Chapter 38

1196 Words

Hinihingal at pawisang napabalikwas ng bangon si Joanna. Nangangatal ang mga labing sunod-sunod na huminga siya ng malalim. At sa nanginginig na mga kamay ay kinapa niya ang mukhang tila may bakas pa ng mga tuyong luha. Sandaling pinayapa ni Joanna ang sarili bago nag-aalalang tinapunan ng tingin si Dean. Mahimbing na mahimbing ang tulog ng binata habang nakapatong sa hita niya ang isang paa. Tumingin si Joanna sa digital clock. Mag-aalas dos pa lang ng madaling araw. Tumila na rin ang malakas na ulan. Maingat na inalis ni Joanna sa pagkakadagan sa hita niya ang paa ni Dean. Saka siya dahan-dahang bumaba ng kama at nagsuot ng damit. Sinigurado ni Joanna na walang ano mang kaunting ingay o kaluskos na lilikhain ang mga yapak niya nang puntahan niya ang secret cabinet ng kuwartong iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD