Chapter 14

1132 Words

Kinabukasan ay sinubukan ni Dean na puntahan si Joanna sa bahay nito ngunit wala ang dalaga. Tanging sina Ton-ton at Tiya Doris lang ang naabutan ng binata. Ayon sa huli ay may pinuntahan daw si Joanna. Dismayado si Dean kaya kinagabihan ay pinlano niyang puntahan ulit sa Midnight Tavern ang dalaga. Pero nagulat si Dean nang bigla siyang sunduin sa mansiyon, nina Daniel at Kent Ryan. Gusto man ni Dean na makita si Joanna at siguruhing hindi na ito ma-"take out" ng kahit sinong VIP ay wala siyang nagawa sa kakulitan ng dalawang kaibigan. Nahihiya rin naman siyang tumanggi dahil ang tagal din naman nilang hindi nagkita. "Akalain mong uunlad ng ganito ang Mabini." Tukoy ni Dean sa bayang pinagdalhan sa kaniya nina Daniel at Kent Ryan. Ang Mabini ay pangatlong bayan mula sa Hacienda Ramon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD