Mas lalo lang kumabog ang puso niya nang tuluyang lumapit ang madre at matamis na ngumiti pa ito sa kanya. Para bang may kung anong hiwaga ang bawat ngiti nito sa kanya kaya laking gulat niya sa sariling nararamdaman. Makasalanan siyang tao at nirerespeto niya ang mga madre lalo na at alam niyang nasa Diyos ito nagsisilbi. Hindi niya kailanman naisip ito sa iba… sa babaeng lang ‘to talaga. May kapatid siyang babae ngunit pakiramdama ni Mosaic ay may kakaiba sa babaeng ito. The blessed woman in front of her is not just an angel to be called, para itong diyosa na kabababa lang sa kalangitan nito at nang-aakit na 'di nito alam/ “Hi…” Idagdag pa ang malambing at medyo husky nitong boses kaya mas lalong nakaka-sexy pakinggan. Dios ko! Napapatawag si Mosaic sa Dios dahil iba na ang pakir

