determinadong sabi ni Dean. "Mali ang pumunta ako rito," aktong lalabas na siya ng pinto nang magpahabol si Gemaima. "What if sabihin ko sa'yo ngayon na hindi lang buhay ni Gwen ang nanganganib? Kundi pati na rin ni Liam, at ng parents mo?" walang halong biro na sabi ng babae. "Na oras na lumabas ka dito at tinanggihan mo ako, for sure, patay ang buong pamilya mo. Na walang magagawa ang pera niyo ngayon." Pinindot ni Gemaima ang remote ng TV. Mayamaya'y may lumabas doon na mga CCTV footage. Nanlaki ang mga mata ni Dean nang makitang kuha iyon sa labas ng bahay ng parents niya, sa labas ng apartment ni Gwen, at sa condo unit ni Liam. Alam ni Dean na sa mga oras na iyon ay nasa loob niyon ang mga mahal niya sa buhay. May body guards ang parents niya pero tatatlo lang iyon. Wala naman kasi silang dapat katakutan kaya noon pa man, hindi na kumukuha ng maraming body guards ai Don Peter. Mabuti itong tao at walang kalaban na dapat pag-ingatan. Kahit sa negosyo ay wala pang nakalaban ang pamilya nila na humantong sa pagbubuwis-buhay. Si Gwen naman ay maraming alam na self-defense. Sharp shooter din ito. Pero ano ang laban nito kung maraming kalaban na patagong nag-aabang? Mas natatakot si Dean para kay Liam. Na puro sports ang inaatupag. At simpleng paghawak lang ng baril at self defense ang alam. Kaya ba nitong ipagtanggol ang sarili? "I told you. Hindi lang iisa at simpleng tao ang kinakalaban ngayon ng kapatid mo, Dean," dugtong pa ni Gemaima. "Pero 'tulad ng sabi ko, kayang-kaya ko siyang protektahan laban sa mga kalaban. Just give me what I want." Nalimutan ni Dean na babae ang kaharap niya. Galit na galit niyang sinugod si Gemaima at mahigpit na hinawakan sa braso. "Sino ka ba talaga, ha?!" Pero imbes na matakot ay nginisihan lang siya ni Gemaima. "Just sleep with me tonight. At malalaman mo kung ano ang kaya kong gawin." Pagkarinig ay mabilis nitong sinakop ang mga labi ni Dean at dinakot ang kahabaan niya. Parang batang nagpatianod na lang si Dean sa ano mang gawin sa kaniya ni Gemaima. Wala siya sa mood para makipag-s*x. At mas lalong hindi ganito ng s*x ang gusto niya. Ayaw niya ng bina-blackmail. Kaya walang nagawa ang pagiging hot ni Dean para uminit siya ng mga oras na iyon. Mas ramdam niya ang galit kaysa sa pagnanasa para kay Gemaima. Pero mukhang walang pakialam ang babae sa kung ano mang reaksiyon niya. Patuloy pa rin ito sa pagromansa sa kaniya. Hanggang sa namalayan na lang ni Dean na nadala na siya ni Gemaima sa malawak na kuwarto nito. Nagulat pa siya nang makitang halos mapuno ng iba't ibang s*x toys ang kuwarto ng babae. Mayroong silicone rocket teaser, temptation bondage kit, at marami pang ibang s*x paraphernalias. "Ang sabi nila, sadista ka raw pagdating sa kama. Kaya pinaghandaan ko talaga ang araw na ito," malanding bulong sa kaniya ni Gemaima. "Ang araw na ako naman ang sadistahin mo." Sarkastikong tumawa si Dean. "Alam kong nasabi ko na sa'yo ito dati ng ilang beses na, Gem. At sasabihin ko ulit sa'yo ngayon. Hindi ka kasama sa listahan ng mga babaeng gusto kong maka-s*x. Nandito lang ako ngayon dahil bina-blackmail mo ako. But don't expect na gagawin ko sa'yo ang mga ginagawa ko sa mga babaeng gusto ko," mahabang paliwanag ni Dean, "bahala ka sa kung anong gusto mo." Kitang-kita ni Dean ang pagtakas ng kulay sa mukha ni Gemaima. Pero mayamaya lang ay nagkibit-balikat lang ito. "Sabi mo, eh," makahulugang ngumisi ang babae, saka nito itinali paitaas ang mga kamay niya sa naka-hang na barrier, na isa sa mga s*x paraphernalias ni Gemaima. Pagkatapos ay kumuha ito ng latigo at paseksing lumakad papunta sa likuran ni Dean, habang nakahubad. Mukhang nakatapat na niya ang babaeng mas sadista pa sa kaniya pagdating sa kama. Gan'on pa man ay hindi pa rin iyon sapat para magustuhan niya si Gemaima. Napaigik ang binata nang hatawin siya nito ng latigo sa likuran. Napatiim-bagang si Dean. Wala siyang hindi kayang gawin para sa pamilya niya. Pero sinisiguro ng binata na hindi mababalewala ang "pagbebenta" niya ng dangal. *************** Araw ng pagluwas ni Dean sa Bacolod. Kahit papaano ay panatag na siyang iwanan ang pamilya, lalo na si Gwen. Dahil kinabukasan, pagkatapos niyang pagbigyan ng isang beses ang init Gemaima sa katawan, nagsalita ito at isinawalat ang totoong nangyari. Nahuli at nahatulan na rin ang totoong pumatay kay Ruphert Samaniego. Tama nga ang hinala nila noon. Isang malaking tao ang nasa likod ng krimen. Isang congressman na nakalaban ng ama ni Ruphert sa pulitika ang may kagagawan. Hanggang ngayon ay hindi alam ni Dean kung ano ang totoong kaugnayan ni Gemaima sa suspek, maliban sa isa siyang state witness. Kung paano ito nagkaroon ng footages at impluwensiya. Pero ginamit na ni Dean ang impluwesiya niya para alamin ang buong katotohanan. Saka na niya ito haharapin pagbalik niya. Ang importante ay ligtas na ang kaniyang pamilya, at makapunta siya sa birthday ng lola niya. Minabuti na rin ni Dean na 'wag ng ipaalam sa pamilya niya, kahit kay Gwen, ang totoong nangyari. Para hindi na sila magulo at mag-alala pa. At mas lalong ayaw ni Dean na magalit sa kaniya si Gwen dahil sa pangingialam niya sa trabaho nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD