Capitulo Uno

1296 Words
"I WANT TO THANK GOD for writing the best story of my life. He may have inscribed a tragic ending in my first tale but He made it so happy today… Indeed, God is the best writer of our story. Ang tagal kong naghintay na dumating ang isang babaeng katulad mo. Almost seven years of waiting until He had published a better one for me. He made a story with no title, no expected plot and a different setting, but He didn't have a wonderful ending for my masterpiece— a happily ever after fairytale. My chaotic world became peaceful because of you..." Hindi na niya hinayaang banggitin ang pangalan ng babaeng sinasasabihan ng isang lalaki ng pangako at pasasalamat. He immediately paused the video and just stared at her beautiful face. For so many years... For ten years of being apart... For ten lonely years... Mula sa malaking monitor ng telebisyon sa loob ng entertainment room, makikita ang isang pares na ikinakasal. It was a sunset view by the lake of Taal. A wonderful and romantic moment for the two persons in the video. Bakas sa mukha ng dalawa ang sobrang pagmamahal sa isa't isa. Kita sa hitsura at ngiti sa mga labi ng mga ito ang walang katapusang saya. Both of them were in love, truly in love. At sa mga panahong iyon, nakalimutan ng mga ito ang magulong mundo. Para sa dalawa, ang mga ito lang ang nagmamay-ari ng sanlibutan at kaya ng mga itong palitan ng saya at pag-ibig ito. Napatitig si Marco sa mukha ng babaeng sinasayaw ng lalaki. Para sa kaniya, ito ang pinakamagandang babaeng nakilala niya. He could not take his eyes off her. But... Inabot ni Marco ang remote ng kaniyang telebisyon at pinatay ito nang may mahinang katok siyang narinig mula sa labas ng pinto. Dis oras na ng gabi at may panauhin pa siya ngayon? Niluwagan niya ang suot na kurbata. Hindi pa nga pala siya nakapagbibihis simula noong dumating siya rito sa bahay. Dumeritso siya sa dating gawi, ang muling pagmasdan ang araw na masaya sila ni Ava—ang dati niyang asawa. Ang babaeng kinakasal sa video habang siya naman ang lalaking nangakong mamahalin ang babae habambuhay. Pagod siyang tumayo at tumungo sa pintuan para pagbuksan ang sinumang panauhin ngayon. Marahil ay malapit sa kaniya o tauhan niya ito dahil dito sa silid talaga niya kumatok ito at malaya pang nakapasok sa loob ng kaniyang mansiyon. "Patawad po, Boss Marco, pero kailangan ko kayong makausap." Si Mosaic ang nasa harapan niya ngayon, ang isa sa pinagkakatiwalaan niyang tauhan sa kaniyang grupo at ang namamahala sa paaralan ng pangangabayo sa Punta del Sol. "Gabi na Mosaic at naparito ka." Tinalikuran niya ito at tinungo ang lamesa kung saan nakalagay ang bote ng alak at baso. Nagsalin siya ng inumin sa kopita at walang lingon-lingong na nilagok ito. "Tinakasan tayo ni Mr. Saetang," pahayag ni Mosaic. Walang reaksiyon si Marco sa tinuran ng tauhan. Nakatitig lamang siya sa labas ng kaniyang salamin na bintana at pinagmasdan ang mailaw na daan ng Maynila. Hindi na siya nagulat sa balita. Alam niyang may pagkatraydor ang hayop na tinulungan niya sa pagkalulugmok. Ang taong akala niya ay magkakautang sa kaniya ng loob dahil sa kaniyang pagtulong dito noong halos mawala na nang lahat dito matapos lokohin ng isang pinay na kasintahan at muntikan pang makulong noong nagnakaw ito ng kabli at tubo sa site na pinapagawa niya. He helped Chompoo Saetang to stand up and earn. But look, he ran away. Ran away from him and took all his firearms and money from the collections of the debtor and gamblers. Ang mga de kalibreng baril at sandata na ipapadala niya sana sa bansang China para ibenta ay natangay lahat ng hayop na chikwang iyon. "Kinuha niya rin ang pondo ng grupo, Boss. Ang mga nakolekta niyang pera mula sa mga nagkautang sa iyo at sa mga talunang sugarol sa casino. Ang hayop na iyon!" Rinig mula sa tono ng boses ni Mosaic ang galit. Ang tagal nilang pinaghirapan ang lahat—ang paghahanda para sa malaking transaksiyon sa China. "Dapat ilibing nang buhay iyang si Saetang sa Thailand para magtanda." "Huwag ang transaksiyon ang problemahin mo, Mosaic. May isa pa tayong dapat gawin para matigil ang kahibangan ng hayop na iyon." Hinarap ito ng pinuno ng kanilang grupo, ang B Group. Ang grupo ng isang sindikato kung saan ang pagbebenta ng mga matataas na kalibre ng baril at sandata ang kanilang inilalabas sa bansa. Halos kahat yata ng illegal na gawain at negosyo ay napasok na ng grupo nila, maliban na lamang sa droga at ipinagbabawal na gamot. Iyan ang ayaw na ayaw na pasukan ng grupo nila. Kalaban nila ang batas pero kakampi niya ang katinuan sa pag-iisip. Matagal na itong tauhan ni Engineer Marco Joseph Montefalco, ang taong tinitingala nito dahil sa puno ng paninindigan at tapang. Ang taong tanging tumulong sa lalaki para mabuhay ulit kaya ang laki ng utang na loob nito sa kaniya. Kaya nitong isakripisyo ang buhay para lang sa pinuno. Tinungo ni Marco ang kalapit na lamesa at kinuha mula sa drawer ang isang brown na envelope. Inilapag niya ito sa harapan ni Mosaic para malaman nito ang bagong misyon. "Orphanage? Ano'ng kinalaman ni Saetong sa orphanage na ito, Boss Marco?" Napahigpit niya ang pagkakahawak sa baso. Pigil na pigil siyang mabasag ito sa kaniyang kamay kaya pinili niyang ibaba ang hawak. "Isa lamang iyang ordinaryong bahay-ampunan na pinamumunuan ng mga madre..." panimula niya. Mula sa papel na hawak, kung saan nakalagay ang address at pangalan ng orphanage, natungo ang mga mata ni Mosaic sa lalaking seryosong nakatungo sa kaniya. Lumabas ang mapanganib na mga mata ni Marco kaya alam ni Mosaic na isa itong seryosong bagay. "May halos isang daang mga bata ang nakatira diyan. Pawang mga ulila..." pahayag nito. Hindi pa rin maintindihan ni Mosaic ang kinalaman ni Saetong sa ampunan na ito. "Sa susunod na linggo ng gabi, ilalabas ng mga madre ang batang babae at lalaki na nasa dese na ang edad at ibebenta ito kay Saetong upang dalhin sa Japan para gawing s*x workers at entertainers." "Ano?" Hindi akalain ni Mosaic na aabot na sa pagbebenta ng mga kabataan ang kasakiman ng dati nilang kasama. Masiyadong naging gahaman at malapit sa pera si Saetong kaya kung anu-anong ilegal at masamang gawain ang naiisip, magkapera lang. "Pinasok na rin ni Saetong ang human trafficking, Boss?" Umiigting ang mga pangang nakatutok si Marco sa lalaki. Kahit siya ay galit na galit sa walang hiyang Thai na iyon! "May ipinadala na akong kasama natin sa grupo roon. Nasa bahay-ampunan na siya at nagmamanman. Ngayon, gawin ninyo ang lahat para mapalapit sa mga madre. Doon, makikilala ninyo ang bagong kasapi natin." Alam ni Mosaic na isa na namang panibagong misyon ito. Isang misyon para iligtas ang mga naaapi. Hindi sila mga bayani katulad ng iba. Kalaban din nila ang batas at sekretong kaaway sila ng gobyerno. Ngunit ang mga perang nalilikom nila ay napupunta sa mga mahihirap, mga ampunan at mga maliliit na hospital na kailangan ng pondo. Kung magnanakaw ang gobyerno sa bansa, nanakawin nila ito para sa bayan. Iyon ang itinuro ni Marco sa mga tauhan niya. "Iligtas ninyo ang mga bata at pati na rin ang mga baril na ninakaw ni Saetong. Isasabay niyang ibiyahe ang mga ito kasama ng mga batang ibebenta niya sa mga club sa Japan kaya kung maaari, Mosaic, bilisan ninyo." Agad na tumango si Mosaic at isinulob ang papel sa loob ng envelope. Nagpaalam na rin ito sa pinuno at akmang tatalikod nang bigla niya itong tawagin. "Mosaic!" "Boss..." Huminga nang malalim si Marco at isinulob ang mga kamay sa bulsa sa gilid ng kaniyang pantalon. "Isama mo si Hazza. Para mapakinabangan naman..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD